XIII. Monster

1982 Words
Railey. "s**t! What am I going to do now?" Tanong ko sa sarili ko habang kabado na humihigop ng kape. But still I want to hear it from him. Gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin. I knew it! Simula pa lang noong una ko siyang nakita, alam ko na  mayroon talagang kakaiba sa kanya. Kakaiba ang kulay niya, ang kilos, ang pananalita, at ang lahat sa kanya. Absent-minded akong naligo, at hindi na ako nag-almusal dahil wala talaga ako sa mood para kumain. Ang tanging naiisip ko lang ay kung paanong nag-eexist talaga siya, ang mga katulad niya. Paano ko sasabihin sa kanya na alam ko? Sasabihin ko ba agad sa kanya? It's friday, at kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang makita bago mag-weekend. Maaga akong nagpunta sa school, at hindi ko na inisip kung anong panganib nanaman ba ang naghihintay sa akin sa pagpasok ko ng maaga. Simula noong binugbog ni Xy ang tatlong alagad ni Ryan noong araw na 'yon ay wala na akong naging balita sa kanila. Pati na rin kay Ryan. Hindi ko na nakikita ang jeep ni Ryan dito sa parking lot, maging siya mismo dito sa campus. Unti-unti nang dumarating ang mga estudyante, at nanatili akong naghihitay sa parking lot. Hanggang sa nakita ko ang Ford Ranger ni George na paparating. Agad akong lumapit nang huminto ito. Nabigla naman si Rina nang lumapit ako. "Railey?" Tanong niya. "Sorry, pero si Xy? Hindi ba siya papasok ngayon?" Aligaga kong tanong. "Busy siya." Sabi ni Rina habang nakayuko. Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Pero muli ko silang hinarang. "Sorry, pero saan siya busy? P-pwede ko ba malaman?" Desperado kong tanong. "Kailangan ko siyang makausap." Umiling-iling lang si Rina, "Sorry, Railey. Pero sadyang mapag-isa si Xy, at sinasarili talaga niya ang mga bagay." Sabi ni George. Ako naman ang umiling-iling, "Alam kong alam niyo. Please, kailangan ko lang talaga siya makausap." Pamimilit ko. "Sorry, Railey." Sabi ni Rina habang nakayuko bago ako iniwan. Nakayuko akong pumunta sa first subject ko. Napatanaw na lang ako sa parking lot habang tahimik na nakaupo sa table namin ni Xy. Nakatitig ako kung saan usually nakapark ang kotse ni Xy. Why so mysterious, Xy? Ano naman kung vampire siya? I mean yes, they're indeed dangerous. Pero hindi sila ganun, at naniniwala ako na hindi lahat ng katulad nila ay masama. Kahit na napakasungit ni Xy, alam ko na hindi niya ako kayang saktan. Isa pa ay nakikisalamuha sila sa mga tao, at walang masamang nangyayari sa mga tao dito si Fairfield. Lutang ako sa buong subject, at hindi pa rin nagdidigest yung utak ko. Sa sobrang dami kong iniisip feeling ko naimpatso na yung utak ko, kawawa naman. "Kain ka naman, Railey." Concern na sabi ni Shawn. I just gave him a weak smile. I'm not in the mood to talk, to eat, to laugh, even to breath. Kaya ba hindi sila magkasundo ni Aethan? s**t! Si Aethan! Hindi ako sigurado kung alam ba ni Aethan na vampire ang mga Jaymes. At talagang nagpunta pa si Aethan sa bahay ng mga Jaymes. Anong meron sa border? Kailangan ko ba magtanong kay Aethan tungkol sa mga vampire? Damn! Do vampires really exist? Para akong napunta sa isang di makatotohanang nobela! Tahimik ang buhay ko sa Calexico, at nagkandaletse noong dumating ako dito sa Fairfield. Hindi ako makapaniwala, at ayaw ko maniwala na totoo sila kasi hindi naman talaga. To see is to believe. Kaya gusto ko na kay Xy marinig ang salitang vampire siya. Bakit ba kasi wala siya ngayon? Tinatawagan ko ang phone niya pero hindi niya siguro alam sumagot ng tawag. Yes, a cave man. "Nak, dismissal na. Wala ka bang balak umuwi?" Tanong ni Ma'am Mason. "Sorry, Ma'am Mason. Una na po ako. Antok lang po ako Ma'am." Umiiling-iling ako habang natatawa sa sarili kong katangahan. Hindi pa naman masyadong late para umuwi dahil uwian pa lang talaga. Kailangan ko ba sumama kay Rina, at George sa Huest? Baka naroon si Xy, tama! Nagmamadali akong pumunta sa parking lot, at naabutan ko sila na papasakay na sa kotse. "Rina!" Sigaw ko. At syempre may mga estudyante na napatingin kahit hindi naman Rina ang pangalan nila. "Pupunta ba kayo sa Huest?" Hingal kong tanong. Hinahabol ko ang hininga ko habang nakakapit sa pinto ng kotse ni George. "Sorry, Railey. Pero hindi kami makakapunta ngayon. Busy kasi." Sabi ni Rina. Napayuko ako, at tumango-tango na lang. Sinabihan ba sila ni Xy na iwasan ako? I should've expect this at the first place. I don't know how I went home sobrang lutang ako. Hindi ko alam kung kailangan ko bang magtanong kay Aethan tungkol sa bagay na 'to, o magresearch mag-isa. "Sweetie, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Mom dahil hindi ko man lang ginagalaw ang pagkain sa harap ko. Umiling-iling ako. Nasaan ba siya? Hindi matatahimik ang buong pagkatao ko hangga't hindi ko siya nakakausap. I didn't get enough sleep last night. I mean yes, I didn't get peaceful sleep since I got here in Fairfield. Nagdesisyon ako na tawagan si Aethan dahil hindi ko na siya nakausap simula noong nagpunta kami sa mga Jaymes, at talagang mainit ang awra niya nang mga oras na yon. 11 o'clock na pero wala pa rin ako sa mood na bumangon sa kama. Isang katok ang narinig ko sa pinto, I guess it's Aethan. Umayos ako ng upo nang pumasok siya, at umupo sa edge ng kama. "You sick?" Tanong niya. Umiling-iling ako. "Lazy weekend." I smirked. I am good at lying. "Sorry, mainit ang ulo ko noong huli tayong nagkita." Sabi niya. "Wala 'yon." Actually, I am curious. "Well, if you don't mind. Labas tayo?" Aya niya sa akin. Tumango-tango ako. I think I really need a break, and besides kailangan ko magtanong sa kanya about vampire thingy. Naligo ako, at nagsuot ng simpleng damit. Ginamit namin ang sasakyan ni Aethan since ayaw niyang ako ang magmaneho. I give up a big sigh before I asked him, "Aethan, do vampires really exist?" Napatingin siya sa akin. "I told you, my ancestors used to hunt them." Cool niyang sabi. "Um... How 'bout now? Naghuhunt pa rin ba kayo?" Tanong ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang malaman ang sagot. Malamang hindi. "May batas na kaya hindi kami pwedeng pumatay ng walang dahilan. But! Yeah, there's big one but. Yun ay kapag lumagpas sila sa border para manakit ng mga tao lalo na sa tribe. Pwede namin silang patayin." Sabi ni Aethan. "Have you ever encounter them?" Tanong ko. Nakita ko ang pag-iiba sa ekspresyon niya, "I don't know. Pero sisiguraduhin ko na handa na ako kung sakaling kakalabanin man nila ang tribe." Napatingin ako sa kanya. Kakalabanin? Bakit parang sa tono niya ay mayroon silang pinaghahandaan na laban. Kaya ba siya busy nitong nakaraan? May kinalaman kaya ito sa pagkaabala rin ng mga Jaymes? Am I just overthinking, O talagang konektado lang ang mga nangyayari? We stopped at a fast food dahil lunch na rin. "Bakit mo nga pala natanong?" Tanong niya sa akin. Kailangan ko bang sabihin sa kanya? Baka ipahamak ko lang ang mga Jaymes. "May nabasa lang akong article tungkol sa kanila." Pagsisinungaling ko. "Okay." Sagot niya pero mukhang di siya naniniwala. "What are your plans this incoming holiday?" Tanong ko. "Sobrang busy sa tribe, wala akong time para magbakasyon." Sagot niya. "Okay." Naaawa ako kay Aethan dahil hindi niya naeenjoy ang buhay niya dahil may responsibilidad siya na kailangan tugunan. "Aethan." Sambit ko. Agad naman siyang napatigil sa pagkain ng fried chicken. "Paano kung nakaencounter ka ng vampire." Kagat labi kong tanong. Napatigil siya, at sandaling pinaglaruan ang pagkain sa plato niya habang pinag-iisipan ng mabuti ang isasagot sa akin. "Pupuksain ko sila dahil iyon ang kinalakihan kong gawin." Tipid na sagot ni Aethan. I nodded. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakatanggap ng tawag si Aethan kaya naman nag-aya na siya umuwi. "I am sorry about this. Pero babawi ako next time, Railey." Nakangiti niyang sabi nang maihatid niya ako sa bahay. "Ayos lang, ingat." Ngumiti lang siya bilang tugon saka nagmaneho paalis. Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso agad ako paakyat papunta sa kwarto nang mapadaan ako sa study room o tinatawag na opisina ni Mom. Narinig ko ang boses niya na may kinakausap, at nakarinig ako ng pamilyar na tinig sa loob. Tahimik akong napalingon sa labas ngunit walang ibang sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay. "I know what I am asking is too much pero alam ko na iba kayo. So please, iligtas mo siya sa araw na 'yon." Mom said. Napalunok ako, at naghihintay  ng tugon mula sa kausap niya. Sino ang tinutukoy ni Mom sa "Iligtas mo siya" at anong meron sa araw na tinutukoy niya. Bakit ililigtas? Si Superman ba ang kausap niya? Isang hero na kayang iligtas ang sangkatauhan? "She's here." Tugon ng boses. I knew that voice. Kilala ko ito kahit nakapikit, kahit tulog ako, at kahit na patay na ako. Ang boses na gusto kong marinig nitong mga nakaraang araw, at ang boses na alam kong hahanap-hanapin ko araw-araw. It was Xy. Dahandahan akong naglakad palayo sa opisina ni Mom. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, at sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin. Bakit sila magkausap ni Mom? Bakit parang ang tagal na nilang magkakilala? Tatakbo ba ako papunta sa kwarto? O hahayaan ko na makita nila akong nakikinig sa pinag-uusapan nila? Para akong naestatwa nang bumukas ang pinto ng opisina ni Mom. Diretso ang tingin niya sa akin dahil sa tingin ko ay alam niya na nakikinig ako kanina pa, at alam niya na nandito ako sa labas. Lumapit siya sa akin, sunod na lumabas si Mom. "Railey." Sabi ni Mom. Hinawakan ni Xy ang kamay ko, at hinalikan ito. Biglang nawala ang takot, at kaba ko. He might not be Clark Kent. But Xy Jaymes is my own definition of Superman. Niyakap ko siya agad. Isang mahigpit na yakap na para bang nawalay ako sa kanya ng mahabang panahon. "Saan ka nagpunta?" Tanong ko. Pero hindi niya ito sinagot. "Kailangan natin mag-usap." Sabi niya. Napatingin ako kay Mom, tumango siya bilang pagpayag. Kaya naman lumabas na kami ni Xy papunta sa kakahuyan na malapit sa bahay. "Saan ka nagpunta?" Muli kong tanong. "May mga bagay lang ako na inasikaso." Tipid niyang sagot. Niyakap niya ako ng mahigpit. Malamig pa rin ang balat niya, at maputla. "Hindi ko ba pwedeng malaman?" Tanong ko. "Sa susunod malalaman mo." Sabi niya sabay halik sa noo ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng matangos niyang ilong at ang pag-amoy niya sa buhok ko. Pasimple kong inamoy ang damit niya. Oh god, I missed his scent. Paunti-unti ay umatras kaming dalawa papunta sa malapad na puno. Naramdaman ko ang tigas ng kahoy sa likod ko, at ang pagdiin niya sa akin. Inilapat niya ang dalawang palad niya sa punong kahoy para ikulong ako. Para akong kinuryente nang haplusin niya ang buhok ko na naging dahilan upang makita niya ang leeg ko. Tinitigan niya ang mga mata ko. Wala akong magawa, hindi. Hindi ito ang tamang gamitin na mga salita dahil ayokong gumalaw, at ayaw ko na maistorbo siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin sa akin. Sa madaling salita ay gusto ko. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko, at naramdaman ko ang malamig niyang labi. Tahimik kong ibinaon ang mga kuko ko sa punong kahoy. Ipinikit ko ang mga mata ko para mas madama ang kung anumang ginagawa niya. Ngunit agad akong napamulat nang makaramdam ako ng dalawang matutulis, at nakakukuryenteng bagay sa leeg ko. "Pinapanood kita sa pagtulog mo gabi-gabi, Railey." Bulong niya. Napalunok ako, at hindi makapagsalita. "At oo, tama ang iniisip mo tungkol sa akin." Pagpapatuloy niya. Mas ibinaon niya ang dalawang matutulis na bagay sa leeg ko dahilan para mapapikit ako ng mariin dahilan para mag-iwan ito ng marka ngunit hindi ng mga sugat. Humugot ako ng malalim na hininga, "Sabihin mo." Piyok kong sabi. "Halimaw ako, Railey. Pumapatay ako ng tao para mabuhay. Sanggol, at birhen. Iyon ang mas tumatagal na pagkain para sa amin Railey. Pumapatay ako ng mga inosente." Umiling-iling ako. "Sabihin mo." Gusto kong marinig ang salitang 'yon mula sa kanya. "Bampira." Bulong niya sa tenga ko dahilan para tumayo ang mga malahibo ko. "Ngayon mo sabihing mahal mo ako, Railey." Sabi ni Xy habang nakatingin sa mga mata ko. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinakatitigan ang bughaw niyang mga mata. Idinampi ko ang mga labi ko sa malambot, at malamig niyang labi. "Mahal na mahal kita, Xy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD