Chapter 13 - All Of Me Ayaw mabura ng ngiti ko kahit na tapos na ang meteor shower. Ang saya-saya kasi sa pakiramdam, nakaka-enjoy lalo na't madalang lang na magkaganon, at sana matupad lahat ng mga niwish ko. I sighed pagkatapos ay aamba na akong tatayo datapwa't pinigil ako ni Jacob. Hinawakan nya ang siko ko, dahilan yun para mapatigil ako. Nagbaba ako ng tingin sakanya na ngayon ay nakatingala lang sa akin. "Uwi na tayo," I declared but he just shook his head. "Dito muna tayo," utas nya. Pinagbigyan ko ang hiling nya. Umupo ulit ako sa tabi nya, at sya naman ay mas lalong sumiksik sa akin at inakbayan ako ng napakahigpit. "Bakit pala ayaw mupang umuwi Jacob?" Tanong ko sakanya at hinarapan ko sya. "W-wala lang, gusto ko lang na dito muna tayo.." Sagot nya sa napakahinang tono. Bi

