Chapter Three

1202 Words
Naririnig ni Ajhae ang mahinang usapan sa may corridor habang hinihintay niya si Joem. Nang pumasok ito ay tumigil siya saglit sa may pintuan para isara ito. Tama nga si Dr. Jalbuena, halata sa mukha nito ang pagod at puyat. Pero guwapo pa rin. Nag-aalangang bumati si Ajhae. “Hi.” Juice colored! Sana magkaroon ng milagro na matandaan ko itong gwapong ’to. Wala talaga akong maalala. Tinitigan niyang mabuti si Joem. Matangkad ito at mukhang athletic ang pangangatawan. Medyo gusot ang suot nitong T-shirt na pula at pantalong maong na may kaunting tastas sa parteng tuhod. Makikita rin ang tumutubong balbas sa kanyang pisngi at muling naalala ni Ajhae nang dumako ang kamay niya sa pisngi nito. Sino ba ito? Hay, naku, hindi ko talaga maalala. Kailan kami ikinasal? Siguro mahal na mahal ko siya kaya maagap akong nagpakasal. Muling hinawakan ni Joem ang kamay ni Ajhae, ikinulong niya ito sa dalawa niyang palad, pero nananatiling nakatayo. Pinagmasdan niya ang mukha ni Ajhae. “Hi,” mahinang bati ni Joem. “Dr. Jalbuena told me that you’re going to be just fine.” “Siguro nga.” Gusto niyang tanungin si Joem tungkol sa kung paano at kailan sila ikinasal pero nahihiya siya. Estranghero pa rin kasi ang tingin ni Ajhae dito. “Ikaw ang nagbalik sa akin dito. Ginising mo ako, tama ba?” “Kaya mo namang gawin ’yon without my help,” sagot ni Joem. “Pero sinubukan ko pa rin. Baka kapag narinig mo ang favorite song mo ay magising ka na.” “At dahil ’yon sa kinanta mo noong pahuli kasi hindi mo tinapos. And it seemed very important to me, that I should be the one to finish the song.” “G-ganoon ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Joem. Tumango si Ajhae at muling kinanta ang huling mga linya ng kanta. And all along I believed I would find you Time has brought your heart to me I have loved you for a thousand years I love you for a thousand more. Ngumiti si Joem. “Sabi ni Dr. Jalbuena, hindi mo raw maalala kung sino ako.” Dumako ang tingin ni Ajhae sa cover ng kama, tapos tiningnan niya si Joem. “I’m sorry,” nahihiyang sabi ni Ajhae. Hinaplos ni Joem ang nakakunot na noo ni Ajhae. “Huwag kang mag-alala, Dr. Jalbuena is very sure that it’s only temporary.” “Kahit na, hindi ako masyadong natutuwa,” pag-amin ni Ajhae. “At . . . napaka-unfair naman sa ’yo.” Tinawanan lang siya ni Joem. Ang guwapo lalo nito kapag nakangiti. “Well, bumawi ka na lang kapag magaling ka na talaga.” Ngumiti din si Ajhae. “Kailangan ko na sigurong umalis,” muling sabi ni Joem. “Gusto nilang makapagpahinga ka nang maayos.” “Nasaan ang papa ko?”“ Sinubukan ni Ajhae na hawakan muli ang kamay ni Joem pero natanggal na ito ng lalaki. “Ah . . . hindi siya makakapunta ngayon dito kaya ako muna ang pinapunta niya para makasama mo.” “Ha? Bakit daw?” Nagtataka si Ajhae dahil alam niya na hindi napapakali ang kanyang papa kapag nagkakasakit siya kaya halos hindi umaalis sa kanyang tabi. “Sweetheart.” Nagulat si Ajhae sa term of endearment ni Joem sa kanya. “Medyo matagal kang naging si Sleeping Beauty rito. Ang isang kompanya na kasinlaki ng Llaniguez Corporation can’t run itself forever without its head.” “Ah okay. Pero siguro naman ay pupunta na siya rito bukas? O kaya ngayong gabi.” Hindi nagtatanong si Ajhae ng oras pero nakita niya na dumidilim na sa labas. “Hindi lang ako sigurado.” Tumungo si Joem at hinalikan si Ajhae sa noo. “Alam ko namang gustong-gusto ka na rin niyang makita. Alam mo rin ’yan. But for now, magpahinga ka lang. Just be good at sundin mo lang ang sabi ng mga doktor mo.” Pagkasabi nito ay nagpaalam na si Joem. Kinabukasan ay tinanggal na ang nakakabit na dextrose kay Ajhae at pinayagan na rin siyang umupo sa sofa habang inaayos ang kanyang kama. Nahihirapan siyang humakbang kaya kinailangan pa siyang alalayan ng dalawang nurse papunta sa sofa. Pero sabi ng mga nurse, hindi na rin magtatagal at makakalakad na siya. Tinanong ni Ajhae ang mga nurse kung dumating na ba ang kanyang papa. Pagkakain kasi niya ng sopas kagabi ay nakatulog siya. Madaling-araw na siya nagising. Naisip niya na baka hindi lang niya naabutan ang kanyang papa. Nalungkot siya dahil hindi niya ito nahintay. “Hindi po kami ang naka-duty kagabi,”sagot ng isang nurse. “Hindi ko po masabi kung dumating ang papa ninyo.” Dumating ang espesyalista, tinanong lang si Ajhae at muli na itong lumabas. Tinanong ni Ajhae ang naiwang nurse kung dumating na ang kanyang papa pero mabilis itong sumagot. “Bawal na pong tumanggap ng bisita kapag ganitong oras hangga’t hindi pa po nagra-rounds si Dr. Jalbuena.” Hindi nagtagal at dumating si Dr. Jalbuena. “And how are you feeling now?” tanong nito. “I’m fine, Doc. Bakit po hindi pa pumupunta rito si Papa para makita ako? Naaksidente rin ba siya? Siya ba ang nagmamaneho? O si Mang Anton?” sunod-sunod na tanong ni Ajhae. “Hindi mo kasama sa sasakyan ang papa mo,” kalmadong sagot ni Dr. Jalbuena. “Don’t you remember anything about it?” “No. Nothing. Wala akong maalala. Mayroon pa po bang ibang nasaktan?” “Ikaw lang ang dinala noon dito. I’m not sure about the details. Are you sure you remember nothing about it?” Tumango si Ajhae. “Ang huling natatandaan ko ay kasama ko si Marinel, ’yong best friend ko. Nasa shopping mall kami. Nagsusukat siya ng maternity dress. Magkaka-baby na kasi siya.” Naalala ni Ajhae na may asawa na rin siya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Parang hindi totoo. “Meron ka pa bang naaalala?” tanong ni Dr. Jalbuena. “Ahm . . . hindi niya binili ’yong damit. Lumabas kami ng mall . . . at naghiwalay na kami. Magkikita sila ng kanyang husband at ako naman ay pupunta sa office ni Papa. Papunta kami ng Palawan nang araw na ’yon. May rest house kami roon.” “And?” “Wala na akong ibang maalala.” “Kailan ’yan nangyari? Natatandaan mo ba ang date?” “Date? Ahm . . . ang naaalala ko lang, Thursday ’yon. Ano po ba ang date last . . . pero hindi pwedeng last Thursday lang ’yon?” “No. It could not be.” “Basta ang natatandaan ko po, Thursday ’yon before Christmas.” “Before Christmas? So December pa pala.” “Opo. Siguro last month? Ay, two months ago na po ba? Hindi talaga ako makapaniwala.” Ngumiti si Dr. Jalbuena. “Mukhang marami ka pang hindi naaalala, more than we thought. Today is June 2021, Ajhae.” “June! Talaga?” gulat na sabi ni Ajhae. “Yes. Well, that explains why you didn’t remember your husband, perhaps.” “Ah . . . b-baka nga po,” pagsang-ayon niya. Nalilito pa rin si Ajhae at hindi makapaniwala sa mga pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD