UMUWI agad ng bahay si Wendy. Hiyang hiya siya sa loob ng mall. Halos pagtinginan sila ng mga tao dahil sa kaguluhang naganap sa pagitan nila ni Ma'am Jackie. Nilampasan niya si Uncle Sam na noo'y nasa nakaupo sa sopa. Dire diretso siya pataas sa hagdan at nagmamadaling pumunta ng kuwarto niya. Ramdam niya ang pagsunod ng mga mata nito sa kanyan. Kaagad na binitawan ni Sam ang tasa ng kape at sinundan si Wendy sa kuwarto nito. "Wendy... Wendy," tawag niya sa pangalan ng dalaga. Hindi ito sumagot. Sa pakiramdam niya ay may sama ng loon ang dalaga sa kanya. Hindi man lang siya binati nang makauwi ng bahay. Nilampasan pa siya. Muli niyang kinatok ang pinto ng kuwarto ni Wendy. Wala pa rin siyang natanggap na sagot mula sa dalaga. Nagmadali siyang pumunta sa kuwarto niya para kunin ang dup

