PANAY ang buga ng hangin ni Kentt habang nakatitig sa kanyang cellphone. Ilang beses na rin siyang napa-buntunghininga. Hindi niya malaman ang gagawin. Nagtatalo ang kanyang puso at isip kung tatawagan ba niya si Rosaline o hindi. Ilang araw na kasi niyang sinusubukan itong tawagan ngunit hindi ito sumasagot. Ayaw yata siyang kausapin ng dalaga. May isang linggo na ang lumipas noong magpunta sila ng mga magulang niya sa bahay nina Rosaline para sana pag-usapan ang tungkol sa pagbubuntis nito. Kaya lang sa kasamaang-palad nabulilyaso iyong usapan nila. Imbes na maging maayos sana ang pag-uusap, nagkagulo sila. Nagkainitan ang daddy niya at ang mommy ni Rosaline. Kung alam lang niya na gano’n ang mangyayari sana hindi na lang niya isinama ang mga magulang niya. Sana siya na lang mag-isa ang

