"KUMAIN ka lang ng kumain. Marami pa ito," ani Andrei. Napapatingin lang si Wendy sa binata at sa pagkain na nasa harapan niya. "Ang sabi mo pag uusapan natin ang tungkol sa magiging trabaho. Bakit 'di mo na simulan na sabihin?" Pinapatagal pa nito. Ayaw niya sana talagang sumama kay Andrei. Pero hindi niya matanggihan ang binata. "After we finish eating, I'll tell you. But first, let me eat my food. You should eat too. The food will get cold," Andrei replied while busy eating. Napabuntong hininga lang si Wendy. Napatingin siya sa kanyang relo. Mag-five na ng hapon. Tiyak na hinihintay na siya ni Uncle Sam. Lumipas ang tatlumpung minuto, tapos na silang kumain. Nakatingin at naghihintay lang si Wendy kay Andrei. "As I was told, kanina. Kung papayag ka na maging assistant ko. Every

