"Sir, dumating na raw po ang mga bagong yaya nina Disney at Dwight. Katatawag po ni Mel." Napahinto ako sa tangkang pagpasok sa loob ng aking opisina sa Shadow Organization nang bigla nagsalita si Arnel mula sa aking Likuran. Napakunot ang aking mga kilay at tumingin sa suot kong relo. "At this hour—seven o'clock in the evening?" nagtataka kong tanong, na hindi ko rin mapigilan ang mag-alala o mag-isip ng hindi maganda, dahil wala na sa working hour ang paghahatid ng agency sa mga empleyadong nakalaan sa mga designated place of work. Tumango ito. "Yes, sir. Maaari din daw po kayong tumawag sa agency kung may ilan pa raw po kayong mga katanungan. Ayon po kay Mel, nasiraan daw po ang sasakyan ng agency kaya late na raw pong dumating ang mga bagong yaya ng mga bata." "Ikaw na ang bahalang

