Railey.
I am begging for more pero hindi ganoong klase ng lalaki si Xy, tahimik lang siya hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Nakayuko siyang nagmaneho paalis habang ako naman ay naiwan sa labas ng bahay, nakatayo at giniginaw.
Bakit hindi niya ako kinakausap? Pinagsisisihan niya bang hinalikan niya ako? Siguro nga nabigla lang siya.
Pumasok ako sa bahay, at dumiretso sa kuwarto. Ang gulo ng lahat, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Shawn bukas. Si Xy na napakamisteryoso pa rin, at yung halik! That was my first kiss. Shemay! Virgin pa rin naman ako di ba? Sa pagkakaalam ko hindi naman ako mabubuntis nang dahil sa halik.
Late na akong nagising kaya naman mabilis akong naligo, at hindi na nag-almusal. Inaasahan ko na makikita ko si Xy sa labas pero nadismaya ako dahil wala akong nakita na kahit ano sa harap ng bahay.
Nagmamadali kong inilabas ang kotse sa garahe, at nagdrive ng mabilis papunta sa school.
Agad kong inilibot ang tingin sa parking lot pero walang sasakyan ni Xy, pati na ang sasakyan ni George ay wala rin.
Tumakbo ako papunta sa senior building, at umakyat papunta sa first subject ko. Agad akong napatingin sa upuan namin ni Xy pero wala kahit anino lang niya.
So ganito na lang? Pagkatapos niya akong pakiligin kagabi ghosting na lang?
"Railey!" Ito pa si Shawn.
Pero hindi katulad ng lagi niyang ginagawa na inaakbayan ako, ngayon ay hindi niya ako nilapitan, at pinanatili niya ang distansya sa pagitan naming dalawa.
Mukha siyang may hang-over.
"Sorry sa nagawa ko, Railey. Alam kong mali, at nasaktan talaga kita, sorry." Malungkot niyang sabi.
Mukhang ikaw pa nga ang nasaktan ni Xy kagabi.
"Ayos lang, ang mahalaga lang sa akin malinaw na para sa'yo na wala. Di ba?" Naiilang kong sabi sa kanya. I'm not used to this kind of convo. Geez.
Mukha pa rin siyang nanlulumo pero tumango siya, at pilit na ngumiti.
"May iba pa bang nakakaalam ng nangyari kagabi?" Tanong ko.
Baka may nakakita kasi sa ginawa ni Xy kagabi baka isipin na may superpowers pa si Xy dahil sa sobrang lakas ng pagkakahagis niya kay Shawn. Buti hindi nabalian ng buto si Shawn, patay na kapag nagkataon.
Pero paano kung may superpowers nga siya? Shemay! Heto nanaman yung mapurol na pag-iisip ko. Puro imposible na lang ang iniisip.
"Wala nakita lang nila akong natutulog sa garden siguro sobrang lasing na ako." Natatawa niyang sabi.
Tumango-tango ako para di niya maisip kung bakit siya walang malay.
"Sasabay ka pa rin naman sa amin tuwing lunch di ba?" Tanong niya habang nakatingin sa tabi ko. "I mean, wala naman si Jaymes."
"Sinong nagsabi?" Tanong ng isang boses. Tumindig ang balahibo ko, at para bang nabuhayan ang buong pagkatao ko.
Napalingon kami sa nakatayo, at masamang nakatitig kay Shawn. Nakita kong napalunok si Shawn, at tila naduwag. Feeling ko naaalala niya talaga kung ano yung ginawa ni Xy sa kanya kagabi pero dinideny niya lang sa sarili niya.
Lumapit si Xy sa akin, at hinigit ang baywang ako. He gently pulled me away from Shawn, and led me to our seats.
Nagpapanic talaga ang lahat ng organs ko tuwing hinahawakan niya ako.
"Patawad, hindi kita nasundo." Sabi niya.
Binitawan niya ang baywang ko nang makaupo na kami. Kasabay naman ito ng pagpasok ni Mr. Wilson.
"Okay lang." Sagot ko sa kanya.
"Bakit nakikipag-usap ka pa rin sa kanya sa kabila ng ginawa niya sa'yo kagabi?" Tanong ni Xy.
Ikaw? Bakit kinakausap mo pa rin ako sa kabila ng ginawa mo sa akin kagabi?
"Mabait naman si Shawn, at nakausap ko na siya tungkol sa kung hanggang saan lang dapat kami." Sabi ko.
"Lagi ka na lang hinaharass ng mga lalaki sa tuwing nililigtas kita." Sabi niya.
"Choice mong iligtas ako." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko 'yon choice. Dapat lang na iligtas kita dahil wala akong silbi kung wala ka na." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
Umiwas ako ng tingin. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking 'to?
"Xy? Gusto mo ba ako?" Tanong ko. Alam kong kabaliwan ang tanong ko. Hindi ko naman dapat tinatanong yung mga ganung bagay pero naguguluhan kasi ako.
Umiling-iling siya. Tumango-tango ako, walangya! Sabi kasi dapat hindi na ako nagtanong. Ano ba naman kasi ang mga sinasabi niya?
"Higit pa doon ang nararamdaman ko para sa'yo, Railey." Sabi niya na para bang iniisip ng mabuti ang sinasabi.
Akala ko magsasalita pa siya pero hindi niya ako kinausap hanggang sa sumapit ang lunch.
"Nasaan si Rina, at George?" Tanong ko sa kanya.
Sa wakas nagsalita rin, "May pinuntahan sila." Tipid niyang sagot.
Kumuha kami ng pagkain, at umupo sa lamesa kung saan laging nakaupo ang Trio. Kinain ko agad ang lunch ko dahil gutom na talaga ako.
"Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko.
"Hindi ko kailangan ng pagkain." Sabi niya.
"Busog ka?" Tanong ko.
Nagkibit-balikat lang siya. Bakit naman hindi niya kailangan ng pagkain?
Dumiretso kami sa mga subject namin pagkatapos ng lunch, at talagang hindi niya ako kinakausap! Galit ba siya sa akin?
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin nang sumakay ako sa kotse ko. Uwian na kasi.
"Uuwi malamang." Sagot.
"Huest." Sabi niya.
"Tayong dalawa?" Tanong ko.
He nodded. Kaya naman nagdrive kami papunta sa Huest. Medyo naninibago ako dahil nasanay ako na kasama sila Rina, at George tuwing pumupunta kami sa Huest.
Naisip kong hamunin si Xy sa isang mabilisan na race. Bumusina ako, at sumenyas sa kanya. Kumunot ang noo niya, at sumenyas ng 'NO'. Ngumisi naman ako, at nagdrive ng mabilis. Nakita ko sa side mirror na bumilis anh patakbo niya. Inapakan ko ng medyo madiin ang gas. Nasa 170kmph na ang patakbo ko pero napantayan niya ako. Masama ang tingin niya sa akin, at halatang naiinis.
Kaya naman pala niya magpatakbo ng mabilis tapos napakabagal magmaneho kapag kasama ako.
Maya-maya pa ay narating namin ang mabuhangin na parte ng Huest kaya naman nagslowdown na kami. Huminto kami sa usual spot kung saan sila tumatambay. I mean nakikisali lang naman ako kaya sila pa rin ang talagang tumatambay dito.
"Tigas talaga ng ulo mo!" Sabi niya sa akin nang makababa kami sa sasakyan.
Ngumisi lang ako, lumapit siya sa akin at nilagay ang mga kamay niya sa baywang ko.
"Binabaliw mo ako." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Nag-umpisa kaming maglakad-lakad hanggang sa nakakita kami ng tree log na nakahiga. Umupo kami rito habang nakatanaw sa malawak na dagat ng Huest. May iilan rin na mga grupo ng juniors ang nasa di kalayuan, at magkakasamang nagsasaya.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang hawak niya naman ang baywang ko. I feel safe, and there's nowhere else on this planet is more comfortable than in Xy's arms.
"Xy, anong ibig mong sabihin sa sagot mo sa akin kanina?" Tanong ko.
"Anong tanong?" Tanong niya naman.
"Tinanong kita kung gusto mo ako sabi mo hindi, at may sinabi ka na hindi mo ako gusto dahil higit pa ang nararamdaman mo para sa akin. Anong ibig mong sabihin? Naguguluhan kasi ako kung ano ba talaga tayo." Tanong ko.
Mas maigi ng sabihin niya para malaman ko, dahil kung sakali man na wala talaga iiwas na ako. Ayoko naman na ako lang yung nagmamahal sa aming dalawa. Ayokong lumalim ang nararamdaman ko para Xy kung iniisip niya naman pala na wala lang ito para sa kanya.
"Higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko para sa'yo, Railey. Pero may mga bagay kasi na hindi pwede." Bumaba ang tingin niya, at para bang napakalalim ng iniisip.
"Anong hindi pwede?" Naguguluhan kong tanong. "Dahil kung ako ang tatanungin Xy, gustong-gusto kita. Alam kong maikli lang ang panahon na nakasama kita halos isang linggo. Pero Xy, iba kasi yung naramdaman ko." Pag amin ko.
Alam kong mali na umamin ako, at ayaw kong ipakita na gusto ko siya pero mahirap pigilan.
Hinawakan niya ang kamay ko, "Railey, hindi mo ako pwedeng gustuhin. Hindi tayo pwede." Sagot niya.
"Kung hindi tayo pwede bakit ganito ka sa akin? Ano yung mga pinagsasabi mo sa akin? Bakit mo ako hinalikan kung hindi tayo pwede?" Tanong ko. s**t! Nangingilid ang mga luha ko, at malapit ng pumatak.
Sana iniwasan ko na lang siya.
"Masama ako, hindi pwede. At hindi mo ako gugustuhin kapag nalaman mo kung ano ako. Kung gaano ako kasama." Sabi niya.
"Kung masama ka bakit mo ako niligtas doon sa kakahuyan?" Tanong ko.
"Kalimutan mo na 'yon." Pilit niya.
"Paano kapag nalaman ko kung ano ka? Paano kung tinanggap kita pwede na ba?" Tanong ko.
Umiling-iling siya.
"Hindi yon ganun kadali." Sabi niya.
"Siguro nga kailangan ko na umiwas sa'yo bago pa lumala ang lahat ng 'to." Sabi ko at tumayo na.
Hinila niya ang kamay ko para umupo ulit.
"Hindi mo alam ang panganib kapag minahal natin ang isa't isa." Mahina niyang sabi.
Kabaliwan! Ano bang panganib ang sinasabi niya?!
"Mahal kita, Railey. Nakita ko kung gaano kalinis ang puso mo, at ang nararamdaman mo para sa akin. Pero bawal kitang mahalin dahil mali ito sa mata ng batas." Tinignan niya ako ng mata sa mata, "Alam kong kabaliwan ito pero gusto kong sumugal para sayo."
Hinawakan ko ang pisngi niya, at pinakatitigan ang bughaw, at payapa niyang mga mata.
"I know you worth the risk." Tugon ko sa kanya.
Unti-unti siyang lumapit, at isinandal ang noo niya sa akin. I felt again the rush of helplessness, and thinking of him as my weakness and strength is driving me insane. I could feel his warmth even though his skin was cold. I wrapped my arms around his neck, then he gently pressed his lips against mine. It was wet, and I didn't know I was crying. I am begging for more, for a deeper kiss. He wrapped his arms around my waist, and pressed me harder through him.
Shit! Ramdam ko ang pagsabunot ko sa buhok niya habang idinidiin ang ulo niya sa mukha ko. He's gently caressing my back, it is a strange feeling. A feeling that I will beg for just to feel it again.
Xy let go of the kiss, and then he put a smack on my forehead.
That kiss under dusk is a rare kind of phenomenon.
"Umuwi ka na." Ito ang bulong niya sa akin bago ako hinatid sa sasakyan ko.
Halos madilim na din.
"Paano ka?" Tanong ko.
Hindi siya nagsalita, at tumalikod na sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako bago nagmaneho paalis sa Huest.
Naabutan kong bukas ang ilaw sa bahay kaya naman alam ko na naroon sa loob si Mom.
"Gabi na." Sabi niya.
"Nagpahingin lang ako." Sagot ko bago umakyat sa kuwarto.
"What the heck! Xy?!" Sigaw ko nang makita ko siyang nakatayo sa loob ng kuwarto ko malapit sa bintana. "Paano?"
Agad akong lumapit sa kanya papunta sa bintana para tignan ang kotse niya sa labas pero wala ito. Kahit sa kalsada wala rin.
Niyakap niya ako ng mahigpit bago ko pa siya masuntok sa mukha.
Nakakalasing ang amoy niya, mabango pero hindi matapang. Amoy na hinahanap-hanap ko hanggang sa pagtulog, at paggising ko.
"Kailangan ko nang umalis." Aniya.
Bumitaw siya sa yakap, at tumalon sa bintana.
"Xy!" Agad akong tumingin kung saan siya nahulog pero wala ni anino niya.
"Anong Xy?" Tanong ni Mom na may hawak pang sandok na nagmamadaling pumunta sa kwarto.
"Wala, akala ko kasi nakita ko siya sa kalsada." Pagpapalusot ko.
"Gutom lang 'yan, hali ka na luto na ang hapunan." Sabi niya.
Tahimik akong kumain habang iniisip ang nangyari kanina sa Huest.
"Kumusta ka kahapon? Madaling-araw na kasi nung umuwi ako." Tanong ni Mom.
"Okay lang, tumawag si Dad kahapon para mangumusta." Sagot ko.
"Kumusta na kayo ni Xy?" Diretso niyang tanong.
"Mom?" Irita kong sabi. Takte, iniisip ko palang yung kagabi, at kanina tapos tatanungin mo ako ng ganyan?!
"Bakit?" Inosente niyang tanong.
Pagkatapos ko maghugas ng pinggan ay umakyat na ako sa kuwarto, at hinintay na dalawin ako ng antok.
Yes, I am dreaming again. Nasa loob ako ng isang luma ngunit eleganteng bahay, at may malaking salamin sa harap ko. Naramdaman ko ang malamig niyang braso mula sa likod papunta sa baywang ko. Wala siyang repleksyon.
Humarap ako sa kanya, at nakita ko ang maganda, at perpekto niyang mukha.
"Mahal mo pa rin ba ako?" Tanong niya.
"Mahal kita." Tugon ko.
Iniharap niya ako sa salamin, wala pa rin siyang repleksyon. Naramdaman ko ang dampi ng matangos niyang ilong sa leeg ko. Gayunpaman, wala akong nararamdaman na hininga mula sa kanya. Para bang hindi siya humihinga pero nagagawa niyang amuyin ang leeg ko.
"Bakit wala kang repleksyon?" Tanong ko.
Hindi niya ako sinagot sa halip ay nakaramdam ako ng dalawang matulis na bagay sa leeg ko, at dahan-dahan itong bumaon sa balat ko.
Mainit, at para bang may dumadaloy na kung ano sa loob ng katawan ko. Para akong kinukuryente. Napakapit ako sa braso niya habang pinapakiramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa damit, at balat ko. Amoy bakal, at kalawang. Dugo.
Nakaramdam ako ng matinding pagod, at pagkahapo.
"Mahal mo pa rin ba ako?" Tanong niya.
"Mahal na mahal." Tugon ko.
Napamulat ako, at napaupo nang mapagtanto na nananaginip ako. Agad akong napahawak sa leeg ko, walang sugat o kung ano man. Walang dugo. Wala si Xy sa paligid.
Hindi kaya ang mga katulad niya ang tinutugis nila Aethan?