LOVE PREVENTION

1755 Words
CHAPTER EIGHT: ___ Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang babaing iyon. Hindi naman siya espesyal na tao pero bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin. Kanina bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Bakit nga ba naisip kong itanong ang bagay na iyon, kailan pa ako naging interesado sa status ni Rigo? Pero hindi naman talaga kay Rigo ako interesado, alam ko itanggi ko man may bahagi sa akin ang ginugulo ng babaing iyon. Pero hindi ko na ito dapat palawigin pa dahil malapit na akong ikasal. Kahit kailan naman hindi ko naisip na pagtataksilan ko si Althea kaya ano bang nangyayari sa akin ngayon? Ilang sandali pa ang mga katok sa pinto ang biglang pumukaw sa akin. "Tok, tok!" "Huh, sino 'yan?" "Boss, ako ito papasok na ako ah?" Si Divina ang aking sekretarya. Hindi ko na inangat ang aking ulo may binabasa kasi akong documento kanina pa at hindi ko pa rin tapos basahin. Kaya hindi ko napansin na may kasama pala si Divina na pumasok sa opisina ko. "Boss, may kailangan ka daw pirmahan galing sa SDC kasama ko ang bagong assistant ni Mr. Del Castro." Pahayag ng secretary ko na hindi ko agad naunawaan. Kaya saglit akong natigilan pag-angat ko ng ulo ko. Bakit kung sino pa ang gusto mo nang iwasan siya pa ang kusang lumalapit sa'yo? Sinusubukan ba ako ng pagkakataon? "Hi, Sir Ivo?!" Isang tila napakatamis na ngiti ang ipinamalas nito sa akin. Tinutukso ba talaga ako ng babaing ito? Hindi ko tuloy naiwasang pagmasdan ang mamula-mula niyang labi. Hindi siya gumagamit ng mapulang lipstick kahit noong una ko siyang makita. Parang natural lang ang kulay nito at parang kaysarap niyang halikan. Ilan na kaya ang nakahalik sa kanya, marami na kaya siyang naging boyfriend? "Boss, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Divina na nagpabalik ulit sa aking wisyo. "Ha, a-ano?" Biglang para akong nangapa ng sasabihin. "Boss, ang sabi ko narito si Ms.." "Aleyha po! Sir natatandaan n'yo naman ako hindi ba? Ako 'yun kan.." "Maupo ka, sige na Divina ako na ang bahala sa kanya." Kailangan ko na yata talagang tatagan ang sarili ko. "Sir ang seryoso n'yo pala kapag nandito kayo sa opisina n'yo." Komento ni Aleyha. "Nasa loob tayo ng opisina ngayon hindi ba dapat lang na kapag trabaho, trabaho lang?" Pinili kong maglagay ng distansya sa pagitan naming dalawa. "Sir naman, huwag kayong masyadong seryoso kasi mas cute ka kapag cool ka lang.." Nangalumbaba pa ito sa harap ko habang nakangiti. Pambihira naman, pinipilit ko na nga siyang ignorahin. Bakit naman ganito pa siya sa akin? "Ms. Soriano, hindi ba trabaho ang ipinunta mo dito. Hindi mo kailangang magpacute sa akin, hindi porke maganda ang ating simula p'wede mo nang gawing excuse 'yun para maging iresponsable ka sa iyong trabaho. Alalahanin mo hindi tayo magkalevel kung nasanay ka kay Rigo. Gusto kong malaman mo iba ako kay Rigo, kaya kung wala ka nang ibang kailangan iwan mo na lang iyang mga papeles. Pipirmahan ko pagkatapos ko dito pwede ka nang bumalik sa iyong trabaho." Alam kong nabigla siya sa mga sinabi ko halata naman sa kanyang mukha. Ngunit kailangan ko itong gawin para siya na mismo ang lumayo sa akin. Hindi ko pa rin maintindihan sa aking sarili ngunit talagang nadidistract ako kapag malapit siya sa akin. "Pero Sir, p'wede ko namang hintayin na lang na matapos kayong pirmahan ito. Huwag kayong mag-alala hindi na ulit ako magsasalita kung ayaw n'yo po akong kausap, Sir!" Batid kong masama ang loob nito sa akin, ngunit mas mabuti na iyon kaysa mapalapit kami sa isa't-isa. Hinayaan ko na lang siyang maghintay, gaya ng sinabi nito hindi na nga ito nagsalita pa. Ngunit napansin kong umiikot ang paningin nito sa paligid. May pagkakataon din na nahuhuli ko itong nakatingin sa akin. Okay lang sana, kaya lang napansin ko rin na maging sa pagtawag sa akin sa phone. Pakiramdam ko nakikinig rin siya sa akin para niya akong minamanmanan. Ayoko sanang isipin iyon ngunit nakakahalata na ako. "Inutusan ka ba ni Rigo na bantayan ang mga kilos ko?" Prangkang tanong ko. Napansin ko na nagulat siya at bahagyang namutla, ngunit handa itong idepensa ang sarili. "Sir! Bakit ko naman iyon gagawin? Kanina sinabihan n'yo akong nagpapacute lang at iresponsable! Kahit ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ngayon naman sinasabi n'yong binabantayan ko kayo, kung ayaw n'yo po sa akin dahil sabi n'yo nga hindi tayo magkalevel. Okay lang naman walang problema sa akin iyon Sir. Pero ginagawa ko lang naman ang trabaho ko kaya ako narito. Yun lang! Kaya kung tapos na kayong pirmahan ang mga papeles na dala ko ibigay n'yo na sa akin para makaalis na ako." Biglang naging seryoso ang awra nito mula sa pagiging sweet at masayahing babae. Ah, ano ba itong ginagawa ko? Minadali ko na ang pagpirma ng mga papeles para na rin ignorahin ang mga gumugulo sa isip ko. Ilang sandali pa ang lumipas natapos ko rin itong pirmahan. Agad na rin itong kinuha ni Aleyha nagpaalam.. "Kung okay na po ito Sir, aalis na po ako pasensya na sa abala!" Padabog itong lumisan at panay ang bulong. "Ang sungit, kala mo kung sinong gwapo!" "Aleyha.. May sinasabi ka ba?" Huminto ito ngunit hindi humarap sa akin. "Wala po!" Muli itong nagpatuloy at hindi na lumingon pa, sa huli naisip kong mali ako. "I'm sorry.." Ngunit hindi ako sigurado kung narinig ba niya ang sinabi ko. Ngunit mas mabuti na nga siguro na hindi niya narinig. Ano bang nangyayari sa akin, bakit ba ako naguguluhan? Bulong ko sa aking sarili habang sabunot ko ang aking ulo. Nagkakagusto ba ako sa babaing iyon? Pero hindi ko naman siya kilala, nababaliw na yata ako. Ilang araw pa lang ang nakakaraan mula nang makikita ko siyang umiiyak habang nasa ilalim ng araw. Ahhh, hindi! Maaaring naawa lang ako sa kanya noon dahil mukha siyang problemado at iyon lang 'yun wala nang ibang dahilan pa! Hindi ako maaaring magkagusto sa iba mahal ko si Althea at ikakasal na kami. Maaaring attracted lang ako sa karisma niya at natural lang iyon sa lalaki na ma-attract sa mga magagandang babae. Yun lang 'yun at wala nang iba! Dahil hinding-hindi ko ipagpapalit si Althea. Malalim na ang aming relasyon kasal na lang ang kulang at malapit na iyon. Tatlong buwan na lang ikakasal na kami kaya bakit pa ako nag-iisip ng mga bagay na makakasira sa aming dalawa. Matagal na naming pinaplano ang kasal kaya wala nang makakasira pa sa aming relasyon. Sinikap kong ifocus na lang ang isip ko sa mga tambak na trabaho sa aking lamesa. Hanggang sa lumipas ang mga segundo.. ___ "Nakakainis, ang sungit sungit!" Bulong ko paglabas ko ng private office ni Sir Ivo. "Miss Soriano may sinasabi ka?" Narinig pala ako ni Miss Divina. "Ah, wala po ma'am paalis na po ako.." "Ah, okay sige pakisara mo na lang ang pinto paglabas mo ha.. Salamat!" Saad nito. "Okay po!" Ngunit bago pa ako nakarating sa may pinto may kumatok at nagbukas nito. "Tok, tok! Divina.." Saad ng boses sa kabilang pinto at tuloy tuloy na itong pumasok. A-ang boses nito p-parang.. "Oh, my!" Bigla akong tumalikod at deretsong lumakad kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na mabilis na pinipihit ang door knob ng pintuan ng opisina ni Sir Ivo. Pagpasok ko mabilis ko ring isinara ang pinto at s'yempre ikinagulat ni Sir Ivo ang ginawa ko. "Hi, Sir! P'wede po bang dito muna ako sandali lang please?" Pakiusap ko kay Sir Ivo bahala na kahit pa tuluyan na itong magalit sa akin pagkatapos. "At bakit ka pa bumalik may nakalimutan ka ba?" Tanong pa nito. "Ah, w-wala.." "Ivo, maaari ba akong pumasok?" "Nakupo! Sir nasaan po ang CR n'yo?" "Ha?" "Ivo, busy ka ba ngayon Hijo? Nakuh, pasensya na may kasama ka pala babalik na lang ako." Biglang bawi nito, dahil siguradong nakita niya ako bago pa ako nakapasok ng banyo. "Ah, hindi po palabas na rin siya naki-gamit lang ng banyo. Ano po ba ang sadya n'yo Tito Al?" Narinig kong tanong ni Sir Ivo sa aking Papa. Nakakainis naman talaga mukhang magtatagal pa ang Papa. Paano na ako ngayong lalabas nito kailangan na ba talaga akong humarap sa kanya? "May sasabihin sana ako sa iyong importante kung may oras ka pero mukhang busy ka ngayon siguro sa ibang araw na lang.." "Hindi po, okay lang kung gusto n'yo po sa itaas na lang tayo mag-usap para mas komportable, kasi hindi secure dito baka may mga tengang nakikinig?" Sigurado namang ako ang pinariringgan niya. "Ha, anong ibig mong sabihin Hijo?" "Wala po, nagbibiro lang ako tayo na po." "Sigurado ka bang hindi kita naabala?" "Okay lang po Tito saka gusto ko rin pong magrelax ng konti, buti nga po dumating kayo may makakausap ako." "Okay!" "Wala na sila.." Dahan-dahan akong lumabas ng CR ng maramdaman kong wala nang tao.. Pagbaling ko si Miss Divina nasa loob na at marahil hindi rin nito inaasahan na makikita pa ako sa loob ng opisina. "Huh, Aleyha nandito ka pa pala, ang buong akala ko nakalabas ka na." Saad nito. "Ah, eh! A-ano po kasi bigla akong nakaramdam ng panunubig kaya pumunta muna ako ng banyo." Mukhang napapadalas na ang pagsisinungaling ko. "Ah, ganun ba? Pero sa susunod Hija may CR din kasi sa labas ng opisina, malapit lang dito kung sakaling gagamit ka ulit ng banyo doon na lang siguro. Si Boss Ivo lang kasi ang gumagamit ng banyo na yan medyo maselan kasi yun. Alam mo na?" Alanganin itong ngumiti. "Ah, okay po tatandaan ko po, pasensya na po at salamat. Tuloy na rin po ako" Ngayon ko napatunayan na mas mabait at maayos itong kausap kaysa kay Miss Cindy. "Okay, sige.." Bigla ko tuloy nahiling na sana si Boss Ivo na lang ang Boss ko. Pero hindi ba, mukhang ayaw naman niya sa akin, pero mukhang close sila ni Papa. Paano kaya sila nagkasundo? S'yempre naman mabait ang Papa ko at marangal na tao kaya sigurado namang makakasundo niya niya ang lahat. "Ay, butiking bruha!" Hindi ko napansin ang biglang pagsulpot ng babae paglabas ko ng pintuan. Nahulog tuloy ang mga papel na dala ko na agad kong pinulot. "And who do you think you are na tatanga-tanga?!" Hindi ko napigilan ang pagkainis sa babae. "Excuse me, malay ko ba na papasok ka ng hindi man lang kumakatok!" Sino siya para sabihan akong tatanga-tanga? "What the hell.." ***** 07-22-25 @LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD