"You think so?", tanong ni Crust sa mga kaibigan, narito sila ngayon sa hotel na kanilang tinutuluyan. "Yeah, ligawan mo ulit dude. Hindi pwedeng pag sinabi nyang ayaw ka nyang makita eh hindi ka na talaga magpapakita. Gago kaba?", walang prenong wika ni Simon. "Nasaan na ang Crust na palaging sumisira sa araw ni Angelica Lyre Cuevas? When all the love began." emosyonal na wika ni Feigh na itinataas pa ang dalawang kamay at animo'y may tinatanaw sa kawalan. "Yiiihhh", nakokornihang singit naman ni Yuri na akala mo ay bulating inasinan sa panginginig. "Putangina, nakakakilabot kayo. Ang kokorni nyo, yay!", hinimas himas pa nito ang magkabilang braso na parang kinikilabutan. "Palibhasa tigang ka! Walang love life!", masungit na balik ni Feigh dito. "Tengene, dibale na lang kung ganyan

