"Hi babe!", malanding wika ni Lira sa isang guwapong lalaking nakasalubong nya papasok sa building.
"Ma'am Angelica, nangha-haunting ka na naman ng lalaki ah.", pabirong wika ng lalaking guard sa entrance.
"Of course Manong, paano dadami ang lahi ko kung patulog tulog ako sa pansitan.", aniya at sinabayan ng tawa. Kilala na si Lira halos ng lahat ng guwardya at iba pang manggagawa sa Delas Nueres Building. Palakaibigan kasi sya at masayahin. At syempre pa, napakalakas ng kanyang boses.
"Pasok na me Manong.", paalam nya dito.
"Sige ma'am, andyan na din kasi yung huma-haunt-ing sa inyo.", natutuwa lang na sabi ng guard. Napaatras si Lira pabalik sa guwardya.
"Po? Sino?", takang tanong nya. Baka mamaya yung inutangan nya ng bra at lotion yon.
"Sus, si Ma'am naman. Si Sir Ysrael po. Kanina pa sya sa loob, nakailang radyo na nga si Ma'am Nancy dito. Tinatanong kung nakapasok ka na.", mahabang saad nito. Naipilig ni Lira ang kanyang ulo. Mukhang wala talaga itong balak tumigil.
"Ah, sabihin mo po wala, umalis,tulog habang naliligo.", aniya at mabilis na umalis. Naiwang patawa tawa ang guwardya dahil sa kanyang kalokohan. Nang marating ni Lira ang opisina ay naroon na sina Nica at Louie. Ang ibang silya ay bakante pa. Nag-angat ng tingin si Louie sa dalaga. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay inginuso ni Lira ang bakanteng puwesto ni Kay.
"Wala na naman si ate mo girl. Lumalandi na naman.", nakangising wika nya kay Louie.
"Hayaan mo na, inlababo eh.", tugon ni Louie.
"Ay, salita mo bago ah. Kasing edad mo.", pagbibiro ng dalaga.
"Sweetie ang aga ah.", banta ni Louie.
"Edi mamaya na."
Marahang katok sa pinto ng department ang nakapagpahinto sa asaran nina Lira at Louie. Sumilip si Ms. Nancy, tanging ulo lamang nito ang nakikita nila.
"Ms. Cuevas tawag ka sa office ni Sir Vince.", anito.
"Ay, Vaket fo?", kalokohang tugon nya.
"Just go up please. Jojowa jowa kasi kayo ng mga maiinitin ang ulo, pati tuloy ako nadadamay.", inis na sabi ni Ms. Perez. Nagulat si Lira sa narinig.
"Ako? May jowa?", nagtatakang tanong nya na itinuro pa ang sarili.
"Ms. Cuevas will you jus--",
"Why are you taking so long?", pag-agaw ni Crust sa sanay sasabihin ni Nancy. Maang ang lahat ng nasa HR Department sa biglang pagpasok ng lalaki. Mabilis itong nakalapit kay Lira at agad na hinila ang kamay ng dalaga.
"Let's go.", matipid na saad ni Crust. Agad namang binawi ni Lira ang kamay. Nanlilisik ang mga matang tiningnan nya ang lalaki.
"Here we go again.", bulong ni Louie.
"Saan kayo Ms. Nancy? Nica? Sa pula o sa puti?", natatawang tanong ni Louie sa mga kasama. Ginawa nang manok na panabong ang dalawa.
"Pumunta ako dito para magtrabaho Mr. Ysrael. Wag mo kong utusan, hindi ikaw ang amo ko.", galit na sabi ni Lira at umupo sa kanyang silya.
"I told you I'm not accepting your NO.", wika nito na itinukod pa ang dalawang kamay sa mesa at inabot ang mukha nya. Halos magkadikit na ang kanilang mga ilong.
"Crust.", mahinang wika ni Lira.
"Yes, baby?", nakangising tugon ng lalaki.
"Pwede bang......", sinadyang bitinin ng dalaga ang kanyang sasabihin.
"Pwedeng?", ulit ni Crust.
"Pwede bang mag-toothbrush ka naman, apakabaho ng hininga mo. Ilan ba ang bulok mong ngipin?", malakas na boses ng dalaga. Sabay sabay na napa-OH ang mga tao sa paligid. Ang mga kilay ni Crust ay awtomatikong naging isang linya lamang at tiim ang mga bagang. Talagang sinasagad ng babaeng ito ang pasensya nya.
Alam nyang nang-iinis lang ito.
"If my breath is that bad, why did you respond to my kiss baby?", malanding tanong ng lalaki. Lalo ng nanlaki ang bibig ng mga kasama nila. Si Lira ay napanganga din at biglang tumayo.
"Wow! Alam mo labanos, mas gugustuhin ko na lang uminom ng panis na gatas galing sa dodo ng cow! kesa makipagpalitan ng laway sayo!", asik ni Lira.
"Really? Your saliva tastes sweet baby. Hindi naman lasang panis na gatas.", panunuya ni Crust, muli itong lumapit at akmang ididikit pang muli ang mukha nila. Ngunit mabilis na lumayo si Lira.
"Or rather gatas ko na lang ang inumin mo.", dagdag ni Crust at tumaas ang gilid ng labi.
"Luh, kala mo talaga may gatas sya. Hindi ka baka, bakulaw ka!", pinanlalakihan na ni Lira ng mata ang kanya kausap.
"You didn't know?, gusto mo bang makita kung saan galing ang gatas ko?", dagdag pa ng lalaki, ang mga mata nito'y hindi inaalis kay Lira.
"Sir I think that's not a good jo--.", pakikialam sana ni Louie dahil napansin nitong masyado nang malaswa ang mga banat ni Crust. Ngunit agad na pinutol ng binata ang sasabihin nya. Hindi man lang ito tiningnan ni Crust.
"Shut the f**k up and stay where you are.", walang emosyong saad ni Crust.
"Wag kang makialam dito." walang ganang dagdag ni Crust. Nung nakaraan pa sya nabubuwisit sa pa-sweeti sweetie nito. Kung makaasta akala mo boyfriend.
"Ang yabang mo, umalis ka na nga. Bawal dito ang mabaho ang hininga!", singhal muli ni Lira.
"You're going with me. We have a lot to talk about. ", anito at muli sanang hahawakan sa kamay si Lira. Ngunit mabilis ang naging pagkilos ni Lira. Itinulak nya ang lalaki at gumilid nang mabilis. Nagtatatakbo sya palabas ng opisina.
"Pakyu! Hindi ako makipag-usap sayo. Bad breath!!!", sigaw pa ng babae habang mabilis na lumabas ng opisina.
"Damnit Cuevas!", malakas na sigaw ni Crust at sinundan si Lira.
"Dumadami yata ang lovers dito sa kompanya. Mukhang kailangan ko na din kumilos ah.", malakas na sabi ni Louie. Nagtawanan ang mga naiwan sa loob.
Hindi malaman ni Lira kung saan pupunta, hanggang ngayon ay nakasunod pa rin sa kanya si Crust. Naiinis sya dahil sa tuwing lalapit sa kanya ang lalaki ay parang nanunuod ng teleserye ang mga nakapaligid sa kanila. Ayaw nya sa ganong atensyon.
"Titigil ka ba o ipapatanggal kita kay Vince?" malakas na sigaw ni Crust sa kanyang likuran.
"Wag mo kong tinatakot! Matagal na akong takot!", sigaw din ni Lira nang hindi manlang tumitigil sa paglakad takbo.
"What the hell is happening here?!" bulalas ng amo ni Lira. Tila naman ito nakahanap ng kakampi, agad syang tumakbo papunta sa amo at tumago sa likod nito.
"Sir ipapatanggal nya daw ako sa trabaho.", ani Lira na tiningala pa si Vince. Naningkit ang mga mata ng amo sa narinig. Napangiti si Lira sa kanyang isipan. Loko ka ah!
"Crust!", sita ni Vince.
"What? I just want to talk to her, don't meddle asshole!", galit na saad ni Crust at nagpatuloy sa paglalakad palapit kay Lira. Nang pinuntahan sya nito sa kanan ay nagtago naman ang babae sa kaliwa. At nagpalit palit lang sila.
"Tapos Sir sabi pa nya, masama daw yung ugali mo. Tapos mabaho daw utot mo. Totoo ba yon Sir?", seryosong saad ni Lira na syang nagpalaki sa mga mata ni Vince.
"Is that true fucker?" asik ni Vince at inambahan ng suntok ang kaibigan. Masama syang tiningnan ni Crust.
"You believe that b***h?!", bulalas ni Crust.
"Mama mo b***h!!", tanging nasabi ni Lira. Lalong nabwisit si Crust sa sinabi ng dalaga.
"You and your words Angelica Lyre!", anito at mabilis syang hinablot mula sa tagiliran ni Vince.
"Awwww!!", pag-iinarte ni Lira at binawi ang braso, hinimas himas pa nya iyon. Nagulat nalang sya nang lumapit si Crust at hinaplos din ang braso nya.
"Wag mo kong artehan, wala namang bakas.", sabi nito nang makita ang kanyang braso.
"Maliit lang kase kaya walang bakas!!", muling sigaw ni Lira sa mukha ng kausap.
"Parang yung sayo! Maliit kaya walang bakas!!", dagdag pa ng babae, kita nya kung paano mamula ang mukha ni Crust. Mamula sa galit.
Nakarinig sila ng tawanan at bulungan mula sa paligid. Naramdaman ni Lira na napikon si Crust sa kanyang sinabi kaya mabilis sya muling tumakbo.
"Run! Run b***h! Don't let me caught you! You'll see kug anong maliit ang sinasabi mo!!", malakas na bulyaw niya at sinundang muli si Lira.
"Don't make my building your playground Carlson Rusty!!", asik ni Vince habang naglalakad papunta sa kanyang private elevator.
"I'm so pissed Vince, wag kang dumagdag!", galit na pahabol ni Crust.
"Juts!", muling sigaw ni Lira na dumagundong sa buong paligid.
"My mean little girl!", bulong ni Crust nang nakangiti. Wala na naman silang napag-usapan nang maayos.