PAGLABAS ni Elli ng Dean’s Office ay nagulat siya dahil sinalubong siya kaagad ni Ash. “Oh, anong nangyari? Anong sabi nila? Bakit ganiyan kalungkot ang mukha mo?” nag-aalala at sunud-sunod na tanong nito. “Eh kasi, Ash,” malungkot na simula niya sa kaibigan. “Bakit ba kasi? Ano bang problema mo? Maayos ba o hindi?” nauubusan na nang pasensiya na usal nito. “Ang totoo kasi niyan, si Nikka pala ang nag-utos kay Patrick na gawin ‘yon sa ‘kin, sa kaniya galing ‘yong notes na inilagay ni Patrick sa booklet ko. Siya ang mismo ang pumilas no’n sa notebook ko kaya nagkaroon ng kopya si Patrick at mayroon din siyang sulat na ibinigay kay Patrick at doon nakalagay ‘yong instruction ng gagawin niya,” mangiyak-ngiyak na paliwanag niya sa kaibigan. “Ayan na nga ba kasi! Tama talaga ‘yong pakiramd

