CHAPTER NINE:
___
"What the hell.. Saang bundok ka ba nanggaling ha, hindi mo ba ako kilala?" Mataray na tanong ng babaing nakasalubong ko sa may entrance door.
Dapat ba kilala ko siya?
"Sorry po ma'am tama po kayo, hindi ko nga po kayo kilala e!" Malakas ang loob na sagot ko.
"B*ba, no one in this building does not know me." Muling tungayaw nito sa akin.
Gusto ko rin sanang sabihin.. no one has the right to tell me that word too. Dahil hindi ako b*ba.
"Nakupo! Ma'am ako na po ang humihingi ng dispensa pasensya na. Bago pa lang po kasi siya dito kaya hindi pa niya kayo kilala." Saglit na lumingon si Maam Divina sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sige na, humingi ka ng dispensa." Pabulong nitong utos sa akin.
Tumututol ang isip ko ngunit alam kong kailangan kong sundin si Ma'am Divina. Dahil iyon rin ang alam kong pinakatama kong gawin, kung nais kong tumagal pa dito.
Kahit hindi ko pa batid kung sino nga ba ang babaing kaharap ko?
"S-sorry po ma'am hindi ko po talaga sinasadya, pasensya na po!" Pinili kong magpakumbaba.
Ano pa ba ang bago? Hindi ba dapat nga sanay na ako na laging napapaligiran ng mga taong akala mo kayang-kaya nilang bilhin ang buhay ng tao.
Dahil lang ipinanganak silang mayaman at sagana sa pera. Ang buong akala ko pa naman natakasan ko na si Maam Trixie.
Bakit naman nagkaroon pa ng xerox copy dito?
"Ngayon magso-sorry ka! Saang department ka naka-assign, gusto mo yatang mawalan ng trabaho?" May halo pang pananakot ang tono nito.
"Miss Althea, hindi naman po niya sinasadya at siya po ang bagong assistant ni Sir Rigo may pinapirmahan lang siyang mga papeles kaya siya narito." Muli ipinagtanggol ako ni Maam Divina.
"Sorry na po ma'am pasensya na po kung naging magaspang ang ugali ko." Kaya muli rin akong nagpakumbaba para hindi ito tuluyang magalit.
"May secretary na si Rigo bakit kumuha pa siya ng assistant? Humanda ka kakausapin ko ang Boss mo para maturuan ka niya ng leksyon!" Giit pa rin nito kaya napayuko na lang ako.
Mukhang problema na naman itong napasukan ko, kailan ba ako makakaiwas sa gulo?
Nakakainis naman, lagi na lang akong napag-iinitan!
Pag-angat ko ng aking mukha..
"Bakit ang sama mong makatingin, galit ka?" Muling sita ng babae.
Maganda sana ito kaya lang daig pa ang kontra-bida sa pelikula kung magtaas ng kilay.
"Hindi po ma'am!" Mabilis na sagot ko.
Bakit naman nakatuon siya sa bawat galaw ko. Ganu'n na ba kagrabe ang nagawa ko para pag-initan niya ako?
P'wede namang palagpasin na lang hindi naman isang krimen ang nagawa ko.
"Umalis ka na nga sa harap ko at nabubwisit ako sinisira mo ang araw ko!" Pagtaboy nito sa akin.
"Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo." Bulong agad sa akin ni Maam Divina.
Kaya nagmadali na akong makalabas pagkatapos kong siguraduhin na napulot ko na lahat ng mga papeles na dala ko.
"Sige po ma'am, aalis na po ako." Paalam ko habang nakayuko ang ulo. Mahirap na baka may masabi na naman ito sa akin.
Nagmadali na ako ng paglabas ng pinto saka lang ako nakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko dehado na naman ako sa lugar na iyon.
Pagdating ko ng opisina ni Sir Rigo naabutan ko na masama ang tingin sa akin ni Miss Cindy. Kung tingnan niya ako para akong nakagawa ng isang malaking kasalanan.
Kaya naisip ko nakarating na kaya sa kanya ang nangyari, parang ang bilis naman yata nag-elevator naman ako pababa ah?!
Tuloy-tuloy akong pumasok ngunit bigla akong napahinto..
"Miss Soriano, ano itong problemang ginawa mo ha?" Habol na tanong nito sa akin.
"Maam, a-ano pong problema?" Tanong ko pa rin kahit may hinala na ako sa ibig nitong sabihin.
"Tanga-tangahan lang, alam mo ba kung sino ang binangga mo? Siya lang naman ang fiancee ni Ivo. Kaya humanda ka malamang hindi ka na magtagal dito." Diretsong saad nito sa akin, na tila may halo ring pananakot.
"Pero hindi ko naman iyon sinasadya!"
"Huwag ka nang mangatwiran, magaling ka talagang pumili ng kakalabanin ano. Kaya kung ako sa'yo kusa na akong magre-resign habang maaga pa, para hindi naman gaanong nakakahiya kung mapapatalsik ka sa unang araw mo pa lang sa trabaho. Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit nagsumisiksik ka dito. Dahil nalaman ko na nanira ka na nga ng kasal at tinakbuhan mo pa ang kasalanan mo!" Malinaw na saad nito.
Ngunit paano nito nalaman ang tungkol doon, hindi ko naman iyon isinulat sa resume ko?
Si Sir Rigo ba ang nagsabi sa kanya?
"Oh, natulala ka hindi ba totoo, gawain mo na siguro ang manira ng relasyon ano?!"
Kalma lang Aleyha, huwag mo siyang patulan! Bulong ko sa aking sarili.
I sighed and clear my throat before I spoke..
"Narito na po lahat ang mga papel na pinirmahan ni Mr. Sebastian. Kung wala na po kayong iuutos pupunta na ako sa pwesto ko." Sinikap kong kalmahin ang aking sarili at ignorahin ang sinabi niya.
"Hah! Huwag mong ibahin ang usapan, tinatanong kita kung anong ginawa mo para magalit sa iyo si Althea? Kaya pwede sumagot ka!" Malakas ang boses na sigaw na nito sa akin.
Ngunit pinili ko pa rin na maging mahinahon..
"Bakit hindi n'yo na lang po itinanong kay Maam Althea para mas detelyado? Dahil alam ko naman po na hindi ninyo paniniwalaan ang sasabihin ko. Kung ano man ang ginawa ko humingi na po ako ng dispensa."
"Sa tingin mo sapat na 'yun?" Giit pa rin nito.
"Nagkataon lang nagkabangga kami sa may pinto pero hindi ko 'yun sinadya! Hindi pa ba sapat na humingi na ako ng dispensa? Hindi naman po isang krimen ang ginawa ko para pag-usapan pa ng matagal. Lalo na kung sa oras ng trabaho, hindi po ba?" Malapit na talaga akong mainis..
"Ganyan ka ba talaga sumagot sa mga nagiging amo mo kaya naman pala napalayas ka sa Resort at dito ka naman magsasabog! Kay bago bago mo pa lang ang lakas na nang loob mo." Mapanglait na salita nito sa akin.
"Miss Cindy gusto ko lang pong linawin, hindi ko po gustong maging bastos. Pero sa pagkakaalam ko hindi po kayo ang Boss ko. Saka trabaho po ang in-apply ko dito hindi po kasama du'n ang personal kong buhay. Kaya wala po akong obligasyon na ipaliwanag sa inyo lahat!" Pagkatapos ko iyong sabihin tumalikod na ako.
Wala siyang karapatan na ungkatin pa ang mga nangyari sa akin, dahil labas 'yun dito. Ano bang malay ko na nobya siya ni Sir Ivo at saka ano bang kakaiba du'n?
"Impertinente, kahit ako makakaya kong ipatanggal ka sa trabaho mo dito!" Saglit akong huminto dahil sa sinabi niya ngunit hindi ako lumingon.
"Gawin n'yo na lang kung ano sa tingin n'yo ang makaluluwag sa dibdib n'yo ngunit wala pa rin akong pinagsisisihan sa mga sinabi ko. Bahala na kayo!" Wala na akong pakialam kahit mawalan na ako ng trabaho ngayon mismo.
Makakahanap rin naman siguro ako ng iba or else kailangan ko na talagang harapin si Papa.
Papunta na sana ako sa pwestong inilaan ba talaga sa akin? Nang bigla akong tawagin ni Mr. Del Castro
"Miss Soriano, come to my office now!"
"Sir?" Gulat akong napabaling dito.
Dahil sa tono ng boses ni Sir siguradong galit ito, pagbaling ko ng tingin kay Miss Cindy tila ba makahulugan ang pagngisi nito. Para tuloy naririnig ko ang boses niya na nagsasabing humanda ka na ngayon!
Napalunok na lang ako at sumunod sa loob ng opisina ni Sir Rigo. Kahit na handa naman ako hindi ko pa rin naiwasang hindi kabahan.
Relax Aleyha kaya mo ito.. Bulong at pagpapakalma ko sa aking sarili.
"Come and you may sit down here!"
"Sir.." Dahan dahan akong lumapit.
"I said here, you can't hear me?"
"Sir hindi ko naman po talaga sinasadya, hayaan n'yo naman po muna akong magpaliwanag. Kung ano man po ang sinabi ni Maam Althea pwede po bang pakinggan nyo rin muna ang side ko." Awtomatikong nakiusap na ako sa kanya.
"Hindi na kailangan sapat nang narinig ko ang sinabi mo. Kaya wala ka nang dapat ipaliwanag naiintindihan ko na."
"Pero Sir, sapat na bang dahilan 'yun para tanggalin n'yo ako sa trabaho ko?"
Gusto kong magprotesta pakiramdam ko hindi makatwiran na paalisin niya ako nang dahil lang sa maliit na bagay.
"Ano, sino naman ang nagsabi sa'yo na tatanggalin kita sa trabaho mo? Ikaw na nga ang nagsabi hindi sapat na dahilan 'yun para tanggalin kita, so bakit kita tatanggalin?"
"Sigurado po kayo Sir, hindi n'yo po talaga naisip na tanggalin ako?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko natawa pa ito sa akin bago ito tumugon.
"Miss Soriano pagbutihin mo lang ang trabaho mo at makakasiguro ka na matagal pa tayong magsasama dito."
"Ang akala ko po kasi magagalit kayo dahil sa reklamo ni Miss Althea." Parang bulang nawala ang alalahanin sa dibdib ko ng dahil sa sinabi nito.
"Huwag mo nang alalahanin 'yun hangga't maaari iwasan mo na lang na mapagalit mo siya ulit. Hindi ko nga maintindihan kung bakit galit na galit siya sa iyo. Ano ba kasi ang ginawa mo?"
"Hindi ko naman po talaga sinasadya na mabunggo siya, hindi ko kasi siya napansin agad. Tapos bigla na po siyang nagalit sinabihan pa niya akong t*anga. Hindi ko naman alam na nobya pala siya ni Mr. Sebastian." Paliwanag ko.
"Nakita ba niyang kasama mo si Ivo?"
"Naku hindi naman po, nakaalis na si Sir Ivo nun dumating siya."
"So ano na nga pala ang nangyari sa ipinapagawa ko sa'yo, may nalaman ka bang kakaiba?" Pag-iba nito ng tanong.
Sa isip ko, kaya naman pala hindi pa niya ako mapaalis. Dahil mas mahalaga sa kanya na malaman ang tungkol kay Ivo.
"Ah, eh sir umalis nga po si sir Ivo kaya hindi ko siya nabantayang mabuti." Sagot ko na medyo alanganin.
"Wala ka man lang bang sasabihin sa akin kahit ano na nalaman mo e ang tagal mo dun?!" Kunot na ang noong tanong nito.
Alam kong kailangang may sabihin ako para kahit paano ma-impress siya sa akin.
Isip Aleyha mag-isip ka! Bulong ko sa aking sarili.
"Ah, pero Sir ang narinig ko po parang makikipagkita si Sir Ivo sa isang Japanese investor. Para pag-usapan daw po ang biding process ng bagong itatayong building sa Japan."
"May bagong itatayong building si Ivo sa Japan?" Ulit nito.
"Ah, eh hindi pa naman po yata sigurado pero yun lang po ang dinig ko. Kasi Sir parang natunugan rin ako ni Sir Ivo na nakikinig sa kanya. Kaya nga biglang umalis nagalit pa yata sa akin."
"Huwag mong intindihin 'yun ipagpatuloy mo lang ang paglapit sa kanya at ako ang bahala sa'yo sagot kita."
"Pero Sir parang mainit na po ang mata sa akin ni Sir Ivo eh. Saka lalo na ngayon galit pa sa akin ang girlfriend niya. Kaya baka mabalatan lang ako ng buhay kapag bumalik pa ako doon. Kung si Miss Cindy na lang po kaya?" Saad ko sa tonong nakikiusap na..
"Napaka-simple lang ng pinagagawa ko hindi mo magawa! Ang akala ko pa naman makakatulong ka sa akin kaya isinana kita dito at tinulungan kita pero ako hindi mo matulungan."
Nangungunsensiya ba siya?
"Pero Sir kasi.."
"Ayaw mo na, o sige ganito na lang kung sabihin ko na lang kaya sa Papa mo na narito ka na. Kasi nakagawa ka ng hindi maganda sa Resort kaya dito ka nagtago."
"Huh! K-kilala mo ang Papa ko?"
"Oo naman, matagal na! Bakit naman hindi ko makikilala ang Papa mo, Miss Soriano?"
"Kung ganu'n pala, bakit hindi n'yo na lang ako agad dinala sa kanya?"
"Dahil alam kong pinagtataguan mo siya ngayon hindi ba? Dahil may nagawa kang hindi niya magugustuhan, tama?!"
Nanlulumong napailing na lang ako kasabay ng tanong sa isip ko..
Ano ba talaga ang gusto ng lalaking ito?
*****
07/23/25
@LadyGem25