MARICIEL "Hoy, Ciel! Ano ka ba? 'Wag mong gagawin 'yan dahil lalo ka lang masasaktan. Alam naman nating may pamilya si Dr. Nuñez, eh. At imposibleng tanggapin n'ya 'yang bata o seryosohin ka. Mag-isip ka naman, Ciel!" malakas na turan ni Aira habang mariin akong pinipigilan na makalabas ng bahay. Kaming dalawa ni Aira ngayon ang naiwan dito sa bahay ni Aljune. Dahil day-off nito kaya't mariin akong ibinilin ni Aljune dito. Nauunawaan ko naman ang mga ito ngunit sa pagkakataong ito ay buo na ang aking desisyon na kausapin si Darryl at ipaalam ang aking sitwasyon. Ang tungkol sa pagbubuntis ko at magiging anak namin. "Aira, hayaan mo na ako! Hayaan mo akong gawin ko ito. Buo na ang desisyon kong ipaalam kay Darryl ang totoo. At alam kong matatanggap n'ya ang bata. Alam kong mahal n'ya rin

