SECRET FILES

1896 Words
C-10: Unexpected Scene ___ Matagal na akong nakahiga ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nagiging palaisipan na talaga sa akin ang mga bagay pinagagawa ni Mr. Del Castro. Ano ba talaga ang plano nito? Bakit gusto niyang bantayan ko si Sir Ivo, may pinaplano kaya siyang gawin kay Sir Ivo? "Hindi ka ba makatulog?" Biglang tanong ni Blessy tulad ko nakahiga na rin ito. Marahil hindi rin ito makatulog dahil ramdam niya na gising pa rin ako. Sa iisang double deck lang kasi kami natutulog si Blessy ang nasa itaas ako naman ang nasa ibaba. Kami lang dalawa ngayon sa isang kwarto, nasa bakasyon daw kasi ang isa pa naming kasama ang isa naman nag-asawa na. "Pasensya na naabala ko tuloy ang tulog mo medyo namamahay siguro ako kaya hirap akong makatulog." Pagdadahilan ko. "Okay lang maaga pa naman, ganyan rin naman ako noong una ko rin dito. Huwag mo akong alalahanin, hindi pa rin naman ako inaantok." Sagot nito. "Matagal ka na ba dito?" Sa lahat kasi ng mga narito sa compound si Blessy lang ang nagpakita sa akin ng interes. Bukod sa magkasama kami sa kwarto. Gustong gusto kong tanungin ito tungkol sa Papa pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili. Baka kasi magtanong rin ito at magtaka sa akin. Kaya naman kahit gusto kong makipagkwentuhan dito iniwasan ko. Pero hindi ko naman pwedeng gawin 'yun sa lahat ng pagkakataon. Hindi ba mas maganda nga kung mapapalapit ako sa kanya at magiging magkaibigan kami? Magkakaroon ako ng access kay Papa kailangan ko lang maging maingat. Saka ko na lang sasabihin sa kanya ang totoo, kaya lang sana hindi siya magalit sa akin. "Medyo matagal na rin, 5 years na ako next month." Sagot nito. "Ang tagal na rin pala, ako kaya tumagal kahit one month?" "Grabe ka naman syempre tatagal ka! Bakit naman hindi ka tatagal?" Dumapa pa ito at sinilip ako sa ibaba ng double bed na hinihigaan namin. "Nagkaroon kasi ako agad ng problema kanina pero hindi ko naman sinasadya." Saad ko. "Problema, anong problema?" Curious na tanong nito na nakakunot ang noo. "Kasi kanina nagmamadali akong lumabas ng pinto kaya hindi ko napansin na papasok si Maam Althea. Kaya ayon, nagkabanggaan kami." "Problema na ba 'yun? Akala ko pa naman kung gaano kalaki ang problema mo. Sabagay medyo alam mo na?" Ngumiti ito na tila may ibig ipahiwatig. "Parang ang laki ngang issue ng nagawa ko, hindi ko naman alam na may pagka- bossy pala siya. Sinabihan niya ako agad na tuturuan ng leksyon at malamang sa hindi na ako magtagal sa office." "Grabe naman talaga siya, palibhasa kasi siya ang fiancee ni Sir Ivo. Pero teka nasaan ka ba paano kayo nagkabangga?" Biglang tanong nito. "Kanina nasa opisina ako ni Sir Ivo lalabas na nga ako nu'ng magkabunggo kami." Paliwanag ko. "Ah, kaya pala, isa talaga siya sa dapat mong iwasan sa office. Dahil talagang maldita 'yun, lalo na sa mga magaganda." Nakangiting dugtong nito. "Maganda?" "Oo, ang ganda mo kasi kaya hindi na ako nagtataka kung bakit agad siyang nagalit sa'yo. Insecure yata yun sa mga maganda e, gusto yata siya lang ang maganda sa buong building. Buti nga hindi pa si Sir Ivo ang naghired sa'yo. Dahil kung si Sir Ivo malamang sa hindi ka nga tumagal dun!" "Ganu'n ba talaga? Kahit trabaho naman ang pinasok mo at wala ka namang intensyon na makipagpagandahan pa sa kanya?" Tanong ko. "Ewan ko ba dun, siguro natatakot na maagawan siya. Kasi napaka-swerte niya kay Sir Ivo no, bukod sa gwapo na mabait pa and take note super yaman at talino niya. Siya ang may ari ng buong building kung saan tayo nag-oopisina." Nakangiting sagot nito. "Dito rin talaga ang opisina nila?" "Oo may Penthouse sa itaas kumpleto ng mga gamit, kung minsan kasi hindi na umuuwe si Sir Ivo kaya sa itaas na rin siya natutulog. May pagkawork-aholic kasi 'yun sa dami yata ng trabaho niya. Bukod sa pagbibiyahe sa iba't-ibang lugar pagdating nun trabaho agad ang aga pang pumapasok. Kaya hindi rin naman nakapagtataka na ang bilis niyang yumaman." "Kaya siguro medyo insecure si Ma'am Althea kasi halos wala nang oras sa kanya si Sir Ivo." "Siguro? Pero alam mo para sa akin may mas deserving pa para kay Sir Ivo kaysa sa kanya. Kasi hindi ko gusto ang ugali niya kumpara sa ugali ni Sir Ivo. Parang hindi naman sila bagay, kasi parang mas bagay si Sir sa akin.." Biro ni Blessy na sinabayan ng pagtawa. Natawa ako sa biro niyang iyon at sa masaya niyang awra sa tingin ko nga talagang magkakasundo kami ni Blessy. Marami pa kaming napag-usapan bago pa kami parehong igupo ng antok at tuluyan nang makatulog. ___ Kinabukasan nagkasabay ulit kami ng pagpasok ni Blessy o mas tamang sabihing sadyang hinintay namin ang isa't-isa. Nagkatawanan pa kami ng pareho naming maalala ang nangyari kahapon. Sabi ko na nga ba nahalata niyang hindi ko alam ang pupuntahan ko. Hindi lang nito sinabi dahil ayaw nitong mapahiya ako. Pero mabuti na rin ang mga nangyari atleast ngayon hindi na talaga ako maliligaw. Kagaya kahapon nauna ulit na lumabas,ng elevator si Blessy nagmadali na ito pagkatapos nitong magpaalam. Pasara na sana ang elevator ng bigla ulit itong bumukas, senyales na may humabol para sumakay, mula sa second floor. "Huh?" Parang naulit lang ang kahapon hindi ko man ito inaasahan ngunit sadya talagang mapagbiro ang pagkakataon.. "Miss Soriano?" Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin, ano kayang iniisip niya? Ilang segundo muna ang lumipas bago ko tuloy ito naalalang batiin. "H-hi! Sir, G-good morning.." Ah, sandali, bakit nga ba ako natataranta wala naman akong kasalanan sa kanya ah? "Good morning!" Parang napakaseryoso namang tugon nito. "Ah, sir hindi ko po kayo sinusundan ah, kayo po ang sumabay sa akin at saka kadarating ko lang po!" Isang alanganing ngiti ang ipinamalas ko matapos ko iyong sabihin. Kasi naman baka isipin nito na sinusundan ko na naman ito. "Masyado ka namang defensive, sigurado ka ba talagang hindi mo nga ako sinusundan?" Biglang komento ni Sir Ivo. "Hindi po talaga Sir, kaya nga sinabi ko na sa inyo agad para hindi nyo na ako pagdudahan pa!" May halo nang inis ang aking tono. Eh, ano ba kung mahalata niyang naiinis ako, e nakakainis naman ang kanyang salita. "Kung ganu'n saan ka ba pupunta, sa pagkakaalam ko kasi sa 4th floor lang ang opisina n'yo, bakit narito ka pa rin at sinusundan ako?" Tanong nito. "Hindi ah, sinabi ko na nga.. Oh my!" Pagtingin ko sa itaas ng pinto ng elevator number 8 ang nabasa ko sabay bukas ng pinto sa harap ko. Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Sir Ivo tila rin nanigas ang mga binti ko. Pakiramdam ko pulang pula ang aking mukha, awtomatikong naitakip ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Napayuko na lang ako ng magsimula na itong humakbang palabas ng elevator. Ngunit pagtapat niya sa akin bigla itong huminto habang pigil nito ang pagsara ng elevator. "Sa susunod mag-aral kang magbasa ng numbers at sumakay ng elevator ha, para hindi ka laging naliligaw." Hindi ko alam kung sinasadya nitong insultuhin ako. Dahil imposible namang gusto lang ako nitong paalalahanan. Nakakahiya talaga ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya ngayon? Alam ko kahit idepensa ko pa ng paulit ulit ang sarili ko sirang sira na rin ako sa kanya. Paulit ulit ko ring ibinubulong sa isip ko na okay lang, hindi naman siya ang Boss mo. Kaya kahit masira ka sa kanya hindi naman makakaepekto sa iyo. Pero bakit ganu'n parang may bahagi sa akin na tumututol na kung p'wede lang ibalik ang oras aayusin ko na lahat at sisiguraduhin ko na hindi na ako magkakamali pa.. _ Tahimik akong bumalik ng 4th floor at pumasok ng opisina ni Sir Rigo. As usual maasim na mukha ni Miss Cindy ang bumungad sa akin. Subalit dahil sa kagandahang asal binati ko pa rin ito kahit pa ni ha o ho wala itong naging balik sa akin. Kaya deretso na lang ako sa pwesto ko at agad na inasikaso ang trabahong ibinigay ni Miss Cindy sa akin kahapon na hindi ko nagawang tapusin. Ngunit halos kauupo ko lang ng dumating si Mr. Del Castro. "Good morning Sir!" "Miss Soriano, follow me on my office now!" Saad nito habang lumalakad patungo sa private office nito. "A-ako po ba, bakit sir may..?" Naalarmang tanong ko. "No more questions Miss Soriano, just follow me on my office.. Okay?" Ulit na utos nito. "Okay, copy po sir!" Kaya wala akong nagawa kun'di sundan nga ito. Pagdating sa loob ng kanyang opisina tila naging aligaga ito. "Ano pang tinatayo mo d'yan tulungan mo na ako dito!" Hindi ko alam kung bakit para siyang natataranta? "A-ano pong gagawin ko Sir?" Nalilitong tanong ko. "Basta tulungan mo akong isa-isahin ang mga papeles na nandito. May hinahanap akong papeles dito ko lang 'yun nilagay." "Ano po bang papeles ang hinahanap n'yo Sir pano ko po kayo matutulungan kung hindi ko alam ang hinahanap natin sa dami ba naman ng mga papel dito." Saad ko habang nagsisimula na rin akong isa isahin ang mga nakakalat na folder sa mesa nito. Pero hindi ko maisip kung ano ba talaga ang hinahanap nito? "Parang accountable form na nasa isang folder o mga pinagsama-samang resibo. Sige na tulungan mo na akong hanapin 'yun ngayong araw. Hindi pwedeng lumipas ang araw na ito na hindi ko iyon makita." Iyon ang sabi niya. Kaya naman nagsimula na rin talaga akong maghanap.. Hanggang sa makalipas ang ilang minutong paghahanap ko at presto may nakita rin akong folder na mukhang interesante. May nakasulat kasing "Secret files" sa folder at wala rin sa loob ko na binuklat buklat ko ito out of curiosity. "Ito ba iyon Sir?" Ngunit bigla akong natigilan at napatitig ng husto sa papel na hawak ko nagugulat ako sa nakikita ko. Hindi pala birong halaga ang nakatala sa papel at tama para nga itong summary ng pinagsama samang resibo ng kung ano? Hindi birong halaga dahil tila Milyones ang nakatala sa bawat isang resibo. Pero para saan kaya ito ginamit? Papasadahan ko sana ulit ito ng tingin ng bigla na itong mawala sa paningin ko. Nag-angat ako ng tingin kaya naman pala hawak na ito ngayon ni Sir Rigo. "Ang sabi ko tulungan mo lang akong hanapin ito hindi ko naman sinabi na pakialaman mo!" Tila galit na komento nito. "Sorry po Sir!" Halos hindi tuloy ako makatingin sa kanya. Saglit na tumalikod ito at may tila kinuha sa drawer sa gilid ng table nito. Kaya muli akong nag-angat ng tingin at pinagmasdan ito mula sa likuran. Ang buong akala ko itatago nito ang folder na naglalaman ng resibo. Nagulat na lang ako sa sunod nitong ginawa.. Dahil walang kahirap hirap nitong nilamukos ang folder nitong hawak at sa aking pagkabigla.. Sinimulan na rin nitong sindihan ng hawak nitong lighter ang papel, hindi nito iyon binitiwan hanggang sa maliit na parte na lang nito ang naiwan. Ipinatong pa nito iyon sa isang stainless na trashcan na naroon at sinigurado pa nitong masunog hanggang sa unti-unti itong naabo. Napaangat ang aking mukha hanggang sa magkatapat ang aming paningin. "Sir bakit n'yo po sinunog?" Hindi ito sumagot at ngumiti lang ito sa akin, isang ngiti ng tila nagtagumpay. Pero bakit ganu'n napupuno ako ng kaba pakiramdam ko parang may mali.. Ngunit ano nga ba ang mali? ***** 08-25-25 @LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD