“I’M ASKING you, Kricel. Ilang buwan na iyang tiyan mo? Magsabi ka ng totoo,” may pagbabantang saad ni PJ. Napalunok ang dalaga. Umiwas siya ng tingin kay PJ. Hindi nito dapat malaman ang totoo. “Two months na,” pagsisinungaling niya. Pumalatak si PJ. “You’re lying. Hindi two months iyang tiyan mo. Baka four months na iyan.” Nanlaki ang mga matang nilingon ni Kricel si PJ. Paano nito nalaman iyon? Saan nito nakuha ang ganoong impormasyon? Sila lang ng ate niya ang nakakaalam ng totoong kalagayan ng ipinagbubuntis niya. “What makes you say so? Ako itong may katawan kaya alam ko kung ano ang totoo,” pagmamatigas niya. Hindi niya gustong malaman ni PJ ang katotohanan. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Napaismid si PJ. “I can pull some strings just to get the truth. Simple lang

