“ANG halay ng utak mo, sir!” pabulong ngunit may diing sabi ni Leamor. Tinawanan lang siya ni Joel. “Ganyan ka ba kapag babae ang kasama mo?” “Hindi. Sa iyo lang ako nagkakaganito,” nakangising sagot ni Joel. Pakiwari ni Leamor ay hindi lang mukha niya ang uminit sa kanya. Pati tainga niya ay nairita sa sinabi ni Joel. Kung makapagsalita ito ay parang hindi niya boss. Ni sa hinagap ay hindi niya lubos akalain na may ganito palang side ng pagkatao ang lalaking ito. Wala kasi sa itsura nito ay magsasabi ng ganoong bagay. Kung iisipin niyang mabuti mula pa noong unang beses na makaharap niya ito sa opisina ay hindi talaga siya maniniwalang nagsasalita pala ng ganito ang boss niya. Napakaistrikto kasi nito. Madalas ay seryoso ang mukha na para bang napakamahal ng ngiti nito. Kung natutuwa

