STRANGE FEELINGS

1975 Words
C-11: Why Didn't You Just Become My Boss, Sir? ____ Maaga akong pumasok ngayong araw kailangan ko kasing maghanda para sa meeting mamaya. Parang kailan lang halos magtatatlong buwan na pala ako dito sa SDC kaya hindi na rin ako naliligaw. Kabisado ko na yata ang buong building dahil sa kauutos ni Sir Rigo at Miss Cindy. Kahit pa TNT ang peg ko para lang hindi ako makita ni Papa. Minsan napapagod na rin ako at higit sa lahat nagiguilty, pakiramdam ko kasi ang sama kong anak. Kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako handang harapin siya at kung kailan man ako magiging handa? Hindi ko pa alam, bahala na.. _ Halos kakaupo ko lang pagkatapos kong sundin ang iniutos ni Miss Cindy kanina pagdating ko. Nang dumating naman si Sir Rigo, as usual kailangan ko na namang sumunod sa kanya. Minabuti ko na lang na sumunod sa kanila palagi, iyon yata talaga ang way para tumagal ako dito. Pinili kong pakisamahan na lang silang mabuti at maging bulag, pipi at bingi. Kahit pa may pakiramdam ako na may ginagawa silang mali. Kasi wala naman akong katibayan at saka kanino ba ako magsusumbong, hindi ba si Sir Rigo nga ang Boss ko? Sana kung nasa tabi ko lang si Papa marahil matutulungan niya ako kung ano ba ang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon. Pero paano naman, hindi nga ba pinagtataguan ko siya? Husto na talaga kailangan ko nang kausapin si Papa! "Miss Soriano, are you with me? Miss Soriano.. Aleyha!" Malakas na bulyaw ni Rigo ang biglang gumising sa naglalakbay kong diwa. "Po, ay Sir bakit po?!" Nagulat na tanong ko. "Anong bakit, saan ka ba nakarating at parang wala ka sa sarili mo?!" "Eh Sir pasensiya na, n-naalala ko lang po kasi si Papa." Naisip ko na lang na gawing alibi. "Ano ka ba? Hindi mo dapat isinasabay ang personal mong buhay sa oras ng trabaho, napaka-unprofestional mo naman!" Sita nito sa akin na bahagyang ikinagulat ko. Kahit na nitong huli napapansin ko na, na nag-iiba ang ugali nito. Nasaan na ang Rigo na tumulong sa akin at nagdala sa akin dito mula sa Cagayan de Oro? Bigla tuloy nablanko ang utak ko, natahimik at napayuko na tila ba nangangapa pa ako ng sasabihin. "Ano, tatanga ka na lang ba diyan, hindi mo ba talaga ako narinig?" Galit na saad ulit nito. "Sir, pasensya na po talaga hindi ko po sinasadya! A-ano nga po ulit ang sinabi n'yo?" Lakas loob na tanong ko na lalong ikinainis nito. Kasi naman hindi ko talaga ito narinig kanina kaya ano bang magagawa ko? "P**yeta! Ang sabi ko maghanda ka na para sa meeting natin, any moment now magsisimula na ang meeting!" Pigil ang galit na saad nito. Pambihira, iyon lang naman pala ang sasabihin nito, eh kahapon pa naman niya ako nireremind tungkol doon. "Ah, okay po Sir naiintindihan ko at saka handa na rin po ako para sa meeting." May pagmamalaking saad ko. "Talaga lang ah?!" Paniniguro pa nito. "Ah, eh.." Sasagot pa sana ako pero naunahan na ako ng mga katok sa pinto. Tok, tok! "Sir magsisimula na daw po ang meeting pinapupunta na ang lahat sa conference room." Si Miss Cindy na sumilip lang sa pinto pagkatapos kumatok. "Okay sige na Cindy papunta na kami doon, narinig mo ba? Kung handa ka na tayo na!" Muling saad nito. Tumayo na ito at naglakad patungo sa pinto. Tuloy-tuloy ito sa paglabas ni hindi ito nag-abalang hintayin ako o isabay sa paglakad. Sabagay bakit nga ba ito mag-aabala pa sa akin hindi naman kami friends at lalo namang walang something special sa aming dalawa. Dahil napatunayan kong wala naman talaga itong gusto sa akin, pinasasakay lang pala niya ako. Pero ang totoo kinuha lang ako nito para maging sekretaryang muchacha in short personal assistant na pinaganda lang ang title. Pero ang suma-total utusan lang ang kabeautihan ko. Dahil kulang na lang pati brief nito sa akin pa iutos ang pagbili. Kainis! Kahit kandakumahog ako sa kakasunod dito wala itong pakialam, ako lang naman ang may bitbit ng lahat nang kakailanganin nito para sa meeting. Para saglit na meeting lang ang dami pa nitong pinadalang mga papeles. Para bang ang dami nitong kailangang ipaliwanag sa meeting o iprisinta ah? Hindi ko alam kung sa kaabalahan ng isip ko o sa dami ng bitbit ko kaya hindi ko na nakikita ang dinaraanan ko. Kaya naman hindi ko napansin.. "Ay nakupo!" Bigla akong bumangga sa pader este kay Sir Ivo pala. "Oops! Hey okay ka lang?" Tila may pag-aalalang saad nito. Kahit pa pabago bago ang mood nito at pakikitungo sa akin. Nakikita ko pa rin ang dating Ivo na nag-abot sa akin noon ng panyo. "Sorry Sir pasensya na, hindi ko kayo napan.." Nahigit ko ang aking paghinga, nakita ko si Papa na patungo sa aming direksyon. Anong gagawin ko ngayon? Mabilis na pinulot ko ang mga papeles na nalalag sa sahig habang pasimple akong nagtatago sa likod ni Sir Ivo. Mabuti na lang naka-amerikana si Sir Ivo na sakto sa lapad ng likod nito kaya naman sapat para makoberan ako. Tinawag ito ni Papa habang palapit si Papa sa amin kaya saglit na napatigil si Sir Ivo sa sanay tangkang pagtulong nito sa akin. Mabilis ang naging pagkilos ko, saktong napulot ko na ang lahat ng papel bago pa tuluyan nakalapit si Papa sa amin. Pagkatapos ay mabibilis ang mga hakbang na umalis ako nang walang paalam. Saglit muna akong nagkubli upang ayusin ang aking sarili. Bago ako tuloy-tuloy na pumasok ng conference room. Naupo lang ako sa kanang bahagi malapit sa harap sapat lang para marinig ko ang nagsasalita. Katabi na kasi ni Sir Rigo si Miss Cindy kaya naman julalay na talaga ang ganap ko taga-abot ng mga kailangan nila. Tahimik lang akong nakinig sa nagsasalita sa harap habang nagdidiscuss ito. Ang topic ay tungkol sa yearly report ng accountability status ng kumpanya. Hanggang sa lumalim ang diskusyunan sa loob ng conference room at sa aking pagkakaunawa may kinakaharap na problema ngayon ang kumpanya partikular na sa accounting department. May bulong-bulungan kasi na may nagnanakaw at malaki ang nawawalang pera sa kumpanya. Kampante lang sana akong nakikinig subalit narinig ko ang pagtawag sa pangalan ng aking ama upang hingan ito ng paliwanag tungkol sa issues na nangyayari. Bigla akong nakaramdam ng kaba habang pilit akong nagkukubli sa isang tabi. Si Papa ang Head Accountant ng SDC posible kaya na may pananagutan siya sa nangyayari? ___ Ang bilis ng oras tapos na ang meeting subalit nanatiling windang pa rin ang isip ko. Hindi ako makapaniwala, hindi matanggap ng isip ko ang kinalabasan ng meeting. Ang buong accounting department ang mananagot sa lahat at napakalaking pera ang nawawala sa kumpanya. Dahil sa walang lumabas na leak iniisip ng lahat na nasa loob ng Accounting department ang magnanakaw. Pero sino sa mga ito ang pinatutungkulan nila ang Papa ko ba? Pero hindi, hindi iyon magagawa ni Papa alam ko hinding-hindi niya iyon magagawa. Hinding-hindi niya sisirain ang pagkatao niya ng dahil lang sa pera.. Hindi! Papa ano nang gagawin ko paano ba kita matutulungan? Ah, alam ko na! Bigla kong naibulong sa aking sarili, naisip ko si Sir Rigo tiyak matutulungan niya ako. Tama! Nagmadali na akong makabalik sa opisina ni Sir Rigo, alam kong nakaalis na sila kanina kasabay rin ni Miss Cindy. Sinenyasan pa nga ako nito na bumalik na kami sa opisina. Sanay na rin kasi ako na hindi sumasabay sa kanila pabalik ng opisina. Dahil ako rin kasi ang nagliligpit ng gamit nila at nagdadala nito pabalik ng opisina. Kung sasabihin ko sa kanya na mabuting tao ang Papa ko at hindi nito magagawa ang magnakaw. Siguradong pakikinggan niya ako at maniniwala siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng pag-asa nang mga sandaling iyon. Kaya naman minadali ko ang bawat pagkilos ko dahil gusto ko nang makabalik agad ng opisina. Kung kailangang makiusap ako kay Sir Rigo gagawin ko tulungan lang niya si Papa. Nagmamadali akong lumabas ng Conference room habang iniisip ko ang sasabihin ko kay Sir Rigo. Bitbit ko ang talaksan ng mga papeles na kanina lang kandahirap kong dala at ngayon pilit ko na namang kinakaya. Kung bakit pilit pa kasi itong pinadala sa akin ni Miss Cindy kahit na hindi naman talaga kinailangan ito kanina. Kung hindi ba naman gusto talaga niya akong mahirapan. Nakakainis na talaga ang babaing iyon! "Gan'yan ka ba talaga, pahirapan ng Boss mo?" Bigla akong napalingon sa kanan at sa kaliwa pero nasa harapan ko pala ang g'wapong lalaking kahit kailan hindi ko talaga maintindihan. Minsan masungit, minsan naman mabait buti na lang g'wapo talaga siya.. "Bakit Sir kung kayo ba ang Boss ko tutulungan n'yo ako?" Naisip ko tuloy na tanungin ito. "Depende sa tulong na hihilingin mo.." "Talaga Sir! Paano kung ang hilingin ko tulungan n'yo ako ngayon, tutulungan mo ba ako?" S'yempre pinalambing ko ang aking boses kasabay ng pinaka matamis kong ngiti. "Bakit ako ba ang Boss mo?!" Saglit akong natigilan, oo nga naman hindi pala siya ang Boss ko! Bakit ba ako mag-aasumed? "Ah, eh.. sorry po Sir, sige po mauna na po ako nagmamadali kasi ako baka kasi hinihintay na ako ng Boss ko!" Alanganin akong ngumiti at saka nagsimula na rin akong humakbang.. But after two steps.. "Wait, nagbibiro lang naman ako sige na nga tutulungan na kita. Ihahatid na kita kahit hanggang sa Elevator lang okay lang ba kung hindi na kita masasamahan pa pababa?" Saad nito sa malumanay na tono. "Talaga ba Sir?" Masayang bulalas ko. Sabi ko na nga ba hindi ako nito matitiis. Nagsasalita ito habang kinukuha ang mga dala ko.. "Ano pa nga bang magagawa ko, ikaw lang ang sakalam!" Saad nito nang nakangiti, ngiting nilalanggam. "Why didn't you just become my Boss, Sir? Siguro ang gaan ng buhay ko.." Mahinang bulong ko habang nauna na itong humakbang. "What?" Napalingon tuloy itong bigla, hindi ako sigurado kung naintindihan nito ang sinabi ko. Pero s'yempre hindi ko na uulitin 'yun no? Baka kasi maiba na naman ang ihip ng hangin. "Sabi ko po buti na lang nand'yan ka Sir ang bait n'yo talaga!" Nakangiting sagot ko. "Ngayon lang ito Miss Soriano kaya huwag kang mag-assumed na mauulit pa ito sa susunod!" Sabi ko na nga ba maiiba na naman ang weather kapag nagsalita pa ako. "Okay po copy Sir ngayon lang ito! I wish, next time ikaw naman ang matulungan ko." "Dapat lang marami ka nang utang sa akin. Okay narito na tayo!" "So this is another promises out of elevator?" Pabirong tanong ko.. "Hmmp, I think so?" Natatawang napatitig ako sa kanya, ayoko man ang nararamdaman ko ngayon. Dahil alam ko hindi ito ang oras para isipin ko ang ibang bagay maliban kay Papa. Subalit hindi ko magawang pigilan ang estrangherong damdamin na lumulukob sa akin ngayon. Tunay na ang Pag-ibig ay walang pinipiling lugar, oras at maging pagkakataon. Ngunit nang oras ring iyon agad ring naputol ang kahibangan ko. Dahil sa.. "Ivo! Narito ka lang pala ang akala ko hindi ka pa lumalabas ng Conference room." Ang boses na iyon na nagpalakas ng aking kaba dahil hindi ako maaaring magkamali? "Oh, Tito may kailangan po ba kayo?" "Ah, gusto lang sana kitang maka.. 'Huh, sino ba itong.. A-Aleyha?" Bigla ang pagbaling ni Papa sa aking direksyon. Hindi ko na nagawang magkubli pa, napayuko na lang ako at hindi ko magawang tumingin sa kanya.. "Kilala mo siya Tito?" "Kilalang kilala, Aleyha! Tumingin ka nga sa akin, anong ginagawa mo dito at bakit ka narito?" Bumaling ito sa akin at sunod-sunod na nagtanong. "Papa.." "Sagutin mo ako, bakit ka narito?" "Sorry Papa pero kasi.." "Huwag ka nang magpaliwanag, halika sumama ka sa’kin babalik na tayo sa Isla hindi ka dapat nagpunta dito!" "Pero Papa dito na ako nagtatrabaho!" "A-ano?!" Takot ba, ang nakikita ko ngayon sa mga mata ni Papa? ***** 10-25-25 @LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD