Angelica Lyre Cuevas "Sige beb, Basta pag may gustong mag-order recommend mo ako ah? Masarap yan promise." wika ko atsaka inabot ang bilao ng ginawa kong puto sa dalagang nagreceive nito. "Opo ate, salamat din po.", inabot nito ang bayad, ang saya lang dahil kahit paano ay nakakaraos din naman ako sa pang-araw araw ay nakakapagtabi ng kaunti. Tinahak ko ang daan pauwi, medyo hapon na kaya kailangan kong magmadali bago pa ako abutin ng dilim sa daan. Halos tatlumpung minuto ang lalakarin ko bago makarating sa aking tinutuluyan. "Ate Lira, oorder daw po si Nanang ng fifty pieces po na puto.", sigaw ni Jackie nang madaanan ko, anak ito ng may ari ng sarisari store na palagi kong binibilhan. "Sige dadaan ako dun bukas. Pauwi na ako, baka gabihin ako.", ganting sigaw ko. "Sige po, sa ling

