ELLAINA Tila hirap ako na matandaan ang lahat. Kanina sa gitna ng dagat ay naramdaman ko ang kakaibang pwersa na tila bumalot sa akin. Nang magising ako sa kubong iyon ay batid kong hindi na ako si Ellaina. Nabalot na ng tila yelo sa lamig ang buo kong pagkatao. Naguguluhan ako sa nararamdaman lalo na sa mga kasama. Sa utak ko ay may bumubulong; Come here, Assassin! Iyon ang sinasabi at tila alam na alam ko kung saang lugar ako pinapapunta ng tinig na iyon. Kating-kati ang aking mga paa na magtungo sa lugar na sinasabi ng aking utak ngunit paano ko gagawin iyon kung kasama ko sina Jarred? Pagkarating namin sa Mondejar University ay lalong lumala ang nararamdaman ko. Sinalubong kami ng isang babae at bakla na may hawak na sanggol. Sina Trixie at Maggi. Bakit ang hirap matandaan ng mga ito

