Chapter 12 - Meteor Shower "Dahan-Dahan naman," daing ni Jacob habang concentrate kong shine-shave ang mga maliliit nyang balbas at bigote. Tulad nga kasi ng pinagusapan namin kanina ako ang pina-shave ng kanyang balbas at bigote. Ngumiwi ako ng konti. "Dinadahan-dahan ko naman e, ito na malapit na," concentrate kong sabi. Ngumiti naman sya bigla at hinila nya ako habang nakahapit sa aking bewang. Napanganga ako dahil sa gulat. "Jacob," suway ko. Ngunit hindi nya ako pinakinggan. Pilyo lang syang ngumisi, at pinahiran ako ng shaving cream sa pisngi. "Nababaliw kana naman." Pinandilatan ko sya ng mata sabay kurot ko sakanyang tagiliran. "Aray!" Agad syang napadaing. Inayos ko ang tayo nya. "Tumigil ka kasi, wag kang malikot.." May awtoritad kong sabi, ang gulo-gulo nya kasi e. Kanina p

