Angelica Lyre Cuevas Maang akong napatingin kay Crust, at isa isa ko rin silang tiningnan lahat. Wala nang solusyon sa mga ito kundi ang layasan na naman. Binuksan ko ang aking maleta at inilagay doon ang mga dapat dalhin, naghanap pa ako ng iba pang pwedeng paglagyan ng mga gamit. "Angelica Lyre, please listen to m--", "Rapot, anong nangyayari?", nag-aalalang saad ni Jake. Napahinto sya nang pagpasok nya ay nakita ang maraming tao sa loob ng bahay. Nagpalitan ng tingin ang mga ito, kinabahan ako, kilala ko ang mga bisita ko. At mukhang hindi nila gusto ang kaharap, bigla akong napatayo. Lumapit sa akin si Jake at humawak ang aking braso. "f**k!", malinaw sa aking pandinig ah mura na iyon ni Crust, nakapameywang ang kabila nyang kamay habang ang isa ay pinipisil ang sariling labi. "Si

