“ANG BLOOMING yata natin ngayon, ah. Siguro may nagpapaganda sa iyo, ano?” panunukso ng dating supervisor nina Leamor nang makasalubong niya ito sa hallway. “Salamat po, ma’am,” nakangiting tugon ni Leamor. “Ilang buwan lang kitang hindi nakasama sa department, ganyan ka na ngayon. Umamin ka nga, may boyfriend ka na ba?” Napakagat-labi si Leamor. Paano ba niya sasagutin ang tanong ng dati niyang amo? Kapag sinabi niyang wala, siguradong hindi ito maniniwala. Hindi rin naman niya maitatatwang may nagbago sa kanya magmula noong maging sekretarya siya ni Joel.Hindi lang trabaho niya ang nagbago, pati na rin ang environment niya. Idagdag pa iyong katotohanan na hindi lang simpleng boss-empleyado ang namamagitan sa kanila ng may ari ng Belarmino Enterprises. Pero hindi naman niya puwedeng

