KANINA pa nakatitig si Kentt kay Rosaline. Hinihintay niya ang sagot nito. Pero parang nahihirapan ang dalaga na sagutin ang tanong niya. Nagtataka nga siya sa kanyang sarili kung bakit naisip niyang itanong iyon sa dalaga. Kung tutuusin hindi niya dapat itinanong iyon sa dalaga. Mali kasi iyon. May asawa siyang tao. Kapag nakipagrelasyon pa siya sa ibang babae, ibig sabihin nangangaliwa na siya. Kahit sabihin pang dinadala ng babae ang magiging anak nila, mali pa rin saang anggulo mo man tingnan. Siguro iyon ang isa mga dahilan kung bakit hindi maganda ang nasabi ng daddy niya noong makipag-usap sila sa mommy ni Rosaline. Pero naguguluhan siya kung bakit pumasok pa rin sa isip niya ang ganoong ideya. Oo nga, mahal niya si Candy maging si Cherryl kahit hindi niya ito kadugo. Ni hindi niy

