HALOS tumalon na ang kotseng minamaneho ni Kricel. Hanggang sixty kph lang siya magpatakbo pero sa pagkakataong ito umabot na siya ng one hundred twenty. Mabuti na lang at gabi na kaya mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyan sa kalsada. Kung nagkataong maaga pa at traffic baka sa ospital o sa sementeryo siya pupulutin. First time niyang mag-drive nang ganito katulin. Abot hanggang dulo ng daliri niya sa paa ang kabang lumukob sa kanya. Mabuti na lang at sanay siya sa stress dahil sa mga deadline sa kanyang trabaho. Kaya kahit labas sa katawan na ang kaba niya, nakakakilos pa rin siya nang maayos. Madalas nga siyang bansagan ng mga kasama niya na, she can work with grace even under stress. Paano ba namang hindi siya mara-rattle? Hindi na niya halos makilala ang tinig ni Patrick nang tu

