Chapter 10 - My Heart Give In Kinabukasan ay tinupad ko nga naman yung paanyayang friendly date ni Rain. Panay kasi ang kulit nya e, kaya ayun, pinayagan ko na. "Saan ang lakad mo apo?" Untag ni lolo, pagkakita nya sa akin dito sa sala na abalang nagpa-plantsa ng buhok. Sasagot pa lamang sana ako, subalit biglang sumingit si Jacob. "Makikipagdate daw sya," sabi nya, talagang he gave emphasis sa word na 'date'. Tingin nya siguro papagalitan ako ni lolo. "Date? Kanino ka naman makikipagdate?" kunot-noong tanong sa akin ni lolo. I glare at Jacob, pero mas malala ang pagsimangot nya. Matama nya din akong pinagmamasdan. "Magbo-bonding lang kami ng kaibigan ko, si Rain? Naaalala mo pa ba sya lo?" Ngumisi ako, at humarap muli sa salamin. "Ah, yung kaklase mo noong college yun, hindi ba?" Sa

