“ANO BANG problema mo, Zayd? Bakit ba sinabi mo kay Ash na boyfriend kita? Akala ko ba sa harapan lang ‘yon ng Papa mo!?” hindi makatiis na kompronta niya sa binata nang nasa harapan na sila ng sasakyan nito. “Kaibigan mo lang ba talaga ‘yon? Eh, bakit kung umasta ‘yon akala mo kung sino?” balik na tanong naman nito sa kaniya at parang mas galit pa ito kaysa sa kaniya. “Kaibigan ko siya kaya siya gano’n!” bulyaw naman niya rito. Hindi na talaga niya maintindihan ang ikinikilos nito. “Hindi gano’n umasta kung kaibigan lang ang tingin niya sa ‘yo, Elli! Kaya alam mo hindi ako naniniwala na kaibigan lang ang turing sa ‘yo no’n! Lalaki ako kaya alam na alam ko ang ikinikilos ng lalaking ‘yon!” Galit na bulyaw pa rin nito. “Eh, ano bang ikinagagalit mo riyan, Zayd? Hindi rin naman kita boyf

