XI. Owned

2104 Words
Railey. "Paano ba yan? See you later!" Masayang sabi ni Shawn sa amin ni Xy. Wednesday na, at pumayag kami na pumunta sa party ni Shawn. I mean, si Xy lang naman ang pumayag. "Akala ko ba loner ka? Bakit ka pumayag na pumunta sa party?" Tanong ko kay Xy. He chuckled, "Hindi ako loner, ayaw lang talaga nila lumapit sa akin." Natatawa niyang sabi. "Paano ba naman para kang pinaglihi sa sama ng loob." Sabi ko sa kanya. "Hindi mo gugustuhing maging kaibigan ang mga tao kung malalaman mo na marumi ang pag-iisip nila." Sabi ni Xy habang nakangisi. Kumunot naman ang noo ko, at napaisip sa sinabi niya. "Sinasabi mo bang alam mo kung ano ang iniisip nila?" Tanong ko. Mukha naman siyang nabigla sa sinabi niya, at para siyang naghesitate sa kung ano ang susunod niyang gusto niyang sabihin. "Madali naman mabasa ang mga tao." Sabi niya. I shrugged, siguro nga may mga tao na madaling makabasa kung ano ang iniisip ng ibang tao. "Kung makapagsalita ka akala mo hindi ka tao." Natatawa kong sabi. Tumawa lang siya, at sumakay sa sasakyan niya. Tuwing umaga sinusundo niya ako sa bahay, at inaabot kami ng sobrang tagal bago makarating dito sa school dahil nakakabilib kasi ang pagmamaneho nitong si Xy, ang bilis. Pwedeng pang international competition. Tapos na ang maghapong klase, at papunta kami ngayon sa Huest para panoorin ang paglubog ng araw. "Takot ako sa dilim." Sabi ko habang nakaupo kami sa ugat ng malaking palm tree. "Ayoko ng gabi." Nakatitig lang siya sa mga bato na nilalaro ng kamay niya. Akala ko hindi na siya sasagot pero nagsalita siya. "Lakas ko ang buwan." Sabi niya habang nakatingin sa alon ng tubig. "Noon." "Noon?" Tanong ko. Tumitig siya sa mga mata ko. "Noon akala ko buwan ang lakas ko, hindi pala. Magulo man kung iisipin pero alam ko sa sarili ko na basta't kasama kita kaya kong gawin lahat." Seryoso ang pagkakasabi niya nito. Hinagisan ko siya ng bato, nasalo niya naman agad. "Saan mo nakuha ang pick-up line na 'yan?" Natatawa kong tanong. Syempre, ayokong aminin na kinikilig ako, baka lumaki pa ang ulo ng lalaki na 'to. I mean yung ulo niya sa taas. "Ano ang pick-up line?" Tanong niya. Lumaglag ang balikat ko. Oo nga pala, makaluma ang taong 'to. "You know pick-up line like 'Ikaw ba ang star sa starbucks?' Tapos magtatanong ka 'bakit?', at sasagutin kita 'Kasi ikaw ang star ng buhay ko' tapos kikiligin ka dapat." Sabi ko sa kanya. "Star ng starbucks? Anong kinalaman ng star ng starbucks sa star ng buhay mo?" Tanong niya. Nasapo ko ang sarili kong mukha, damn! Mawawalan ako ng sarcasm sa taong 'to! I swear! "Basta ganun nakakakilig 'yon kailangan lang ng scientific explanation para maintindihan." Sabi ko. "Kilig?" Tanong niya ulit. Damn! Bakit ba nag-open pa ako ng topic sa taong 'to. "Sorry, hindi lang talaga kami nakakaramdam ng kahit ano tungkol sa ganyang bagay." Sabi niya. "Kami?" Tanong ko. Muli ay nabigla siya sa sinabi niya. "Ibig kong sabihin sa kami ay yung mga katulad ko na wala pang karanasan sa pag-ibig." Sabi niya. "Bakit ako? Wala  pa rin naman akong karanasan sa pag-ibig. Naririnig ko lang ang tungkol dito dati pero ngayon ako na mismo ang nakakaramdam." Mahina kong sabi. "Ano nga yung kilig?" Tanong niya ulit. Shemay! Nang gigigil ako! Napakamot ako ng madiin sa ulo ko. "Kilig, katulad ko kinikilig ako kapag ngumingiti ka, o kaya naman kapag malapit ka, o kapag hinahawakan mo ako. Naeexcite ang mga kalamnan ko, at ang buong pagkatao ko, at bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa sobrang saya." Did I just confess my feelings? "Kakaiba 'yan. Bumibilis ang t***k ng puso." Sabi niya na para bang napapaisip. Napahawak siya sa dbdib niya sa may bandang puso. "Hindi ako nakakaramdam ng kilig." Damn! Hindi ka naman alien Xy? s**t! Paano kung alien nga si Xy kaya kakaiba siya kumilos? Paano kung galing siya sa ibang planeta? Paano kung robot siya kaya matigas, at malamig ang balat niya. "Hindi ako alien, okay?" Sabi niya. Napatingin ako sa kanya, "Paano mo nalaman ang iniisip ko?" Tanong ko sa kanya. "Nairinig ko na binubulong mong alien ako." Sabi niya. Akala ko naman nababasa niya ang iniisip ko. Malamang Xy, hindi ka kinikilig kasi hindi mo naman ako gusto hindi katulad ng pagkagusto ko sa'yo. Sino ba naman ako para magustuhan mo? Napakamalnourished ko, at hindi pa kagandahan. Sandali kaming natahimik, napatingin ako kay Xy na malalim pa rin ang iniisip. Sana hindi na lang ako nagsalita tungkol sa kilig. Medyo masakit e. Maaga kaming umuwi dahil susunduin pa ako ni Xy mamaya para pumunta sa party ni Shawn. Walang tao sa bahay nang umuwi ako, at kinumbinsi ko si Xy na umuwi na dahil baka magalit nanaman ang mga magulang niya katulad ng nangyari noong last week. Tumingin ako sa ref, at naghanap ng kung ano ang madaling iluto pero itlog lang ang nahanap ko na kaya kong iluto. Habang kumakain ay kinuha ako ang phone ko na wild kung magvibrate. Tumatawag si Dad. "Hello, honey!" Masiglang sabi ni Dad "Hey there, Dad!" Sagot ko. "Anong ginagawa mo? Bakit kahapon ka lang nagmessage? Natanggap mo ba ang mga email ko sa'yo?" Tanong niya. "Yes, busy kasi ako dito Dad. I'm sorry. Maayos ako dito, wag na kayong mag-alala." Sabi ko. "Nasaan si Shane? Baka naman iniiwan ka niya dyan ng mag-isa" Tanong niya. "Dad, matanda na ako. Nagluluto si Mom gusto mo bang kausapin?" Pagsisinungaling ko. Agad naman siyang tumanggi. "Siya nga pala, gusto ka makausap ni Kate. May sasabihin daw siya sa'yo hindi ko alam kung ano." Sabi niya, at narinig kong ibinigay niya na ang telepono. "Hello, sweetie!" Sabi niya. "Hello, Mom!" Sagot ko sa kabilang linya. I used to call her Mom ever since. "I've got a news for you." Bulong niya. Excited na excited siya. Ngumisi naman ako, at interesado sa sasabihin niya. "Is that a secret? I mean secret news?" Tanong ko. "Yes, yes. I'm 3 months pregnant! Magiging kuya na si Marco! Magiging Ate ka ulit!" Mahina niyang sabi. Napatili naman ako, "Alam na ba ni Dad?" Tanong ko nang matutop ko ang sarili kong bibig. "Gusto kong ikaw ang unang makaalam syempre ikaw ang paborito kong anak!" Mahina niyang sigaw. "Aww, I love you Mom!" Sabi ko, at pinunasan ang sarili kong luha. "I love you too, sweetie! I'm missing you." Sabi niya. "I miss you too." Sagot ko. "Kumusta ka naman dyan? May nakilala ka na ba dyan sa school? May mga gwapo ba dyan?" Tanong niya. "Wala pa Mom! Syempre study first." Pagsisinungaling ko, I mean nagsinungaling ako sa part na walang gwapo. "Ingat ka sa boys dyan ha? Nang hahampas ng batuta ang mga 'yan. O siya, ibabalik ko na sa Dad mo ang telepono nagluluto kasi ako ng ulam. Bye, Railey sweetie! I love you!" Sabi niya bago inabot kay Dad ang telepono. "Ingat ka lagi dyan, at huwag kang padalos-dalos sa mga lalaki dyan kailangan maganda ang lahi." Pabirong sabi ni Dad. "Binubugaw mo ba ako dad?" Natatawang tanong ko. Nagtataka kasi siya baka daw tibo ako dahil ayaw ko magkaroon ng boyfriend. "Baka naman babae ang hanap mo?" Pang-aasar ni Dad. "Dad!" Iritang sigaw ko. "Anak alam mong tanggap kita kahit ano pang gawin mo sa buhay mo." Sabi niya sa akin. "Hayaan mo Dad bibigyan kita ng apo, not now but tomorrow." Sabi ko sa kanya. "Umayos ka, Railey!" Asar na sigaw niya. "Sige na, ingat ka lagi dyan. Tawag ka lang kapag may kailangan ka okay?" Sabi niya. "Yes, Dad. Ingat din kayo dyan. Pakamusta na lang ako kay Marco. Baka busy 'yon sa kapit-bahay." Natatawa kong sabi. Madalas kasing nakikilaro si Marco sa xbox ng kapit-bahay namin doon sa Calexico, wala kasing pambili si Dad ng ganun. "Bye, Dad. I love you!" Sabi ko. "I love you too, honey." And the call was ended. Muli akong binalot ng katahimikan. Pagkatapos kumain ay naligo ako at nagpalit ng simpleng dress. Agad ko namang narinig ang busina ng sasakyan ni Xy. "Babae ka pala?" Pang-aasar ni Xy nang sumakay ako sa kotse niya. Inirapan ko lang siya bilang tugon. Ngayon ko lang napansin na hindi siya nakasuot ng long sleeve polo, at skinny jeans. Nakasuot siya ngayon ng above the knee shorts, at black na v-neck kaya naman mas lalong tumingkad ang kaputian niya. Bakit ang gwapo niya kahit anong anggulo? "You look beautiful as always." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko naman napigilan ang pag-init ng mukha ko. "Thank you." Sagot ko sa kanya. "Sigurado kang ayaw mong ako ang magdrive?" Umiling-iling siya. Nagpatuloy siya sa pagdadrive hanggang sa makarating kami sa isang medyo may kalakihang bahay modern ang design nito, at maraming kotse ang nakapark. Mula sa labas ay maririnig ang malakas na tugtugan. Sinalubong kami ng Mom ni Shawn, at pinapunta kami sa parte ng bahay kung nasaan ang pool. Nakita ko doon ang karaniwang nakikita ko sa mga party na dating dinadaluhan ko sa Calexico tuwing birthday ng mga kaibigan na nakakasama ko sa race. May inuman, Dj na nagpapatugtog ng malakas sa speakers, boxers, bra and panties, pool beer pong, catering, at mga nagmemake-out sa gilid-gilid. "Railey!" Sigaw ni Lana nang makita ako. Oo nga pala birthday niya rin dahil kambal sila ni Shawn. Sandali namang umalis si Xy para umiwas sa girl talk. "Happy Birthday!" Bati ko sa kanya. "Thank you, buti nakapunta kayo!" Sabi niya sa akin, at tinataas-taas pa ang kilay niya habang nakatingin kay Xy. "Ano?" Tanong ko. "Magkasama kayo?" Tanong niya habang kumakagat sa labi. I nodded, tumili naman siya. "Nagkiss na ba kayo?" Excited na tanong niya. "Ano? Hindi. Hindi siya nanliligaw, ang there's nothing between us." Sabi ko. "First time na may kasama siyang babae, alam mo ba 'yun? baka kumukuha lang siya ng tyempo." Kinikilig na sabi ni Lana. Kumuha siya ng dalawang baso mula sa dumaan na waiter. "Beer o wine?" Tanong niya. Umiling-iling ako. "Come on! It's my birthday!" Angal niya. Umiling-iling ako. "Railey!" Sigaw ni Shawn nang makita kami ni Lana na nag-uusap. "Happy Birthday!" Bati ko nang makalapit siya. "Thank you! May kasama ka ba?" Tanong niya habang tumitingin sa paligid. "Oo, kasama ko si Xy. Ayun siya-" Naputol ang pagsasalita ko nang makita kong busy sa pakikipagdaldalan si Xy sa ibang babae na sa tingin ko ay senior din. "Mukhang busy siya?" Sabi ni Shawn. "Akala ko ba loner siya, at hindi nakikipag-usap sa ibang estudyante?" Tanong ko sa sarili ko. "You can't own a man, Railey!" Nang-aasar na sabi ni Shawn. "Maiwan ko muna kayo." Sabi ni Lana bago inasikaso ang iba pang bisita na bagong dating lang. Inalok ako ni Shawn na maglakad-lakad sa garden nila, pumayag naman ako dahil masyadong maingay sa pool. "Magbihis ka nga muna Shawn." Sabi ko nang makaupo kami sa damuhan. "Hindi na babalik rin naman ako mamaya sa pagligo. Bakit? Ayaw mo bang pagmasdan ang mga abs ko?" Tanong niya. "Hindi ako interesado sa abs." Sabi ko. "Paano kung abs ni Xy 'to? Gusto mo ba?" Tanong niya. Syempre, Oo. Tinatanong pa ba 'yan? "Hindi syempre!" Sagot ko naman. Sandaling bumalot ang katahimikan sa amin. Napatingin na lang ako sa langit na puno ng mga butuin. "You like him, do you?" Tanong niya. "Siguro." Tugon ko naman. Halata ang lungkot sa mukha niya. Come on, Shawn. Varsity player ka pwede ka pang makakuha ng iba dyan. "Bakit siya pa, Railey? You can own me whenever you want. Sasaktan ka lang niya." Sabi ni Shawn sa akin. Okay, ayoko ng ganitong conversation. Ayokong sirain ang gabi niya dahil literal na gabi niya 'to. "Please, Shawn. Ayoko ng ganitong usapan." Tumayo na ako, at naglakad palayo. "Railey, please. I can treat you better than anyone else, even him." Sabi niya. Umiling-iling ako. "Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo Shawn, at hindi ako pumapasok sa isang relasyon." Sabi ko. "Kaya ko maghintay, Railey." Sabi niya. "Wala kang mahihintay sa akin, Shawn." Sabi ko. "Please, ayokong sirain ang gabi mo." "Bigyan mo ako ng chance, papatunayan ko sa'yo. Mas sasaya ka sa akin." Hinawakan niya ang kamay ko, at talagang nakainom na siya dahil amoy beer siya. "Shawn lasing ka. Bitiwan mo ako." Medyo kinakabahan na ako dahil ayaw niya akong pakawalan. "Shawn, please. Ayoko ng ganito." "Sinabing ayaw niya, Shawn." Sabi ni Xy na kadarating lang. Bumitaw naman agad si Shawn sa pagkakahawak sa akin. Tinulak siya ni Xy ng malakas, at humampas si Shawn sa pader na halos limang metro ang layo sa amin. Mukhang nawalan si Shawn ng malay. Paanong nangyari 'yon. Hinila ako ni Xy palayo doon, paalis sa bahay nila. s**t! Ang init ng kamay niya. Nakakapaso ito, at malayong-malayo sa malamig at para bang nagyeyelo niyang kamay. Agad niyang pinaandar ang sasakyan, at nabigla ako sa bilis ng patakbo niya. Mas mabilis ito kaysa sa pinakamabilis na patakbo ko sa drag race. "Xy, kalma!" Sigaw ko dahil natatakot na ako sa kinikilos niya. Unti-unting bumagal ang patakbo niya, at sandali pa ay huminto kami sa gilid. "Gusto ko siyang patayin." Sabi ni Xy sa malungkot na mukha. Umiling-iling ako. "You can't just own me, Railey." Sabi niya. Sandali akong nasaktan sa sinabi niya. Kinuha niya ang kamay ko, at hinawakan. Mainit pa rin ang balat niya. "You know why? Because you owned me ever since I was born, and I am yours even I don't exist anymore." And then our lips met.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD