SMNH 29

1039 Words

MATIIM na nakatuon ang kanyang mata sa daan. Pupuntahan niya si Jackie sa tinutuluyan nitong bahay. Hindi tama ang ginawa nito na awayin ang bata. Dahil kay Jackie kaya nakakaisip ng iba si Wendy. Nalalason nito ang pag iisip ng bata. Pagkahinto ng sasakyan ni Sam sa gilid ng kalsada, kaagad siyang lumabas at pinuntahan ang bahay ni Jackie. "Jackie! Jackie!" Sigaw niya habang pumapasok sa tarangkahan ng gate. Humahangos naman na lumabas ng bahay niya si Jackie. Nabigla nang mabugaran si Sam sa labas ng bahay niya. "Sam, anong ginagawa mo rito? Halika, pumasok ka sa loob," kaswal na aya ni Jackie sa dating asawa. Kunot ang noo ni Sam na madilim ang mukhang tumingin sa babae. "Baka mahuli ako ng kalaguyo mo na nasa loob ng bahay mo. Mas gusto kong dito na lang tayo mag usap na dalawa."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD