Railey.
"Thank god, it's friday!" Rinig kong sabi ng isang junior nang mapadaan ako sa hallway ng school.
"Hola! How's your first week?" Masayang tanong ni José sa akin.
"Excellent!" Pagsisinungaling ko.
"Pupunta kami bukas sa Miguelito's sasama ka ba?" Tanong niya.
"Miguelito's?" Tanong ko.
He chuckled, "Yung sikat na bar sa town. Kasama ang buong barkada, alam mo na hang out!" Sabi niya habang sumasayaw pa na parang sayaw ng lasing sa bar.
"Pag-iisipan ko." Sabi ko.
"Come on, give yourself a break! Hindi naman tayo magtatagal doon. Promise 10o'clock uuwi na tayo." Nakangiti niyang sabi.
"Hindi kasi ako umiinom." Sabi ko.
Oo, kahit madalas na umiinom ang mga nakakasama ko sa drag race proud ako sa sarili ko na kahit kailan hindi ako napasali sa bisyo nila. Hindi ko rin napabayaan ang pag-aaral ko noon kahit pa drag race ang laging nasa isip ko.
"Okay lang! Pwede ka umorder ng juice." Pamimilit niya.
"Pag-iisipan ko." Muli kong sagot.
Hinarangan niya ang daan ko.
"Please, sumama ka na." Sabi niya.
"Sorry, José." Tanging sagot ko.
May plano kasi ako na lumabas din sa Saturday para bumili ng cellphone dahil kailangan ko na mag-update kay Dad. Gusto ko rin bumili ng bagong libro na babasahin para maging busy ako, at maiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano. Gusto ko rin ng selfdate.
Papasok na sana ako sa Arts nang may magbukas ng pinto, syempre kulay pa lang ng balat niya alam ko na agad kahit hindi ko tignan ang mukha niya. Pero syempre marupok ako. Agad akong napatingin sa mukha niya, hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko dahil nakangiti siya.
Namalikmata ata ako, nakangiti si Xy?
Tahimik akong umupo ng hindi siya tinitignan. Sinasanay ko ang sarili ko na huwag ng tumitig ng matagal sa kanya. Iniiwasan ko na rin ang isipin siya kaya mas pinagtutuunan ko na ng pansin ang mga lesson, at homework ko.
Napatingin ako sa relo ko, masyado pang maaga. Kakaunti pa rin ang mga kasama ko sa classroom.
Iniwasan ko rin na mapatingin kahapon sa table kung saan siya laging nakaupo, at iniwasan ko na hanapin ang Ferrari 488 sa parking lot.
Sa mga ganitong oras noon kapag wala pang klase madalas nakikinig ako sa mga kanta na nasa cellphone ko gamit ang earphone.
"Railey!" Sigaw ni Shawn nang pumasok siya sa classroom.
"Hindi ka ba talaga sasama?" Sabi niya nang makalapit siya sa table namin.
Napatingin siya kay Xy na walang pakialam sa mundo.
"Busy ako sa sabado, may pupuntahan ako at kailangan ko maglaba sa gabi." Pagpapaliwanag ko.
Halata ang disappointment sa mukha niya, "Hindi ba pwedeng sa linggo ka na lang maglaba ng damit?" Tanong niya.
Umiling-iling ako.
"Sunday is rest day." Plain kong sabi.
Tumango-tango na lang siya.
"Okay, sabihin mo lang kung sakaling magbabago ang isip mo." Nakangiti na siya ulit.
I nodded. Bago siya umalis ay binigyan niya ng masamang tingin si Xy kaya naman napatingin ako sa katabi ko, at nakangisi ulit siya.
Hindi ko maintindihan ang mood ng taong 'to.
"Bakit?" Tanong ko.
I stopped when I heard his soft laugh. My heart! Ang rupok!
Umiling-iling siya.
Bakit mas nagiging gwapo siya kapag tumatawa? Damn! Paanong nag-eexist ang ganito kaperpektong tao? At sa sobrang karupukan ko, napatitig nanaman ako sa kanya.
Iniwas ko ang tingin ko bago pa ako tuluyang mahulog sa kanya ulit.
"Bakit ka tumanggi?" Narinig kong tanong niya.
Hindi ko siya nilingon, at hindi ko sinagot ang tanong niya. It's my turn para magsungit.
Patuloy lang akong nakinig sa lesson hanggang sa matapos ang Arts. Inasahan ko ang pagmamadali ni Xy para umalis dahil 'yon naman ang lagi niyang ginagawa. Pero nanatili siyang nakaupo.
Lumabas na ako sa classroom, usually nakasunod sa akin si Shawn para samahan, at daldalin ako papunta sa Calculus pero wala siya. Kaya naman nilingon ko ang likod ko, at nakita ko si Shawn na naglalakad sa di kalayuan. Malungkot ang tingin niya sa direksyon ko. Galit ba siya sa akin dahil hindi ko siya hinintay?
Napatigil ako sa paglalakad nang mapagtanto na hindi sa akin nakatingin si Shawn kundi sa katabi ko. Agad akong napalingon, at napatingala.
Xy? Napatingin din siya sa akin at tumigil sa paglalakad.
Anong trip niya?
Hindi ako nagsalita o kung anupaman, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa Calculus.
Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Bakit hindi pa siya umaalis? Hindi naman dito ang second subject niya?
Binuksan niya ang pinto, at pumasok. Sumunod lang ako sa kanya, at umupo kami sa bakanteng table. Bakit siya nandito?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Nagshift ako ng subject." Halos pabulong niyang sabi.
Damn! Namiss ko ang boses niya!
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"Paborito ko ang calculus." Tipid niyang sagot.
Hindi na ako nagtanong pa. Nanatili siyang tahimik, at nagfocus ako sa pag-intindi sa Calculus na kahit ano pang gawin ko hindi ko naman talaga maiintindihan.
Pagkatapos ay nakasunod pa rin siya sa akin hanggang sa pagpunta ko sa biology. Mabuti na lang, at iba ang katabi ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero kahit na malayo siya ay dama ko ang pagtitig niya sa akin, at hindi talaga ako komportable. Para bang natutunaw ako.
Lunch na. Mabilis akong lumabas sa biology, at pinilit kong makihalo sa mga estudyante para hindi niya ako masundan. As if naman sinusundan niya talaga ako. Feelingera! Bumagal ako sa paglalakad nang maisip na baka naman hindi niya talaga ako sinusundan.
Hanggang sa lunch ay hindi ako naging komportable dahil kahit kasama ko na sila Shawn ay naiilang pa rin ako dahil tatlong pares na ng mga mata ang nakatingin sa akin. Hindi ba sila kakain? Tititigan na lang ba nila ako hanggang sa matapos ang tanghalian?
"Nakatingin sayo yung mga Jaymes." Sabi ni Lana.
"Nagshift si Xy ng subjects na katulad ng sa subject ko. Hindi ko alam, siguro nababaliw lang ako, at nagooverthink." Naiiling kong sabi habang pinaglalaruan ang pagkain na binili ko.
"Baka type ka niya." Sabi ni Shelby.
Napakunot naman ang noo ko.
"Baka psycho lang siya." Nasabi ko.
"Weird talaga silang tatlo. Hindi sila nakikihalubilo sa mga estudyante dito. Kaya iniiwasan sila ng lahat." Sabi ni Lana.
"Baka gusto nilang takutin ang newbie sa school na 'to." Naiiling kong sabi.
Pagkatapos ng lunch ay mabilis akong nagpunta sa Economics. Ni hindi na ako nakapagpaalam kila Lana.
Tumunog na ang bell at wala pa rin siya. Teka? Hinihintay ko ba siya? Hindi!
Pumasok na si Mr. Tyson para umpisahan ang lesson nang may humabol sa pagpasok sa pinto.
Nakangisi siyang naglakad papunta sa tabi ko.
"Paborito mo rin ba ang Economics?" Sarcastic na tanong ko.
"Medyo." Tipid niyang sagot.
Kasama ko siya hanggang sa Biology, at Social Science. Malinaw na nagpalit siya ng subject na katulad ng nasa schedule ko.
Nice! Kung kailan iniiwasan ko siya saka niya gagawin lahat 'to. Magaling talaga 'tong hinayupak na 'to.
"Baka naman gusto mo rin magshift ng car slot papunta sa tabi ng sasakyan ko?" Sabi ko.
"Sige, pag-iisipan ko." Nakangisi niyang sabi saka ako inunahan sa paglalakad.
Iniwasan kong isipin ang ginawa ni Xy ngayong araw habang pauwi, at habang gumagawa ako ng homework na deadline sa monday. Tambak ako ng gawain. Pero kahit anong pilit ko na huwag siyang isipin ay naiisip ko pa rin siya kaya naman hinati ko na lang ang pag-iisip habang gumagawa ako ng homework at report para sa Social Science, at sa pag-iisip kay Xy. Nag-palit ba siya ng subjects para makasama ako?
Bandang alas dose na at hindi pa ako natatapos sa mga ginagawa ko. Nagpasya ako na matulog na, at bukas o sa linggo na lang ipagpatuloy lahat ng hindi ko natapos.
"I want to keep you safe." Ito ang sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Panaginip ulit? Okay.
"Keep you safe? Tinulak mo nga ako sa bangin!" Sigaw ko sa kanya.
Hinila niya ako papunta sa loob ng kakahuyan katulad ito ng kakahuyan sa panaginip kung saan nakahubad ako, at napagtanto ko na nakahubad nga ako.
Nakakita kami ng mga tao sa di kalayuan, at may hawak silang baril. Hinila niya ako para magtago. Madilim naman kaya hindi kami makikita. Sinimulan niyang tanggalin ang butones ng kulay puti niyang long sleeve polo.
"Bakit? Sigurado ka bang gagawin natin yan dito sa kakahuyan?" Tanong ko.
Hindi niya ako pinansin at ibinalot ang polo sa akin.
Hinila niya ako palayo nang mamataan kami ng isang lalaki na nakahawak ng baril. Hanggang sa makarating kami sa dulo ng bangin. Mahigpit niya akong yakap, hinawakan niya ang braso ko bago ako tinulak.
Napasigaw ako hanggang sa pagbangon ko ay sumisigaw pa rin ako. Nakarinig ako ng mga yabag papunta sa kuwarto ko, bumukas ang pinto, at nakita ko si Mom na nagmamadali.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
"Bangungot." Tipid kong sagot.
Mataas na ang sikat ng araw. Napatingin ako sa orasan alas-otso na.
"Sweetheart ilang gabi ka ng binabangungot." Nag-aalalang sabi ni Mom.
Tumango-tango na lang ako. Hindi ko rin naman alam kung bakit.
Ala una ng tanghali nang mapagpasyahan ko na pumunta na sa town para maghanap ng libro, at para bumili ng bagong cellphone.
Nakarating ako sa isang mall nagliwaliw muna ako habang naghahanap ng mumurahing cellphone shop. Pumasok ako sa isang shop, tumingin ng affordable na cellphone. Lumapit sa akin ang isang saleslady yung tipong sunod ng sunod na para bang magnanakaw ako ng phone.
Gusto mo sumama sa bahay te?
"Hello, Ma'am." Sabi ng isa pang saleslady.
Dalawa na sila.
"Magkano ang model na 'to?" Tanong ko.
"2,000 po ang down payment. 899 po ang monthly payment. 7,500 po ang cash." Sabi niya.
"Ito ba ang pinakamura?" Tanong ko.
Tumango siya.
"Bibilhin ko 'to." Sabi ko nang makilatis ko ang cellphone.
"Bibili po kayo ulit?" Tanong niya.
"Anong bibili ako ulit?" Tanong ko.
Napapikit-pikit siya habang tinatanong ang sarili.
"May isang lalaki po kasi kanina sa counter, binili po niya yung latest na model. Ang sabi po ibigay sa inyo kapag nasa counter na kayo." Sabi niya.
Napakunot ang noo ko.
"Lalaki?" Tanong ko ulit.
"Kaaalis lang po niya, Ma'am." Sabi ng saleslady.
"Anong hitsura niya?" Tanong ko.
"Maputi po siya. Matangkad, at kulay blue ang mata. Sabi niya magkakilala daw po kayo." Sabi ng saleslady.
Mamatay ka na Xy.
Lumapit ako sa counter para bayaran ang cellphone na binili ko. Pinilit nilang ibigay sa akin ang isa pang cellphone na binili para sa akin. Hindi ko ito tinanggap pero sabi nila masisisante raw sila kapag hindi ko kinuha.
Makita lang talaga kita Xy ibabato ko sa betlog mo ang cellphone na 'to. Napakamahal ng latest model kung hindi ako nagkakamali ay lumampas ang presyo nito sa 100,000!
Ano bang tingin niya sa akin? Keypad lang ang kaya kong bilhin?
Sunod akong pumunta sa bookshop para bumili ng sale na book collection. 30% off ang complete collection ng Twilight Saga, at Percy Jackson Series. Kaya naman nahirapan akong pumili kung ano ang bibilhin ko. Magastos na kasi kung pareho ko itong bibilhin. Sa huli ay pinili kong bilhin ang Twilight Saga pagkatapos magbayad ay iniabot ng cashier sa akin ang isang kahon ng complete collection ng parehong Twilight Saga, at Percy Jackson na parehong hardback.
"Ano 'to?" Tanong ko sa cashier.
"Libro po, Ma'am." Plain na sabi ng cashier.
Pwede bang manapak ng cashier dito?
"Alam kong libro 'to. Ang ibig kong sabihin bakit mo 'to binibigay?" Irita kong sabi.
"Bayad na po 'yan, Miss. Kaaalis lang nung lalaking nagbayad sabi ibigay ko raw sayo." Sabi niya.
Wala akong nagawa kundi bitbitin lahat ng pinamili ko na nadoble dahil sa mga pinaggagawa ni Xy.
Sinubukan kong hanapin siya sa paligid pero sigurado ako na ayaw niyang magpakita kaya pumunta na lang ako sa kotse, at inilagay lahat ng binili ko sa loob.
"Bwisit ka talaga, Xy."
Napagdesisyunan kong pumunta sa isang café para magmeryenda. Balak ko nga sa fastfood na lang kaso maraming tao, at siksikan.
Umorder ako ng kape, at saka ng muffins. Binilisan ko magbayad dahil baka madoble nanaman yung ibibigay sa akin. Hindi ako malakas kumain kaya siguradong masasayang lang kapag nagkataon. Pag-upo ko sa lamesa ay isang lalaking nakaupo ang napansin ko.
Nakaupo ito, at nakayuko. Nakasuot ito ng baseball cap, at sa kulay pa lang ng balat niya ay sigurado akong siya si Xy.
Agad akong lumapit at binigyan siya ng solid na sampal. Agad naman nagising ito, at napatingin sa akin. Halos mamula akong buong mukha, at katawan ko nang makitang hindi ito si Xy kundi isang inosenteng lalaki na hindi ko naman talaga kilala.
"Railey?" Si Xy ang nasa likod ko.
Hayup!