MEET MR IVO SEBASTIAN

1984 Words
CHAPTER SEVEN: ___ "What! Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan. "Bago ka dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong. Hayst salamat naman.. "Opo bago lang po ako, ikaw ano pa lang ginagawa n'yo dito Sir?" Ngunit hindi nito sinagot ang tanong ko. "Ikaw bakit ka narito, wala ka bang makitang iba at si Rigo pa ang sinamahan mo?" Lumapit pa ito sa akin. Ano daw, at ano naman kayang problema nito kay Sir Rigo? "Eh Sir, may problema ba kay Sir Rigo? Siya po ang Boss ko, actually tinulungan lang niya ako. Inilipat lang niya ako dito galing ako ng Cagayan de Oro at matagal na po akong nagtatrabaho sa Resort." May kalakip pang pagmamalaki ang huli kong sinabi. Baka kasi isipin nito na babae ako ni Sir Rigo na gustong ipasok sa kumpanya. Kaya naman itinaas ko talaga ang noo ko na napansin kong ikinataas rin ng kilay nito. "So, hindi ka niya girlfriend?" "Ano po?" Sabi ko na nga ba.. "Tinatanong kita kung Girlfriend ka ba ni Rigo?" Direktang tanong nito. "Bakit n'yo naman po naitanong?" Naisip kong sakyan ang curiosity nito. "Bakit hindi mo na lang ako sagutin?" Gusto kong matawa sa itsura nito, tila malapit na itong mapikon. "Kasi Sir, hindi naman kayo mukhang tsismoso kaya hindi ko naisip na magiging interesado kayong pag-usapan ang buhay ng iba." "Sandali nga, oo o hindi lang ang isasagot mo ang dami mo namang sinabi. Diyan ka na nga!" Mabilis itong tumalikod na halata namang napikon, napangiti na lang ako sa naging reaksyon niya. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas muli itong bumuwelta na tila ba may nakalimutan. "Ah, oo nga pala gusto ko lang ipaalala sa iyo, sabi kasi nila masungit at istrikto ang secretary ni Rigo. So if I were you, magmamadali na akong bumalik nasa 4th floor ang opisina ni Rigo at nasa 8th floor na tayo. Hindi mo naman siguro gustong ibalik ka ni Rigo sa Cagayan de Oro, tama?" Nangingiting saad nito. "A-ano 8th floor na ba ito? Naku po! Bakit hindi n'yo naman sinabi agad Sir?" Natataranta nang saad ko ang nganga ko talaga! "Ano bang malay ko sa'yo parang mas gusto mo yatang sumama sa akin kaysa pasukan ang unang araw mo sa trabaho o baka naman mas gusto mo ring sa akin na lang magtrabaho?" Tila namimilyong tanong nito. "Kayo naman po Sir, palabirong masyado lumagpas lang po ako ng konti pero hindi ko po gustong lumagpas sa kagandahang asal. Kaya mawalang galang na po. Kung dito lang naman kayo labas na po para makababa na ako, please!" Pinagdaop ko pa ang aking mga palad habang nakikiusap. Sana naman hindi niya masamain ang pagtataboy ko. Ngunit napaangat ulit ang aking ulo ng marinig ko siyang tumawa. "Sir?" "Sige na, bumaba ka na, dito lang ang opisina ko kaya kung sakaling hindi ka nila tanggapin punta ka lang dito. Anong malay mo baka mangailangan din ako ng personal assistant. Anyway goodluck na lang sa'yo Ms. Crying Lady." Nakangiting pahayag nito saka mabilis nang tumalikod. Matapos nitong pindutin ang elevator pababa sa 4th floor. "Salamat.." Hindi ako sigurado kung narinig ba niya ang sinabi ko ang bilis kasi niyang maglakad. Tulad ng puso ko na bumibilis rin ang t***k habang bumababa ang elevator. Muli huminga ako ng malalim.. Ngayon sigurado na ako na siya nga 'yung nagbigay sa akin ng panyo. Nakuh, 'yun nga pa lang panyo isosoli ko pa kaya? _ Nagulat pa ako sa muling pagbukas ng elevator, ngunit mas ikinagulat ko ang bumungad sa akin sa tapat ng pinto.. "Sir Rigo?" Bahagyang nakakunot ang noo nito, ngunit mahirap hulaan kung galit ba o hindi? "Narito ka na pala, saan ka galing?" "Ah, pasens'ya na po Sir, naligaw po kasi ako e.." Minabuti kong gumawa na lang ng alibi, kaysa amining naligaw ako dahil kasama ko si Sir Ivo. "Naligaw ka pa, gaano ba kahirap para sa'yo na sumakay ng elevator at hanapin itong 4th floor?" Seryosong tinuran nito. "Eh, Sir nakalimutan ko po kasi kung saang floor ang office n'yo." Nagsinungaling na rin naman ako kaya pinangatwiran ko na. Beside hindi na rin naman magbabago ang tingin niya sa akin. Ang tanga tanga ko natitiyak ko na iyon ang isinisigaw ng isip niya. "Kaya ba sa itaas ka pa nanggaling?" Tumalikod na ito at gaya ng sinabi nito sinundan ko siya hanggang sa pribado niyang opisina. Nagulat pa ang babaing inabutan na namin doon marahil siya ang secretary ni Sir Rigo. "Sir?" Sinabi lang naman nito ang mga dapat kong gawin bilang assistant niya. Tapos tumayo ulit ito s'yempre kailangan ko na naman siyang sundan. Huminto ito at kinausap ang babaing marahil ay nasa middle 30's na ang edad. "Cindy I would like you to meet Aleyhandra, my new assistant. Ikaw na ang bahalang mag-guide sa kanya dito sa opisina. Nabigyan ko na siya ng instruction, p'wede siyang makatulong sa'yo kung may ipagagawa ka. I hope na magkakasundo kayong dalawa?" "Sa akin walang problema, ewan lang dito sa bagong babae mo!" Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa matapos sabihin iyon. Naipagkamali na naman yata ako, bakit ba lahat na lang yata napagkakamalan akong babae ni Sir Rigo? Siguro babaero ang lalaking ito. "Ms. Soriano, Ms. Soria.." "Ay, sorry po.." Kinakausap pala ako ni Ms. Cindy ng hindi ko namalayan. Medyo lumipad na naman kasi ang utak ko. "Bakit nakalutang ka pa yata kakayanin mo kaya ang trabaho dito? Baka naman mag-aalaga pa ako ng tatanga-tanga dito." Tila may halong pang-iinsultong saad nito. "Ms. Cindy, hindi mo pa naman ako nasusubukan bakit sinasabi mo na agad 'yan akin?" Alam kong siya ang secretary ng CEO pero hindi naman ibig sabihin nu'n p'wede na niya akong insultuhin. Lalo na kung ngayon pa lang ako nagsisimula. "Mahusay kang sumagot, sana nga mahusay ka rin pagdating sa trabaho. Dahil kung hindi, walang dahilan para manatili ka pa dito. Kahit si Rigo pa ang nagrecuit sa'yo. Hindi 'yan excuse sa akin para hindi kita tanggalin sa trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo?" "Maliwanag po ma'am, alam ko naman po ang mga limitasyon ko at umasa rin kayo na hindi ko gagamitin si Sir Rigo para magpalakas dito. Huwag kang mag-alala alam ko kung saan ako dapat lumugar at may isang bagay rin akong nais linawin. Gusto ko lang pong itama ang sinabi n'yo kanina. Dahil hindi po ako babae ni Sir Rigo kahit itanong n'yo pa 'yan sa kanya. Empleyado po ako sa Resort sa Cagayan de Oro, nagkaroon lang ako ng konting problema doon kaya tinulungan ako ni Sir na malipat dito. Yun lang 'yun!" Mahaba ngunit depenido kong paliwanag sa kanya, ayoko kasing isipin nito na may relasyon kami ni Sir Rigo lalo na ang isipin nito na sipsip ako. "Tama na 'yan, pagpasensiyahan mo na lang si Aleyha Cindy. Siguro naninibago pa siya at saka baka may trauma pa siya sa nangyari sa kanya sa Cagayan de Oro kaya medyo lutang pa siya." Nagulat man ako sa huling sinabi ni Sir Rigo pero hindi ko na lang ito pinansin. Beside, makikilala rin naman nila ako pagtagal. Patutunayan ko na lang na hindi siya nagkamali ng pagtanggap sa akin. "Well, ngayong magkakilala na kayo inaasahan ko talaga na magkakasundo kayo sa trabaho. Anyway, Cindy hindi ba may kailangang pirmahan si Ivo na mga papeles?" "Oo bakit? Pupunta ako du'n pagkatapos ko dito." Tukoy nito sa nakasalansang folder sa mismong table ng babae." Nanatili naman akong nakatayo habang nakikinig sa kanila. "Magmula ngayon si Ms. Soriano na ang maghahatid ng mga papeles o anumang transaksyon natin kay Mr. Sebastian. Since kilala naman niya si Ivo kaya hindi na siya maliligaw. Hindi ba Ms. Soriano?" Hindi ako sigurado kung utos ba ito o pagsubok. Pero bakit naman ako? "Rigo bakit kailangang siya ang..." "Mamaya ka na magtanong ibigay mo na lang sa kanya ang mga papeles na dapat pirmahan ni Ivo. Sige na, ngayon na siguradong nasa opisina na niya ngayon si Ivo sa mga oras na ito." Hindi na tumutol pa ang babae agad na kinuha ang folder na naglalaman ng mga papeles at inilagay sa ibabaw ng lamesa sa tapat ni Sir Rigo. Natahimik na lang ako hindi ko naman masabi na tama ito. Dahil nakasabay ko pa nga si Sir Ivo sa elevator. Hindi ko naman maaaring sabihin iyon dahil siguradong magmumukha talaga akong sinungaling. "Ms. Soriano narinig mo naman hindi ba ikaw ang magpunta sa opisina ni Ivo at papipirmahan mo lang naman ito. Ang gusto ko hintayin mo na matapos niyang pirmahan ito." Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ito ang gusto ni Sir Rigo. "Sir ako ba talaga ang magdadala niyan kay Sir Ivo?" Hindi naman sa tumututol ako pero.. "Hindi mo ba kayang sundin ang utos ko ng hindi nagrereklamo Ms. Soriano?" "Hindi po, I mean sabi ko nga ako na po ang magdadala nito kay Mr. Sebastian sa itaas po ba o?" Nagiging sinungaling na talaga ako. "Nasa 8th floor ang opisina niya madali lang iyon makita, ipagtanong mo na lang kung nalilito ka." "Copy po Sir!" Sagot ko na lang bahala na kapag naroon na ulit ako. "Okay kung ganu'n magkakasundo tayo at saka may isa pa sana akong gustong ipakiusap kung okay lang sa'yo?" Kahit may konting kaba sa dibdib ko. Bigla akong na-curious sa gustong ipakiusap nito. "Simple lang naman ang gusto kong gawin mo, pag-aralan mo ang mga kilos ni Ivo." Ngunit nabigla ako sa sinabi niya. Paglingon ko kay Ms. Cindy nakangiti lang ito na parang balewala lang ang sinabi ni Rigo. "A-ano pong pag-aralan, ibig n'yo po bang sabihin mag-eespiya ako?" Nalilitong tanong ko. "Aleyha, hindi naman totally magiging espiya ka. Ang gagawin mo lang naman kakabisaduhin mo ang mga galaw at kilos ni Ivo sa madaling salita kikilalanin mo lang siyang mabuti ganu'n lang.. Pero s'yempre irereport mo sa akin kung sakali mang may malalaman ka tungkol sa kanya malinaw ba 'yun?" Simple nga naman pero ang sumatotal espiya pa rin ang ganap ko. "Ah, hindi n'yo pa ba kilala si Mr. Sebastian, Sir?" Nagawa ko pang mamilosopo. Kasi naman parang may mali? "Magagawa mo ba o hindi?" "Okay po, ngayon na po ba?" "Ms. Soriano..." "Sabi ko nga po, pupunta na ako doon agad, ngayon na!" Maging ang ngiti ko ay mapagkunwari na rin.. Narito na ako may choice pa ba akong hindi sumunod? Lalo na ngayong wala na rin akong babalikan pa sa Cagayan de Oro. Saan ako pupunta? Hindi pa kami nagkikita ni Papa. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Papa ang nangyari sa akin. _ Deretso na ako sa elevator paglabas ko ng opisina ni Sir Rigo. Habang bumubulong! Pagtapat sa elevator awtomatiko pinindot ko ang arrow pataas sa loob naman ang numero otso. S'yempre alam ko na ang pupuntahan ko. Ngunit pagdating sa 8th floor medyo kinabahan pa rin ako. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa paglalakad.. "Saan kaya dito ang opisina ni Sir Ivo?" Palinga-linga ako habang naglalakad alam kong nandito lang 'yun. Pero saan at saka may sarili ba talaga siyang opisina? Pumipirma siya ng mga documento ibig sabihin nu'n may posisyon siya. Bakit kasi hindi ko na lang itinanong? Pero ilang hakbang pa nakita kong may gwardiyang nakatayo sa labas ng glass wall at natatabingan nito ang isa pang guard na nakaupo sa gilid ng entrance door. Nabuhayan ako ng loob kaya agad akong lumapit para magtanong sa mga guard. Ngunit bigla ako natigilan ng bumukas ang pinto ng entrance door iniluwa nito ang isang imahe na hindi ko maaaring ipagkamali kanino man.. Agad akong tumalikod upang kahit paano ikubli ang aking sarili. Kasabay ng hiling na sana hindi niya ako makita. Dahil hindi pa ako handang magpakita sa kanya ngayon.. "Sorry po, Papa.." ***** 07-18-25 @LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD