"Nay, kain na po. Ito na ang ulam natin.", pilit na pinasaya ni Lira ang kanyang tinig at nilapitan ang nakahigang matanda. Masama ang pakiramdam nito kaya sya na muna ang nagsisilbi since wala namang ibang tumitingin dito. Kahit hirap ay pilit nyang pinagsilbihan si Nanay Alma. Naupo sya sa tabi nito habang nakahiga ang matanda sa malambot na kutson. "Hindi pa ako nagugutom anak, kaka-almusal ko lang. Dinalhan ako ng pagkain nung babae mong kaibigan, nariyan na pala ulit sila ano? Napakaaga nilang pumunta araw araw.", nakangiting saad nito, sya ay walang reaksyon sa sinabi nito. "Itatabi ko nalang po ito, tatakpan ko po sa lamesa Nay. Tapos maya maya babalik na lang po ako at sabay na tayong kumain." masiglang wika ni Lira nang tumayo at inilagay ang mga pagkaing dala sa mesa saka ito t

