NAPATULALA si Elli nang makita na ang bulto ni Zayd ang iniluwa ng pintuang ‘yon.
“The Admin has already changed their decision,” walang emosyon na wika ni Zayd.
“Anong ginagawa mo rito, Mr. Montecildez?” nagtatakang tanong ni Dean sa binata.
“Di mo ba narinig yung sinabi ko? Nagbago na ang desisyon ng Admin kaya bawiin mo na rin ‘yong suspension na sinasabi mo sa kaniya,” matigas na ulit ni Zayd sa unang sinabi nito. “Nakausap ko na sila, at dapat siguro muna silang gumawa ng imbestigasyon sa nangyari bago sila gumawa ng anumang aksyon.”
Kitang-kita niya ang gulat na rumishistro sa mukha ni Dean pero parang hindi pa ito naniwala sa sinabi ni Zayd kaya dinampot nito ang intercom na nasa harapan nito at kinontak ang office ng School Admin.
At mukhang totoo nga ‘yong sinabi ni Zayd dahil mabilis na nagbago ang expression ng mukha nito. Ibinaba nito ang intercom saka seryosong tumingin sa kaniya.
“Pasensiya na, Ms. Sandoval, kung nakapagbaba agad kami ng gano’ng desisyon without investigating this matter. Iyon din ang gustong ipasabi ng Admin sa ‘yo,” paghingi ng paumanhin nito sa kaniya. “Ipapatawag ka na lang ulit namin kapag nagkaroon ng development ang issue mo na ‘to pero as of now pinatanggal na ng School Admin ‘yong video mo na kumakalat sa school website. Pwede ka nang bumalik sa klase mo, Ms. Sandoval.” Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi nito.
“Thank you po, sir!” nakangiti nang usal niya bago tuluyang humakbang palabas ng office nito.
Hindi niya maiwasang mapatingin kay Zayd at nakatingin lang din ito sa kaniya. Hanggang makalabas siya ng pintuan ay hindi ito tumitinag mula sa kinatatayuan nito. At dahil wala pa naman siyang klase ay hinintay na muna niya ang binata.
Kahit paano gusto niyang magpasalamat dito dahil kung hindi ito dumating baka natuloy ‘yong two weeks suspension niya at kung mangyayari ‘yon mawawalan siya ng chance na maging summa c*m laude for that batch. Isa pa, hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa magulang niya ‘yon. Ni wala nga siyang boyfriend tapos malalaman ng mga ito na may kumakalat siyang video na may hinahalikan siyang lalaki. Although, hindi naman ‘yon halikan pero jusme ano ang sasabihin ng Mama at Papa niya baka atakihin pa ang Papa niya sa gulat.
Napaangat siya ng tingin nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Iniluwa naman no’n si Zayden kaya sinalubong niya ito kaagad.
“Thank you, Zayd.”
“Hindi mo kailangan magpasalamat. Ako ang may kasalanan ng lahat kaya siguro dapat lang na ako rin ang umayos no’n,” walang emosyon pa rin na sabi nito pero napatango na lang siya sa sinabi nito.
“Paano mo pala nalaman?”
“Nasa school website ka na nga ‘di ba?”
“Ay, oo nga pala ‘no,” napakamot na lang siya ng ulo habang alanganing nakangiti rito. “Pero paano mo pala nabago yung desisyon no’ng admin?” di makatiis na tanong pa rin niya sa binata.
“Wala naman silang magagawa kapag sinabi ko, eh.”
Nagtataka man ay hinayaan na lang niya, mabuti na rin iyong ganoon ang nangyari kaysa natuloy pa ‘yong suspension niya. Nakakasama ng loob iyong ganoon na two weeks siyang suspended samantalang wala naman siyang ginagawang masama.
“Pero, Zayd, salamat pa rin, kundi dahil sa ‘yo baka suspended ako for two weeks. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko at mukhang ihaharap ko sa parents ko kapag nalaman nila ‘yong nangyari.”
“Hindi mo kailangang magpasalamat sa ‘kin. Ako ang may kasalanan kung bakit ka pa nadamay sa problema na ‘to na hindi naman dapat. Kung hindi kita pinilit iakyat sa penthouse hindi naman ‘yan mangyayari,” naiiling na sabi nito. Pero she somewhat feels his sincerity.
“Pero kung hindi mo ako pinilit baka patay ka na ngayon,” biro naman niya sa binata kaya natawa ito. It was her first time seeing him smiling like that, well, guwapo pala talaga ito kapag ganoong ngumingiti ito.
“Simula na ba ang klase mo?” biglang seryosong tanong nito sa kaniya.
Nagtataka man pero tumingin siya sa wrist watch na suot niya. “Hindi pa naman. Two hours pa vacant time ko, bakit?”
“For the meantime samahan mo na lang muna ako.” Ang tunog no’n para itong humihingi ng pabor sa kaniya.
“Bakit ginugulo ka na naman ba ng mga babae mo?” hindi maiwasang biro niya rito at muli niyang nakita ang ganda ng ngiti nito. “Tara na, sasamahan na kita,” sabi niya sabay angkla ng kamay niya sa braso nito ay inaya ito palayo roon, nagulat naman ito pero sinabayan na lang nito ang paglakad niya. “Alam mo kasi ang totoo niyan…” pabulong na wika niya habang naglalakad sila. “Kanina pa kasi ako pinagtitinginan doon, gumanito ako sa ‘yo kasi para kahit paano maitago ko ‘yong mukha ko. Nakakahiya kasi ‘yong nangyari kahit hindi naman talaga ‘yong iniisip nila ‘yong nangyari, ‘di ba? Na-gets mo ba?” nagtatakang tanong niya rito dahil nakatingin lang ito sa kaniya.
Isang maliit na ngiti lang ang ibinigay nito sa kaniya na ikipinagsalubong ng kilay niya.
Nang ibaling niya ang tingin sa dinadaanan nila ay nakatingin na naman sa kaniya ang mga estudyante, kulang na lang ay itago niya ang sarili sa loob ng damit ni Zayd dahil sa hiya na nararamdaman niya.
“Bilisan mo na lang ang paglakad,” natatawang sabi nito dahil maya’t maya ang takip niya sa mukha niya. “Saka alam mo mas halata ka dahil diyan sa ginagawa mo,” naiiling pa na dagdag nito.
Binilisan niya ang paglalakad at sinamaan pa niya ito ng mukha.
“Saan ba tayo pupunta?” hindi na makatiis na tanong niya rito dahil padami na nang padami ang estudyante na nakatingin sa kanilang dalawa. Pakiramdam tuloy niya siya ang pinag-uusapan ng lahat.
“Malapit na tayo, huwag kang mag-alala,” naiiling pa rin sabi nito pagtapos ay pumasok sila sa isang building. At napanganga siya sa structure ng building na ‘yon dahil may malaking letter Z ‘yon sa harap. At pagpasok nila sa loob ay para silang nasa outer space.
Color black ang ceiling at walls at punong-puno iyon ng nagkikinangan na mga star.
“Wow!” hindi mapigilang bulalas niya. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang interior design sa loob noon. May maliit na lobby pagpasok at mukhang high-tech ang mga gamit na naroon. “Zayd ang ganda naman dito!”
“Mom ko ang nag-design ng building na ‘to. Sa kaniyang idea ang lahat ng nakikita mo.”
“Wow! Ang galing naman ng Mama mo. Alam mo pangarap kong makagawa ng unique design, nai-inspire naman ako sa Mama mo.”
“Di mo ba ako nakikilala?” tanong nito na ikinakunot ng noo niya.
“Hindi ba ikaw si Zayd?” balik tanong niya rito at sa gulat niya ay sa halip na sumagot ay isang malakas na tawa ang ibinigay nito sa kaniya.
“Hindi ‘yon. Pero parang hindi mo nga ako kilala. Bago ka lang ba rito sa school?”
“Hindi naman. Dito na rin ako nag-first year college.” Napatango naman ito.
Doon niya bigla naalala na tinawag ito ni Mr. Matipot na Mr. Montecildez kaya naman biglang nanlaki ang mga mata niya. “Ang ibig sabihin kayo ang may-ari ng school?!” Gulat na gulat na tanong niya at natutup pa niya ang bibig.
Natawa naman ito ulit sa reakyon niya. “Ngayon mo lang ‘yan na-realize?”
“Oo?” parang hindi pa siya sigurado sa sagot niya dahil talagang ang slow niya sa part na ‘yon. Nawala sa isip niya na ito ang may-ari ng penthouse ng Hotel de Montecildez at malamang ito rin ang may-ari ng school.
May pinindot itong button sa wall at dahil madilim ang paligid hindi niya alam kung anong sunod na mangyayari. Nagulat siya dahil biglang bumukas ang wall at elevator pala ang nasa likuran noon. ‘Yong design no’ng elevator parang spaceship.
Nagmumukha na siyang tanga kaka-wow niya sa mga nakikita niya roon sa building na ‘yon nila Zayd.
“Tara sakay na,” natatawang aya nito sa kaniya.
“Masyado akong mukhang ignorante ngayong araw, Zayd,” natatawang sabi na rin niya sa binata nang makasakay na sila ng elevator.
Pagbukas ng elevator ay sa rooftop sila ng building na ‘yon bumaba. Sobrang layo ng concept sa loob ng building na ‘yon sa nasa rooftop. Dahil para silang nasa taas ng building sa Dubai, iyon bang nasa ibabaw ng building ‘yong result. Yeah, gano’n na gano’n ang concept.
“Dito ako madalas tumambay kapag wala akong klase o wala akong ginagawa,” pukaw nito sa atensyon niya pero mas nakapukaw sa atensyon niya ang lungkot sa boses nito. Nag-aalangan naman siyang itanong dahil parang masyado namang personal.
“Alam mo ngayon ko lang na-realize na totoo palang malaki ang school na ‘to,” sabi niya at salubong ang kilay nito nang mapatingin sa kaniya. “Sa apat na taon ko kasi rito sa University ngayon ko lang nalaman ang building na ‘to at ngayon lang din kita nakilala.”
“Compliment ba ‘yan or what?” natatawang sabi nito. “Kasi gumulo ang mundo mo ng magkakilala tayo, ‘di ba?”
“Sort of,” natatawang biro din niya rito.
Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit pakiramdam niya ang gaan na agad ng loob niya sa binata, siguro dahil nakikita niya ang pagkatao ni Ash dito. Well, magkaiba naman sila in terms of look, medyo kayumangi kasi ang kulay ni Ash pero magkasingtangkad at sa kaguwapuhan siguro hindi naman sila nagkakalayo. Ang malaking kaibihan lang nila ay may kani-kaniya silang itinatago, si Zayd hindi niya alam pero si Ash alam niya ang gender preference nito.
“ELLI!” sabay silang napatingin ni Zayd sa baritonong tinig na ‘yon.
“Oh, Ash,” nakangiting salubong niya sa kaibigan pero hindi maipinta ang mukha nito.
“Paano ka nakapasok dito?” nagtatakang tanong naman ni Zayd.
“Pakiramdam ko kasi may pintuan sa baba?” sarkastikong tugon naman nito.
“I mean, you are not authorized to come in!” napipikon namang wika ni Zayd.
“Hindi ka rin naman authorized na isama si Elli rito hindi ba?”
“Ah, pumayag naman akong sumama sa kaniya rito, Ash.” Kaya galit naman itong bumaling sa kaniya.
“Hindi ka pa rin ba nadadala, Elli! Ang dami ng gulo ang dumating sa ‘yo simula ng makilala mo sa prom ‘yang lalaki na ‘yan,” sermon naman nito sa kaniya kaya hindi na siya nakakibo. “Tara na,” pagtapos ay mabilis siyang hinila nito pero bago pa sila makalayo ay mabilis din siyang nahawakan ni Zayd sa kabilang kamay niya.
Masamang tingin ang ibinigay rito ni Ash. “Bitiwan mo siya,” matigas na sabi ng kaibigan niya kay Zayd.
“Ikaw ang bumitiw sa kaniya,” pagmamatigas din ni Zayd.
Naguguluhan na nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaking kasama.