NAGISING si Rosaline na masakit ang kanyang ulo. Bukod pa roon, giniginaw din ang pakiramdam niya. Hindi pa halos gising ang diwa niya ngunit muntik na siyang mapahiyaw nang mapansin na wala siya sa kanyang kuwarto. Mukhang nasa isang hotel room siya. Pero paano siyang nakarating dito? Naramdaman niyang parang may gumalaw sa kanyang tabi. Ganoon na lang ang pandidilat ng mga mata niya nang mapansin niyang may lalaking natutulog sa tabi niya. Biglang lumipad ang mga mata niya sa kanyang katawan. Halos panawan siya ng ulirat nang matanto niyang wala siyang kahit isnag saplot sa katawan. Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok. Muli siyang napatitig sa lalaking nakahiga sa mismong tabi niya. Tulog na tulog ito. Hindi na niya kailangang iangat ang comforter na bumabalot sa katawan nito para m

