"Punyeta, napapagod na ako!", hindi ko na alam kung nasaang parte na ba ako ng Delas Nueres Building. Bwisit kasing lalaki yon. Bakit ba ayaw tumigil nung hayop na yon. Hindi ako makapagtrabaho nang maayos. Sinipat ko ang aking relong pambisig, pasado alas nuwebe na. Juskopo Rudy! Kanina pa kami nagtataguan...ng feelings. Char!! Nang makitang dead end na ang aking hahantungan ay nagpasya akong umatras at bumalik na lamang. Wala naman na siguro yung mokong na yun. Hindi naman yon sanay sa mga ganitong lakaran at takbuhan. Sanay yon na nakahilata sa kotse. Tinungo ko ang daan pabalik.
"Tired baby?", napapitlag ako at napapikit nang mariin nang marinig ang tinig ng anghel..ay demonyo pala. Hindi na ako muli pang lumingon at dirediretso nalang na lumakad, sayang ang binabayad sa akin ng kompanya kung maglalaro lang ako ng tagu taguan. Naramdaman ko ang pag-sunod ni Crust. Sa totoo lang talaga pagod na ako, halos naikot na yata namin ang buong palapag. Tamad akong lumingon sa likod upang sipatin sya. Sayang talaga tong tao na to. Sobrang guwapo pa naman, ka-high blood lang ang ugali eh.
"Can't you just listen to me first before you decline my offer?", anito nang makasabay sa paglalakad ko.
"Ako Crust napapagod na ah, baka samain ka sakin.", singhal ko sa kanya ngunit ngumisi lang ang mokong. May sayad nga!
"It feels good when you say my name.", buong ngiti ang kumag. Kinamot kamot pa nito ang kabilang kilay na parang nahihiya. Parang tanga!
"Masasayang lang ang oras natin pareho sa mga litanya mo, when at the end hindi pa rin ako interesado. Okay, wag tanga. Sayang ang kagwapuhan mo." prangka kong saad
"Hindi ka tatanggi because I won't allow you to, and atlast you admit na nagagwapuhan ka sakin.", sabi nya at napapitlag nalang ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking baywang at bahagya pang pisilin iyon. Nandito na kaming muli sa lobby at marami na ring mga empleyado sa paligid. Ang iba'y nagmamasid sa amin, o diba ang ganda ko, bubuntot buntot sakin ang heart throb ng taon.
"Stay still please.", mariing bulong nya sa tainga ko. Grabe yon! Nabasa yata yung tainga ko, sherep..Char!! Napatingin ako sa kanyang mga mata.
"Rusty?", tinig iyon ng isang babae. Napalingon ako sa pinagmulan niyon, at sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nakaramdam ako ng insecurity. My God! itong babaeng to naman parang u***g nalang ang tinatakpan. Pakita mo na din yung pasas mo te! sigaw ng utak ko. Tiningnan ko sa mga mata si Crust pero nagsisi din sa bandang huli dahil ang titig nya sa akin ay parang ako lang ang kanyang nakikita. Hindi manlang sumulyap sa monay ni ate girl. Bahagyang ngumiti sa akin si Crust.
"Eunice.", walang ganang sambit nito. Sa isang iglap ay bigla nalang ikinawit ni ate monay ang mga braso sa batok ni Crust at akmang hahalikan ito sa labi, ngunit iniwas nito ang labi at marahang inilayo ang babae sa kanyang katawan. Tila napahiya naman ang babae at masamang tiningnan si Crust.
"You see, I'm with my girl. Just a little respect Eunice.", walang emosyong saad ni Crust at muling hinapit ang aking baywang. Luminga linga ako sa aming tabi. Girlfriend? Where?
"Baby, meet Eunice my co-worker and owner of Star Exclusive Production.", pagpapakilala nito sa babae. So, ako ang girlfriend? Kumunot ang aking noo at pigil ang hininga sa sunsunod nyang sasabihin.
"Eunice, meet Angelica Lyre. The love of my life.", saad nya na sinamahan pa ng ngiti at namumungay na mga mata. Shemay! Hayop na lalaki talaga to! Jusme. Mas lalong dumiin ang pagkakapisil nya sa aking baywang, na nagpapahiwatig na sumangayon ako sa gusto nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Really?", singhal ko sa kanya.
"Girlfriend mo pala ako? Hindi naman ako nainform.", dagdag ko pa. Akala mo ha! Mga style mo!
"Baby, you see sya ang unang lumapit sa akin." biglang sabi ni Crust at halos yakapin na ako.
"Don't be jealous, I'm all yours.", sabi pa nito na ang bibig ay nakatapat sa bibig ko. Shet! Teka lang naman Crust, yung panty ko nagbebacon na! Bigla'y parang nanghina ako kaya't napakapit ako sa magkabilang braso nya. Napalinga ako sa paligid at napansing may mga cellphone na nakatututk sa amin. Itinago ko ang mukha ko sa kabilang gilid at palihim itong binulungan.
"Pag ito nag-viral may kaltok ka talaga sakin punyeta ka.", galit kong bulong dito.
"I love you more baby.", tila nilakasan pa nito ang boses.
"Utak mo may ubo!", nanggigigil na saad ko.
"Shut your phones or I will sue all of you!!", galit na sigaw ni ateng malaki ang dede. Kaagad na tumalima ang mga tao, siguro'y binura ang video.
"Once this video was leaked, hahanapin namin kayo at idedemanda. Naiintindihan nyo?", mas malakas na sigaw nito.
"Carlson Rusty Ysrael Rodriguez and Angelica Lyre Cuevas in my office!!! NOW!!" mas galit na saad ng may ari ng building na ineeksenahan namin ngayon.
"And you!!", turo nito kay Eunice.
"I don't f*****g care who you are! Huwag kang magpasigaw sigaw sa teritoryo ko, o sa mga empleyado ko!", lumapit pa ito lalo sa aming kinaroonan. Kita ko sa malayo si Kay halata ang takot sa mga mata nito. Takot din si beshie sa galit ni jowa nya eh.
"Get out of my property, now!", sabi ni Sir Vince sa mababang tinig pero madiin. Nakalapit na si Kay at hinawakan sa braso si Sir.
"Vince, calm down.", bulong nito. At voila! kalmado na agad ang mukha ng amo namin. Galing mag-magic ni Kay. Isa isa kaming tiningnan ng masama ate nyo monay at malalaki ang hakbang na umalis.
"You two, in my office.", yun lang at kumabit na naman ang mga kamay nito sa baywang ng napakahaba ng hair kong bestfriend.
"Let's go.", hinawakan na naman ni damuho ang aking baywang at iginiya pasunod kina Sir Vince.
"Kaya kong maglakad! Hindi ako lumpo.", galit na baling ko sa kanya.
"Gusto mong malumpo?", nakangisi nyang tanong.
"Gusto mong sumabog yang mukha mo?"
"Gusto mong masabugan? Malakas to."
"Gusto mong makita si kamatayan?" kunot noo kong ganting tanong. Nakikipagsabayan talaga tong damuhong to.
"Gusto mong makarating sa langit?", ngising demonyo amputa.
"Gusto mo mauna ka na?"
"Mas gusto kong sabay tayo, mas masarap yon.", anito at ikiniskis pa sa akin ang balikat nya.
"Gusto nyong tumahimik?!!", bulyaw na naman ni Sir Vince. Papasok na kami sa private elevator nya. Ito naman si Sir Vince galit na, nananantying parin. Kita ko kung paano nya hagurin ang baywang ni Kay. Ang isa nama'y tahimik lang.
"Besh, okay kalang?", tanong ko kahit alam ko naman na okay lang talaga ito.
"Nasabugan ka ba?", pabirong tanong ko.
"Ms. Cuevas!!" may pagbabanta sa tinig ni Sir Vince kaya tumahimik ako.
"Don't shout at her! Fucker!", kita ko din ang galit ni Crust. Oh magsusuntukan na yan oh.
Namayani ang katahimikan sa aming apat, nakikita kong paminsan minsa'y inilalapit ni Sir Vince ang bibig sa tainga ni Kay at ang huli'y sinisipat ang mukha nito.
"Sana all", bulong ko na medyo napalakas yata. Napatingin silang lahat sa akin, si Kay ay natawa. Habang si Sir Vince, ito yata ang pinag-alayan ni Lady Gaga ng kantang poker face.
"We can also do that.", mahinang bulong ni Crust sa aking tainga na parang ginagawa si Sir Vince.
"Pwede ba, magpapalamon na lang ako sa lupa kesa makipag-ganyanan sayo. Duh!", inartehan ko pa ang aking boses.
"Bakit hindi ka nalang sa akin magpalamon?", kung hindi lang talaga gwapo to, mamamanyakan talaga ako sa mga pinagsasabi nito eh.
"Hindi ka lupa. Amoy lupa lang.", at sa wakas ay tumawa na si Sir Vince. Tagumpay! Nakita kong tinapunan ng nakakamatay na tingin ni Crust si Sir Vince. At maya maya'y sa akin iyon ibinaling. Medyo natakot ang lola nyo, baka mabembang ako nang wala sa oras nito.
"Wag mo kong sagarin Angelica Lyre Cuevas, baka ibang sagad ang iparanas ko sayo.", bulong nito sa akin. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng takot sa sinabi nyang iyon.
"Gawin mo! Hindi ako natatakot sayo ugok.", pagtanggap ko sa hamon nito. Malapad syang ngumiti at inilapit sa akin ang mukha.
"Are you sure you're not afraid?"
"Lira!", pasigaw na tawag sa akin ni Kay. Si Sir Vince ay pinipigilan ang pagtawa.
"Huwag kang tanggap nang tanggap ng hamon best!", sabi nito.
"Ako pa ba besh?! Kaya ko kahit ano! At ikaw, isagad mo kung anong isasagad mo, wala akong pakialam. Hindi kita aatrasan!", malakas ang boses kong sabi dito.
"Now tell me babe, na marami nang nakahalik sayo at marami nang lalaking dumaan sa buhay mo.", sobrang hinang bulong nito sa tainga ko. Kasabay non ay ang pagtunog ng lift at paglabas nina Kay at Sir Vince. Anong konek non? Tanga talaga nito eh.