“SO, ANO ang dapat pa nating pag-usapan kung ang mga magulang natin ay parehong ayaw sa isa’t isa?” tanong ni Rosaline. “Ibig mo bang sabihin hahayaan na lang natin sila na mag-decide para sa atin? Anak naman natin ang pinag-uusapan dito. Kung tutuusin wala na silang pakialam sana sa atin dahil tayo ang mga magulang ng batang dinadala. Pero dahil sa respeto hiningi pa rin natin ang mga opinyon nila. Kaya lang hindi ibig sabihin na iyong gusto nila ang masusunod. Dapat nasa atin ang huling desisyon,” paliwanang ni Kentt. Naisip ni Rosaline na may katuwiran naman si Kentt. Silang dalawa ang direktang involve sa problemang kinahaharap nila ngayon kaya tama lang na sila ang magdedesisyon kung ano dapat ang gagawin. “Ano ba ang pinaplano mo?” “Ang gusto ko sanang mangyari, tumira ka na la

