Chapter 11 - Jasmine Hindi na namin pinatagal ni Jacob na sabihin kay lolo ang tungkol sa relasyon namin. Ayaw naming magtago dahil alam naming napakahirap nun dahil sa iisang bahay lang kami nakatira, at isa pa baka magalit pa si lolo kung itatago namin sakanya. Kaya minabuti na naming aminin. Sa una ay hindi sya makapaniwala, pero si Jacob ang nagpaliwanag at pinangakuan nya si lolo na hindi nya ako iiwan at sasaktan. Bagamat kahit mapait na tanggapin ito ni lolo, kalaunan ay wala din naman syang nagawa. Batid nya sigurong nagmamahalan kami, at ayaw nyang magpaka-kontrabida. Mabait si lolo, no doubt about that. Ang kanya lang ay natatakot sya na baka kapag bumalik na ang orihinal na memorya ni Jacob ay iiwan nya din ako at babalik sakanyang nakaraang buhay. Sa huli ay inintindi at pi

