Part 3

1905 Words
SHE COULDN’T believe it. Paano nangyaring ang isang lalaking kaylaki ng naging kaugnayan sa buhay nilang mag-ina ay walang iniwan sa isang estranghero. Kahit saan niya sumahin, wala siyang madamang rekognisyon mula kay Marco. Kaya nga siya nakipag-usap dito kahit na naasiwa siya. gusto sana niyang malaman kung hindi lang siya nakilala nito.             Pero higit pa roon ang napala niya. Natuklasan niyang hindi talaga siya kilala ni Marco de Asis!             Nang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Marco, isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. Tila kanina pa nagwawalang umalpas iyon at ngayon lamang niya nabigyan ng pagkakataon.             Marco was attractive as ever. Parang hindi nito ininda ang limang taong nagdaan sa buhay nito. The rugged good looks was still there. Ang tinig nito ay taglay pa rin ang kakaibang taginting na tila ba para dito lang. And his eyes, malayo man o malapit ay tila kayang-kaya siyang lusawin sa pamamagitan ng titig.             At nang hindi sinasadyang magkadaiti ang kanilang mga balat ay isa lamang ang natiyak niya. Hindi napagbago ng lumipas na panahon ang atraksyon niya kay Marco. A thousand shivers went up and down her spine. Sapat na ang pakiramdam na iyon upang minsan pa ay luminaw sa kanyang alaala ang isang gabi ng pagsuko niya kay Marco.             Isang gabi na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya.             Si Paola ang naging bunga niyon. Hindi niya inaasahan kaya naman nang matuklasan niya ay gayon na lamang ang takot niya. Ayaw niyang magsisi sapagkat hindi niya gustong maramdaman ng sanggol sa sinapupunan ang damdaming iyon. Naniniwala siyang anumang pakiramdam ng ina ay nararamdaman din ng anak. At hindi niya gustong dumating ang pagkakataong itanong sa kanya ni Paola kung pinagsisihan niya ang kapusukang iyon.             It had been five years. Buhat nang matuklasan niyang buntis siya, hindi na siya umuwi sa Batangas maliban ngayon na nasa peligro ang kanyang papa. Hindi naman siya itinakwil subalit dama niya ang pagiging malamig ng trato sa kanya ng pamilya.             At siya rin naman hanggang ngayon ay nahihiya sa mga magulang. Una ay nabigo niya ang mga ito na matupad ang pinapangarap sa kanya. Hindi na nga siya nakapasa sa board exam ay nabuntis pa ng walang asawa. Nang sugurin siya ng ama, halos patayin siya mapaamin lang kung sino ang ama ng bata subalit nanatiling tikom ang kanyang bibig tungkol doon.             Paano niya ituturo si Marco?             Nang matapos ang sandali ng kapusukan at pagkalimot sa realidad ay mabilis na niyang iniwan ito. Her heart was shattered. Parang noon lamang ganap na natatak sa isipan niya na sa buong sandali na nasa bisig siya ni Marco ay ibang babae naman ang alam nitong kapiling.             At nabalitaan na lang din niya, wala pang isang linggo matapos na mangyari iyon ay kumalat sa kanilang lugar ang engagement nito kay Lynette. Lalo nang nadurog ang puso niya sa impormasyong iyon. at nang sa akala niya ay magsisimula na siyang makabangon, noon naman niya natuklasang nagbunga ang gabing iyon.             Pakiramdam niya ay pinagtakluban na siya ng langit at lupa.             Gusto niyang ituon sa pagre-review ang lahat ng atensyon. She wanted to pass the board exam upang maging pakunsuwelo man lang sa mga magulang. Subalit ubod ng selan ang naging pagbubuntis niya. Mula sa paglilihi hanggang sa manganganak na lamang siya ay halos hindi na niya iwan ang kama.             Ewan kung atas na lamang ng konsensya kaya naman ang financial support ay patuloy na ipinagkaloob sa kanya ng mga magulang. Pero maliban doon ay wala na. Sa halip na pamilya ay kaibigan niya ang kasama niyang nagpunta sa ospital nang humilab ang tiyan niya. Hindi rin siya dinalaw ng kanyang mga magulang. Ang mga kapatid niya ay halatang naghahabi ng dahilan upang hindi naman siya masyadong masaktan dahil doon. Pero alam niya, pinagtatakpan lamang ng mga kapatid niya ang totoo. Wala talagang balak ang mga magulang niya na dalawin siya.             For the next two years, naramdaman niya kung paano mag-isa.             Hindi siya nahirapan sa pinansyal sapagkat patuloy ang suporta ng mga magulang. Subalit hindi sapat iyon. Sa kalagayan niya, mas malaki ang pangangailangan niya sa kahit isa man lang tao na maaari niyang makausap at matakbuhan ng mga problema niya---maliliit man o malaki.             Hindi siya handa na maging ina. She was twenty-one at bagama’t nasa edad na rin ay hindi naman pagiging ina ang short-term goal niya. Sa tuwing magkakasakit si Paola, natataranta siya.             Kaya naman nang lumuwas ang mama niya para dalawin silang mag-ina ay gayon na lamang ang iyak niya. Pakiramdam niya ay isang kuting na matagal na napawalay sa ina.             Kahit na dama niyang distant pa rin ang mama niya sa kanya ay maligaya na rin siya. At least, dinalaw siya nito. Alam niya, sa puso ng mama niya ay hindi siya nito matiis. Iyon nga lang, iba ang tinig ng kanilang ama sa kanilang pamamahay. Kapag ito ang may utos, walang makababali roon. At kasama na roon ang paninikis sa kanya.             Gumawa ng paraan ang mama niya upang magkaroon ng yaya si Paola. Pinatigil siya nito sa trabaho para magkaroon siya uli ng time na mag-review. Sa pagkakataong iyon, ibinuhos niya ang buong konsentrasyon. Kailangang makapasa siya sa board exam.             And she did it! Kahit na hindi na siya napasama sa top ten, mataas din naman ang markang nakuha niya. it was impressive enough para naman trabaho na ang mismong lumapit sa kanya.             Things went smoothly was buhay nilang mag-ina. Iyon nga lang, kahit naman bukas na ang pintuan ng kanilang bahay para sa kanilang mag-ina, nahihiya pa rin siyang umuwi sa Batangas. Hindi niya gustong itago si Paola habambuhay pero alam niyang makasasakit sa mga magulang niya ang mapagtsismisan na nagkaapo ito ng bastardo.             As far as she knew, walang nakakaalam ng tungkol kay Paola maliban sa mismong pamilya niya. It was like an open secret. Hindi naman tuwirang itinatago pero hindi rin naman ibinabando ang tungkol doon.             Ngunit hindi siguro panghabambuhay na puwedeng ganoon ang mangyari. Alam niya, wala siyang choice kung hindi ang umuwi nang itawag sa kanya ang tungkol sa atake ng kanilang papa. Kritikal ang kondisyon nito. ang mama niya ang maysabi na pilitin nilang umuwi hangga’t hindi idinideklara ng doktor na maayos na ang kanilang ama.             Salitan sila sa pagdalaw sa ospital. Ang mama nila ang beinte kuatro oras na nakabantay doon. Hindi na siya sinabihan na tumao sa eatery. Alam niya, maliban sa kanya ay walang makakatulong si Bea.             “Tricia, mamamalengke na ako,” untag sa kanya ni Bea. “Pagbalik ko, puwede ka nang umuwi nang makatulog ka naman. Si Paola nga pala? Hindi kaya namahay iyong bata?”             “Sa pagod sa biyahe kahapon, palagay ko naman ay deretso ang naging tulog niya.” Pinatulog muna niya ang anak bago tumulong sa eatery. Ibinilin lang niya ito sa katulong nila sa bahay. Palagay ang loob niya dahil hindi naman ito umiiyak kapag nagising nang wala siya. Hahanapin siya pero ganoon lang.             “Siya, diyan ka muna. Mabilis lang ako.”     PABALIKWAS na bumangon si Marco. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata na sa wari ay nais pang habulin ang panaginip na iyon. Isang marahas na paghinga ang pinakawalan niya at tuluyang umibis ng kama.             Tinawid niya ang verandah ng kanyang kuwarto. Kapag ganoong maalinsangan ang gabi, hinahayaan niyang bukas ang pintong naghahati sa verandah ang kuwarto upang malayang makapasok ang hangin. Kahit kailan ay hindi siya nasiyahan sa lamig na dulot ng aircon. Tila siya nasasakal oras na maging kulong ang isang silid.             Isang tingin pa lamang sa kalangitan ay alam niyang maigsi pa lamang ang naitutulog niya.             But the dream…             Mag-iisang taon na marahil buhat nang huli siyang dalawin ng panaginip na iyon. Ipinagkamali niyang epekto lamang iyon ng annulment ng kasal nila ni Lynette kaya hindi na niya gaanong napansin nang tumigil ang pagdalaw sa kanya ng naturang panaginip.             And why now? Ano naman kaya ang dahilan ngayon kaya bumabalik sa kanya ang naturang panaginip?             Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok at saka tumingala. May ilang sandaling nais niyang tanungin ang ilang bituin na malamlam ang liwanag. Pero siya rin naman ang nakakaalam na wala roon ang kasagutan.             He made another sigh at naupo sa silyang bakal.             At kagaya ng mga pagkakataong dinadalaw siya ng panaginip na iyon, nagiging mailap na ang antok sa kanya.             It seemed so real…             Nang unang mapanaginipan niya iyon, ang nasa isip niya ay talagang nangyari iyon. hindi nga siya halos makapaniwala na sa wakas ay pumayag na si Lynette sa hinihiling niya rito. He loved her so much. Bata pa siya ay natimo na sa isip niyang pagdating ng araw ay sila ang magpapakasal.             Pero may mga bagay na parang hindi na siya makapaghihintay ng kasal. Hindi iilang beses na hiniling niya kay Lynette na may mangyari sa kanila. At sa tuwina ay matindi ang pagtutol nito. Kasal daw muna. At pagkatapos ay magsawa siya hanggang gusto niya.             Until that night.             Natatandaang niyang umabot sa puntong pinag-awayan nila ni Lynette ang tungkol doon. Not that his hormones were in rage. He had a lot of women behind. All at his beck and call. Pero iba si Lynette. Sa isip niya, she was going to be his wife. At dahil parang nasa pedestal, matindi ang kuryusidad niya na makuha ito. Alam niyang nakainom siya. At iniisip niyang iyon din marahil ang dahilan kaya naman hindi niya mapapayag si Lynette. She even walked out para lamang bumalik uli pagkatapos ng ilang sandali. What happened next seemed like magic. He was cast by a strong spell. nakalimutan na niya ang isang karanasang iyon na bago sa kanilang dalawa ni Lynette ay dapat na maganap sa isang espesyal na lugar.             But it happened so fast. Para bang kung titigil sila ay bigla na lamang maglalaho ang mahika. Bigla ay hindi na naging importante ang lugar. Ang mahalaga ay maisakatuparan ang matagal ng inaasam ng puso at katawan.             Nang sandaling ganap na bumalik ang kanyang diwa ay mag-isa na lamang siya sa pick-up. But he was very much aware of what happened. It was the great s*x of his life kaya imposibleng basta na lang niya makalimutan iyon.             Ipinagkibit-balikat na lamang niya kung bakit hindi na niya nagisnan si Lynette sa tabi niya. malamang ay nahihiya sa nangyari. Kaya naman bago siya nagpakita uli sa kasintahan, tiniyak niyang may bitbit na siyang singsing.             Hindi niya iniisip na dapat niyang panagutan ang nangyari sa kanila ni Lynette. Higit na malakas ang dikta sa kanya ng pangyayari ng gabing iyon. Their lovemaking was powerful. Iyon ang higit na nakakumbinse sa kanya na si Lynette na nga ang babaeng para sa kanya.             The wedding was set. And it was on the night of their wedding that he knew what happened was anything but a dream.             Hindi niya alam kung posible sa ibang lalaki. Pero sa kanya ay totoong nangyari. Lynette was different on their wedding night. Iba ang pakiramdam niya sa bawat haplos nito sa kanya. Everything seemed far different. Her kisses, her embrace, her scent. And she was definitely a virgin until that moment.             It should be a moment of triumph for him. Sapagkat nararamdam niya ang pagdiriwang ni Lynette na mapanatili nito ang kalinisan hanggang sa sandaling iyon. But he felt empty.             Sa sarili niya ay hinahanap niya ang pakiramdam ng gabing iyon.             That’s when he realized he had only been dreaming. Sapagkat wala na sigurong makakapantay pa sa pangyayaring iyon maliban sa isang panaginip.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD