Chapter Twelve

1395 Words
“Bababa na ’ko.” Binuksan ni Aning ang pinto ng kotse. Pababa na ang isang paa niya nang bigla siyang hilahin ni Bekket pabalik. “Oh, bakit?” Sabay lingon niya sa lalaki. “Heto.” “Ano ’yan?” tanong niya sa iniabot nf lalaki sa kaniya. “Atm mo. Nilagyan ko na ng laman iyan. Dalawang buwang sahod mo.” “Ano? Seryoso ka! Ni hindi pa nga tayo kasal, may bayad na ako?” Pero hindi pa niya kinukuha ang ATM na hawak ni Bekket. “Oo nga. Pero sa tingin ko naman okay ka kay Lolo. At saka, pang-shopping mo. Hinalukay kasi ni Dome ang mga gamit mo kahapon at naawa siya sa iyo. Puro lumang damit ang nakita niya.” “So, kailangan ko bang magpasalamat sa kanya?” “Hindi na. Pinasalamatan ko na siya para sa iyo. Mabait ang kaibigan kong iyon at mapapagkatiwalaan.” Saglit na natahimik si Aning. “Teka lang. Nirereto mo ba ang kaibigan mo sa akin? Sa pagkakaalam ko, ikaw ang magiging asawa ko at hindi siya.” “Sinasabi ko lang. Baka sakaling magkahiwalay tayo at masaktan ka, puwede mo siyang lapitan.” “Oy! Hindi ako ganoon noh!Ano’ng tingin mo sa akin, pagkatapos ng isa ay may kasunod agad?” Pinalo ni Bekket ang noo niya gamit ang ATM na hawak nito. “Aray!” Napahawak ang dalaga sa noo nito matapos matamaan. “Echuserang frog ’to. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin,” bulong ni Bekket sa kaniyang isipan. “Napakamalisyosa mo. Hindi ko naman sinasabing gustuhin mo siya. Gusto ko lang malaman mo na puwede mo siyang lapitan kung sakaling mamroblema ka. Ganoon iyon,” paliwanag nito. “Sige na, bumaba ka na. Susunduin kita mamaya,” paalala niya. “Yes, Boss!” “Ano’ng "yes Boss" ka riyan? Ang pangit pakinggan. Ayokong tawagin mo ’kong ganiyan.” “Eh, ano pala? Nagtatrabaho ako sa iyo. Binabayaran mo ’ko. Eh, ’di Boss tawag sa iyo.” “Ayoko nga,” mariing tanggi ni Bekket. “Eh, ano? Dali na! Sabihin mo na. Ma-le-late na ’ko.” “Bumaba ka na nga lang,” sabi nito. At sinunod naman siya ng dalaga. “’Yung pinto pakisara,” habol niyang ani. Pagkatapos makababa ng kotse, padabog na isinara ni Aning ang pinto. “Oy! Baka masira mo iyan!” sigaw ni Bekket sa loob. Si Aning naman ay naglakad papunta sa kabila kung saan ang driver seat. Humarap kay Bekket. “Blehh!” turan niya at saka umalis na nang nakangiti. Habang nasa loob naman ng kotse ni Bekket. “Hmp! Ano kaya iyon?” tanong niya sa ginawa ng dalaga. “Bleh ka rin,” ganti niya kahit nakaalis na ang dalaga. At sinimulang paandarin ang kaniyang kotse. Pumasok si Bekket ng opisina. Gaya ng nakagawian, binati siya ng kaniyang mga empleyado at empleyada. Lingid sa kaalaman nila ang tunay na pagkatao ni Bekket kaya naman, panay ang tingin ng mga babaeng empleyada nito sa kaniya. Kinikilig habang bumabati. Pagkatapos ng mahabang araw at sandamakmak na trabaho ni Bekket, susunduin na sana niya si Aning ngunit may humabol pang trabaho na kailangan niyang gawin. Kaya naman pinakiuspan niya si Dome na ang huli na ang sumundo sa babae. Pagkalabas ni Aning sa gate ng school niya, nakaabang na ang kotse ni Bekket. Ngunit nagulat siya nang hindi ito ang sumundo sa kaniya. “Nasaan na ’yung Boss mo?” tanong niya kay Dome. *May mga meeting pa kasi siya kaya ako na sumundo sa iyo.” “Ah . . .” Tango nang tango lang si Aning “Sumakay ka na.” Hindi na niya nagsalita pa at saka pumasok na agad siya sa kotse. At habang nasa biyahe . . . “Ang guwapo ng magiging asawa ko noh?” tanong ni Aning. Binasag niya ang katahimikan sa loob ng kotse na kanina pa nangingibaw sa pagitan nilang dalawa ni Dome. “Ha?! Ah, oo,” pagsang-ayon nito. “Ahm . . . nakailang girlfriend na ba si Bekket?” “Wala,” tipid na sagot ni Dome. “Ha! Wala? Imposible naman no’n. Ang guwapo at ang yaman ng boss mo, tapos walang girlfriend ni isa?” “Kung wala, bakit marami akong nakitang nighties kahapon sa banyo ni Bekket?” kunot-noong tanong ni Aning sa sarili niya. “Miss Lopez, sinagot ko lang naman ang tanong mo sa ’kin kanina.” “Oo nga. Tinatanong naman kita ngayon kung bakit wala siyang ni isang girlfriend. Bakla ba siya?” Nawalan yata ng preno ang bibig niya. “Miss Lopez, Boss ko po ang sinasabihan mo ng bakla.” “Alam ko. So sabihin mo nga, bakla ba boss mo? O baka naman bakla ka rin kasi ganoon na lang ang pagtatanggol mo sa kaniya,” direktang tanong nito kay Dome. Binalingan siya ng tingin ni Dome. Halatang na-offend sa sinabi ni Aning. Kung bakit naman kasi ayaw paawat ng bibig ng huli. May gusto kasi siyang klaruhin simula pa kahapon na hindi niya masabi-sabi. “Galit ka ba? Nagtatanong lang naman ako.” Kunwari naging anghel ang itsura niya sa harap ni Dome. Si Dome naman ay nalilito. “Ano kaya ang gusto nitong ipahiwatig?” bulong nito sa sarili. “Ang totoo niyan, meron. Pero matagal na iyon. At babae iyon. Nililinaw ko lang sa iyo na hindi bakla si Mr Choi at lalong hindi rin ako bakla.” “Okay.” ’Yun lang at tumigil na siya. Nakuha na niya ang sagot na gusto niyang marinig. Pagdating ng BC company, nagsitinginan ang mga empleyada ni Bekket sa kaniya. “’Yan ba ’yung napapabalitaang mapapangasawa ni Mr. Choi?” Narinig niyang bulong ng isa ngunit hindi na lang pinansin. Nang makalagpas ,may narinig na naman siya. “Ang bata pa niyan, ah. Saka hindi sila bagay.” “Mukhang nag-aaral pa.” hinuha rin ng isa pa. Huminto si Aning. Hindi niya na kasi mapigilan ang sarili na hindi pagsalitaan ang mga ito. “Oo! Nag-aaral pa ako! Kita naman ’di ba? May backpack ako sa likod at isang binder sa kamay ko, oh! Wednesday ngayon kaya naka-jeans at t-shirt lang ang suot ko. Alangan naman magsuot ako ng maiksing palda gaya n’yo? At oo. Bata pa ko. Eh, ano naman ngayon kung bata pa ko? Mahal ko naman, Boss n’yo,” naiinis niyang saad. “At ikaw!” Sabay turo sa isang empleyada. “Ano’ng sabi mo? Hindi kami bagay? Tama! Hindi kami bagay. Kasi tao kami. Tao na merong "KAMI". Kaya pala BC company ang pangalan ng kompanyang ito, kasi mga tao yata rito talagang bc. Bc sa pakikipag-chismisan.” Sumabog na talaga si Aning. Taas noo siyang naglalakad pagkatapos pag-uusapan lang ng mga tao. Hindi yata siya patatalo. Ang lahat ng napagsalitaan niya ay nagulat at natulala sa ginawa niya. “Gusto n’yo bang pakiusapan ko ang asawa ko na isisante kayo?” “Po?!" Biglang ginalang siya ng lahat. “ Huwag naman po. Sorry po, Mrs. Choi.” Hindi pa man din ay tinawag na siyang Mrs. Choi ng mga ito. Natakot yata ang mga babae kaya yumuko at humingi ng tawad sa kaniya. Si Dome naman ay pigil ang tawa. Mabuti na rin iyong ginawa ni Aning. Maging siya ay pinag-chichismisan rin ng mga ito na bakla dahil sa hindi siya namamansin sa mga ito. Kaya ganoon na lang din ang inis niya kay Aning kanina. Nakahanap yata ng katapat ang mga chismosa. “Chour lang!” Sabay peace sign sa mga empleyada ng BC Company. “Bye!”At saka tumalikod na. Nakahinga naman nang malalim ang mga nakabangga ng dalaga. “Nice,” sambit ni Dome sa kaniya. “Ha?” Tumingin siya kay Dome. “Uy! Huwag mong sabihin kay Bekket ha? Baka isipin no’n, hindi pa man . . . umaasta na ’ko bilang asawa niya.” “Tsk! Ano ka ba? Okay lang iyon. Mabuti nga at tinarayan mo sila. Naiinis rin ako sa mga iyon. Porket hindi ko lang pinapansin, iba na ang iniisip tungkol sa akin.” “Bakit? Iniisip rin ba nila na bakla ka?” Pinukulan na naman ng masamang tingin ni Dome si Aning. “Mm . . . kalimutan mo na nga lang.” Sabay iwas ng tingin sa lalaki. At tuloy-tuloy na sa paglalakad papuntang elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD