Chapter 26 - Only A Stranger Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Russel kung bakit bigla nya na lang akong tinext. Kahit nasa trabaho na ulit ako ay panay parin ang pangungulit nya at pagtetext ng mga kung ano-ano. Hindi ko sya ni-rereplayan dahil masyadong busy. Kada dungaw ko yata sa phone ko ay may text galing sakanya. Nang tapos na ang trabaho ko ay dun pa lang ako nagkaroon ng oras upang basahin lahat ng mga text nya. Natatawa ako at napapailing nalang sa tuwing may text syang kabaliwan. Nag tipa ako ng reply. Habang naglalakad ako sa hall. Ako: Ba't kaba text ng text sir? Pagkasend ko, wala pa yatang dalawang minuto ay nakapagreply sya kaagad. Russel: Wala lang. Pauwi kana ba? Ako: Oo bakit? Biglang nagring ang phone ko, at laking gulat ko nang makita ko na sya

