Chapter 27 - Balot "Tita ayaw ko na kay kuya Jacob! Hindi ko na sya bate!" Nagngingitngit na sabi ni Landon nang umiwas na kami kay Jacob. Masama ang loob nya dahil nga sa ginawang pagtataboy sa amin ni Jacob kanina. Hindi ko alam kung pano ipapaliwanag dito kay Landon ang sitwasyon ni Jacob ngayon. "Wag kanang magalit sakanya," banayad kong sabi but he just only frown. Talagang galit sya. Humalukipkip sya't bumulong-bulong. "Basta magsimula ngayon, ayaw ko na sakanya!" Pinakalma ko sya tsaka ko hinawakan ang kanyang kamay. "May nangyari kasi sakanya, kaya hindi nya na tayo maalala," paliwanag ko, ngunit alam kong hindi klaro sakanya, ni hindi nya alam panigurado ang 'amnesia' e. "Ano bang nangyari sakanya tita? Bakit ang bad-bad nya na ngayon?" Untag nya, kuryoso. Napasinghap ako.

