DARRYL "Sir, maayos na po ang lahat. Wala pong nakakaalam ng tungkol dito sa bagong bahay ninyo, kahit na po si Madam Maidy tulad na rin po ng ipinag-uutos ninyo. At isa pa po, bukas na rin po ang appointment ni Dwight sa hospital para sa check up n'ya at ibang mga test na kailangang gawin." Napahinto ako sa tangkang pag-inom ng wine nang magsalita si Arnel mula sa pintuan ng library. Isang linggo na mahigit ang lumipas mula nang makabalik na uli kami ng bansa. Hindi kami dumiretso sa aking bahay, bagkus ay agad akong nagpahanap na bagong bahay kay Arnel at ibinilin na huwag ipapaalam kahit na kanino, kahit pa sa aking mga magulang. Hindi ko rin sana planong gawin ito, ang lumipat ng bahay at ilihim ang lahat, ngunit nalaman ko kay Joey ang lahat-lahat tungkol kay Allonah pitong buwan

