“WHAT would you like to eat?” usisa ni Joel kay Leamor habang nakatitig siya sa menu card. “Bahala ka na, sir. Tutal ikaw naman ang magbabayad, eh.” Biglang ibinaba ni Joel ang hawak niya saka mariing tinitigan ang dalaga. “Hey! Tinatanong kita nang maayos. Bakit ganyan ka sumagot? Galit ka ba?” Ilang araw na silang magkasama ni Leamor sa bahay niya. Pero wala pang nangyayari sa kanila. Masyado pa kasi silang busy pareho sa opisina to the point na ginagabi na sila ng uwi. Mas madalas na nauunang umuwi ito dahil ilang gabi na rin siyang may dinner meeting na umaabot pa ng alas-diyes o alas-onse bago siya makauwi. Pagdating naman niya ng bahay ay pagod na siya at inaantok. Dahil hindi naman niya kasama sa loob ng kuwarto ang dalaga, wala talagang mangyayari. “Sorry, sir. Hindi naman po

