NAGISING si Kentt sa ingay ng cellphone niya. Kahit nakapikit pa rin siya, pilit niyang kinapa sa side table ang kanyang cellphone. Ngunit napilitan siyang magmulat nang hindi niya makapa ang cellphone niya. Napamura siya nang mapansin na wala siya sa sarili niyang kuwarto. Mukhang nasa ibang lugar siya. Patuloy pa rin sa pag-iingay ang cellphone niya kaya siya nagmamadaling tumayo para lang magulat sa nakita niya. Wala siyang saplot sa katawan! Hubo’t hubad siya! Paanong nangyari ito sa kanya? Gusto sana niyang umupo at mag-isip muna pero hindi tumitigil sa pag-iingay ang cellphone niya. Wala na siyang nagawa kung hindi ang hanapin ito. Noon niya napansin ang nagkalat niyang damit sa sahig. Nang pulutin niya ang kanyang coat, nakita niya roon ang cellphone niya. Akmang sasagutin na niy

