Chapter 3 - My Secretary

2042 Words
“SIR, parang awa n’yo na. Patawarin po ninyo ako. Sorry na po,” pagmamakaawa ng dalagang intern. Naiiyak na ito. Ngunit hindi inaasahan ni Joel ang sumunod nitong ginawa. Bigl ana lang itong lumapit sa gilid ng mesa niya saka lumuhod. “Sorry na po, sir. Hindi ko na po uulitin.” Nanginginig ang boses nito habang nakayuko. Napansin din niyang nagpupunas na ito ng mata. Huh? Umiyak talaga siya Sa totoo lang, nati-turn off si Joel sa mga babaeng umiiyak o iniiyakan siya. Hindi siya ang tipo ng taong nadadaan sa iyak. Sa mga nakarelasyon niya, kapag iniyakan na siya ng babae, iniiwan na rin niya ito. Ayaw niya kasing iniiyakan siya. Pakiramdam niya, nagda-drama lang ang babae at ginagamit nito ang luha para mapaamo siya. Pero iba ang nararamdaman niya sa babaeng ito. Parang may kumurot sa puso niya habang nakatitig siya rito. Dati naman, hindi siya apektado kahit umiiyak o humahagulgol ang isang babae sa kanya. Kaya lang ngayon parang hindi niya kayang balewalain ang tahimik na pagluha ng babae. Alam niyang umiiyak na ito kahit hindi niya nakikita ang mukha nito. Ilang beses na kasi itong nagpahid ng palad sa mukha. Hindi niya maiwasang makonsensiya. Hindi naman kasi dapat sabihin na maghubad ito. Nainis lang siya kasi ito mismo ang bumangga sa kanya. Pero dahil ito ang bumagsak, siya na ang may kasalanan. Sinabihan pa siyang bastos at manyak. Hindi naman niya sinasadyang makita ang itinatago nitong tumatakip sa kayamanan nito. Alangan namang pumikit siya, magtakip ng mata o umiwas ng tingin. Hindi naman niya inaasahang sa pagbagsak nito ay bubulaga sa kanya ang itinatago nito. Tapos malalaman niyang dito pala sa opisina niya magtatrabaho ang babae. Huminga siya nang malalim saka muling lumingon sa babae. “What’s your name?” malamig ang boses na tanong niya. “Leamor Manlutac, s-sir.” “Stand up, Miss Manlutac.” Dahan-dahan namang tumayo ang babae. “T-thank you po, s-sir,” wika nito nang makatayo na at mapatingin sa kanya. Namumula pa rin ang mga matai to. May nagbabadya pang luha roon. “Bakit ka nagpapasalamat? May atraso ka pa sa akin.” “P-Po? A-Ano po ang ipagagawa ninyo, s-sir?” Napangiti si Joel. “Naka-leave ang secretary ko kaya ikaw muna ang papalit sa kanya.” Balak sana ni Joel na mag-hire ng bagong secretary niya. Pero nang makita niya ang babaeng ito, nagbago ang isip niya. Ito na lang ang gagawin niyang secretary. “P-Po? T-Totoo po ba iyon, sir?” Napadilat nang husto ang babae. Hindi pa yata naniniwala sa sinabi niya. “You heard it right, Miss Manlutac. Starting today, you will be my secretary. Do you have any problem with that?” Napailing si Miss Manlutac. “W-Wala po, sir. Thank you po at napatawad na ninyo ako.” Nakangiti na ito sa kanya. “Okay. But next time, watch your words especially if you don’t know whom you are talking with.” “Yes, sir.” “Alright, you may now go to my secretary’s table. Check my schedule and appointments.” “Sige po, sir. Pero magpapaalam po muna ako sa supervisor ko at kukunin ko iyong aking mga gamit.” “Sure.” Muling napangiti ang bago niyang sekretarya. “Thank you again, sir. Ang bait po pala ninyo,” wika nito bago umalis sa harapan niya. Napaismid si Joel. Nanibago siya sa papuring sinabi ng dalaga. Ngayon lang may nagsabi na mabait siya. Kadalasan kasi masungit at istrikto ang naririnig niyang description ng mga tao sa kanya. Si Leamor pa lang ang nagsabi na mabait siya. He was never really kind. Being kind is not his character. Ruthless or strict is a more appropriate description for him. Hindi bagay sa mga businessman na katulad niya ang maging mabait.Walang mabait sa mundong ginagalawan nila. Kaya sila nakatatagal sa mundo nila dahil malalakas ang loob nila at hindi sila nagpapatalo. Nanlalamang pa nga ang iba na katulad niya kaya malayong maging mabait. Pero nakapagtatakang iyon ang nakita ni Leamor sa kanya. Tsk…tsk…tsk. Ibinalik na lang ni Joel ang atensyon sa laptop na nasa harapan niya. Ilang minuto na ang lumipas nang bumukas ang pinto sa opisina niya. Akala niya ay si Leamor iyon. Kaya hindi na niya ito nilingon pa. “Have you seen my appointment?” usisa niya habang ang mga mata ay nakatutok sa screen ng laptop. “What kind of appointment are you talking about?” Nagkasalubong ang mga kilay ni Joel nang maisip na ibang tao pala ang pumasok at hindi ang bago niyang sekretarya. Agad siyang nag-angat ng tingin. “Patrick James Alvarez? What brought you here, bro?” Makalipas ang ilang buwan ay muli silang nagkita ng kaibigan niya. Magkaibigan na sila simula pa noong nasa high school sila. Bale tatlo sila - siya, si PJ, at si Kentt. Parehong nasa pagnenegosyo ang linya nila ni PJ. Samantalang isa namang surgeon ang kaibigan nilang si Kentt. Pero may balita sila na magiging presidente rin ito ng Medical City kapag nagretiro ang ama nito. Hindi agad sumagot ang kausap niya. Lumapit muna ito at umupo sa visitor’s chair na nasa harapan niya. “Wala naman. Binibisita lang kita, bro. May kausap kasi akong kliyente sa kabilang building kaya naisip kong bumisita na rin sa iyo. Kumusta naman ang kompanya mo?” “Belarmino Enterprises is doing good. How about you? Kumusta ang K and R Resorts?” “Of course, K and R is still on top. Alam mo na, maraming kamay at pera ang gumagalaw kaya malaki rin ang kita.” Napatang-tango si Joel. “Mabuti naman at nakadalaw ka rito.” Bihira na kasi silang magkita dahil malayo ang opisina ng K and R. Saka madalas ay nasa labas ng bansa ang kaibigan niya dahil ang mina-manage nitong resort ay nasa Malaysia. “Of course! Kapag nandito ako sa Pinas at may time naman ako, ikaw at si Kentt ang paborito kong dalawin bukod sa mga kasosyo ko. So, kumusta ka naman?” “I’m good.” “Nice. Hindi ka pa ba naiinip sa pagiging single? Kailan ba kayo mag-aasawa ni Kentt? O may balak pa ba kayong mag-settle down? Lagpas kalendaryo na kayong dalawa, ah.” Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. “Wow! May expiration date ba ang pag-aasawa? Anong magagawa ko kung wala pa si Miss Right?” Humalakhak si PJ. Gustong mainis ni Joel sa reaksyon ng kaibigan niya. Pero pinalampas na lang niya ito. Palibhasa kasi may asawa na ito. Katunayan, pangalawang asawa na nito si Helena. May naunang asawa ang kaibigan niya pero naghiwalay sila. Asawa na ng kakambal nitong si Phoenix ang dati nitong asawa na si Jenezel. Napaka-complicated nga ng buhay may-asawa ng kaibigan. Sana lang hindi iyon mangyari sa kanya. “Si Miss Right talaga ang hinihintay mo?” natatawa pa ring tanong ni PJ. “Sorry, bro. Pero ayokong matulad sa iyo. Gusto ko sa iisang babae ko lang ibibigay ang apelyido ko,” katuwiran niya. Naglahong bigla ang masayang imahe ng kaibigan niya. Nasaktan yata ito sa sinabi niya. “I understand. Hindi rin naman maganda iyong naging experience ko. Pero ganito siguro talaga ang kapalaran ko sa buhay. Walang nakalaan na Miss Right para sa akin. At least kayo ni Kentt, may pag-asa pa na makilala ang babaeng pinapangarap ninyo.” Napakamot ng kanyang batok si Joel. Nagsisintimyento na naman ang kaibigan niya. “Bakit? Hindi ba si Helena ang Miss Right mo?” Bahagyang umiling si PJ. “I don’t think so. But I can’t complain. I owe her a lot. Kung hindi dahil sa pagtitiyaga niya sa akin, baka wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Alam mo naman kung ano ang nangyari sa akin dati.” Tinapik ni Joel ang balikat ng kaibigan. “Kalimutan mo na iyon. Matagal nang natapos ang chapter na iyon ng buhay. Ang isipin mo ay kung paano kayo makabubuo ng sarili ninyong pamilya ni Helena. Sabi mo nga, lagpas kalendaryo na tayo nina Kentt.” Nagpakawal nang malakas na buntunghininga si PJ. “Isa pa iyan sa pinoproblema namin ni Helena. Mag-iisang taon na kami pero wala pang nabubuo. Gusto ko nang isipin na ako ang may diprensiya kaya hindi kami magkaanak. Nagkaanak naman kasi sina Jenezel at Phoenix.” “Hindi naman siguro. Baka kailangan lang ninyong maghintay. LDR naman kasi kayo ng asawa mo kaya siguro mahirap makabuo.” “Iyan nga rin ang naiisip kong dahilan. Pero gusto ko na kasing magkaanak kami. Baka sakaling mas maging masaya ang pagsasama namin kapag may bata kaming inaalagaan.” May punto ang kaibigan niya. Hindi naman talaga magandang tingnan na walang anak ang mag-asawa. Kaya nga kahit siya ay gusto ring magkaanak agad kapag nag-asawa siya. Pero wala pa naman siyang pakakasalan kaya hanggang pangarap lang muna ang magiging anak niya. “I agree with you. Pero nag-usap na ba kayo ni Helena tungkol sa pagkakaroon ng anak? Ano naman ang sinabi niya?” “Noong una, ayaw muna niyang magka-baby kami. Pero lately, na-realize niyang kailangan na naming magkaanak. Thirty na rin kasi siya. Ilang taon na lang ay delikado na para sa kanya ang magbuntis kaya minamadali na namin.” Pumalatak si Joel. “Sana nga magkaroon na kayo ng junior sa lalong madaling panahon.” “Yeah, sana nga.” “Anyway, can I offer you anything? Coffee? Water? Or wine?” “Coffee will do.” Tinanguan ito ni Joel. Kinuha niya ang telepono sa tabi ng mesa niya “By the way, nasaan iyong secretary mo? Hindi ko siya nakita sa labas, ah. Akala ko nga wala ka rin dito. Akala ko lumabas kayong dalawa.” Napailing-iling si Joel. “Nag-leave iyong secretary ko kaya kumuha muna ako ng intern na papalit sa puwesto niya habang hindi pa siya nakababalik.” “Ah, okay.” Pagkatapos kong mai-dial ang numero ng telepono sa mesa ng dati kong sekretarya, hinintay kong may sumagot. “Hello!” Ang lamig ng boses niya. “Leamor, ikaw ba iyan?” “Yes, sir. May kailangan pa po ba kayo bukod sa appointment na hinihingi ninyo? “Well, aside from the organizer, please bring a cup of black coffee here.” “Okay, sir. Dadalhin ko po diyan agad.” Nagpaalam na si Leamor kaya ibinaba na rin niya ang telepono. “Who is Leamor?” “Siya iyong intern na magiging secretary.” Napatango si PJ. Ilang minuto rin kaming natahimik. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at pumasok si Leamor. “Hello, sir!” Inilapag niya sa mesa ang dala niyang tray na may kape. “Pakibigay kay Mr. Alvarez ang kape.” Inilapit naman ni Leamor ang kape sa tabi ni PJ saka niya ako binalingan. “Heto po iyong appointment ninyo ngayon.” Ibinaba niya ang organizer sa harapan ko. “Thanks. Pakihanap nga itong mga file sa cabinet tapos dalhin mo sa akin.” Inabot ko ang isang page ng notepad kung saan nakalista ang ipinapahanap ko. “Okay, sir.” Tumango pa si Leamor sa akin at maging kay PJ bago siya lumabas ng opisina ko. “So, iyon ang bago mong sekretarya?” “Yeah,” sagot ko habang nakatingin sa organizer na iniwan ni Leamor. Inayos iyon ng dati kong sekretarya kahapon bago siya umalis. “Bagay kayong dalawa. Siguradong maganda at guwapo ang magiging anak ninyo.” Kunot-noong binalingan ko si PJ. “Ano iyong sinabi mo?” “Iyong sekretarya mo na lang ang pormahan mo. Bagay naman kayong dalawa,” nangingiting saad niya. Napatiim bagang ako pero tinawanan lang niya ako. “Siraulo ka ba? Bawal ang magkarelasyon dito sa kompanya ko. Ayokong maalis sa pagiging CEO dahil lang pumatol ako sa empleyado ko,” mahinahon kong saad. Batas na iyon na umiiral bago pa man ako maging CEO ng kompanyang minana ko pa sa mga ninuno ko. Pumalatak si PJ. “Sayang naman. Bagay pa naman kayong dalawa. Baka naman puwede mo nang palitan ang batas na iyon dahil ikaw na ang CEO ngayon.” Hindi ako nakaimik. Kahit na noong nakaalis na si PJ ay pinag-iisipan ko pa rin ang sinabi niya. Oo nga, maganda si Leamor. Pero ngayon lang kami nagkita. Paano ko malalaman na siya si Miss Right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD