Ngising-ngisi pa si Aning habang palapit na sa elevator. Ngunit bigla ring tumigil at napalunok.
“Heto na naman po ako.” Kumukurap-kurap pa si Aning habang sinasabi iyon. “Hay . . . bakit ba takot na takot akong sakyan ka?” tanong niya sa kanyang sarili.
“Oh! Bakit?” Nakalimutan ni Dome na takot ang dalaga sa elevator.
“Ahm, Secretary Dome, puwede bang maghagdan na lang tayo,” pakiusap niya rito.
“Ano! Hagdan? Seryoso ka?”
“Oo,” sabi nito. “Eh, kung bakit naman kasi nasa 50th floor pa ’yung opisina ng Bekket na iyon! Kailangan ko tuloy sumakay sa elevator na iyan. Pero mas okay sa akin na maghagdan na lang. Kahit ikaw na lang ang sumakay riyan. Maghahagdan na lang ako. Kaya ko naman. Healthy naman ako.”
“Hindi puwede. Mahihirapan ka pagdating sa opisina niya. Baka nga luluwa mga mata mo at nakalabas pa ang dila mo dahil sa pagod.” pigil ni Dome sa kaniya. “ Kailangan mong masanay lalo na't magiging asawa mo na siya.”
“Hay naku, ayoko nang mahilo at masuka,” tanggi pa rin ni Aning.
“Sandali nga. Tatawagan ko na lang si Mr. Choi.” Akmang dudukutin nito ang kaniyang telepono sa loob ng bulsa ngunit pinigilan siya ng dalaga.
“’Di ba sabi mo nasa meeting siya? Maiistorbo ko pa yata siya.”
“Baka sagutin niya ko. Alam naman niya na kasama kita.” Nagpatuloy si Done sa at saka tinawagan si Bekket. At ilang sandali pa. “Nagri-ring na.”
Maya-maya' y bumukas ang elevator. Sakay niyon ang taong magiging mister ni Aning.
“Oh, Zu!” sambit ni Dome pero tumigil agad sa pagtawag sa pangalan nang makita ang malaking mata na ipinukol ni Bekket sa kaniya. “Mr. Choi!” Awtomatikong pag-iba nito ng tawag sa huli. “Tapos na po ba meeting mo?”
Ibinaba muna ni Bekket ang kaniyang telepono saka ibinulsa. Lumabas siya ng elevator.
“Hindi pa. Nagpaalam lang ako saglit baka kasi pabalik ka na at kasama siya.” Nginusuan pa niya si Aning. “Mabuti naman at nasa timing ako. Alam ko kasi na may isang tao riyan na takot na takot sumakay ng elevator. Kaya nandito ako para sunduin ang taong iyon.” Tumingin pa siya kay Aning na nakatingin din sa kanya.
“Hmp!” Inirapan ng dalaga si Bekket.
“Halika na. Pumasok na tayo ng elevator.”
“No! Ayoko!” matigas na tanggi ni Aning
“Ang arte nito,” bulong ni Bakket.
“Halika na. Hindi ka puwedeng maghagdan. Nasa langit ’yung opisina ko.”
“Ayoko nga! Tapusin mo na lang ’yung meeting mo. Dito na lang ako maghihintay.”
“Ang kulit . . .” ani ni Bekket. “Ayaw mo? Gusto mo buhatin kita?”
Natahimik si Aning. Bubuhatin daw siya ni Bekket. Nakakahiya iyon.
“Try mong tumanggi, bubuhatin talaga kita, girl. Bakla nga ako pero malakas ’to noh!” sa isip ni Bekket.
“Ano?”
“Okay, sige. Pasok na tayo,” nasabi na lamang niya dahil ayaw niyang mapahiya kahit na dalawang lalaki lang ang kasama niya.
“Hu . . . banta lang pala katapat mo.”
Sabay silang tatlo na pumasok sa elevator. Si Dome ang nasa gilid. Sa gitna naman nila si Aning. Bumuntonghininga pa ang dalaga pagkapasok sa loob.
“Kaya ko ’to . . . kaya ko ’to,” usal niya na nakapikit ang mga mata.
Samantalang kapuwa natatawa naman ang magkaibigan sa dalaga. Gusto mang humalakhak ni Dome dahil sa nakikita niya kay Aning pero pinigilan lang niya. Nakakatawa kasi talaga ang itsura nito. Napapasandal nang mabuti sa elevator.
Wala pa sila nangangalahati, bumigay na ang tuhod ni Aning at tuluyang napapikit.
“Oh!”
Mabuti at nasalo siya ni Bekket. Maging si Dome ay napakilos rin at akmang sasaluin si Aning kaya lang naunahan siya ni Bekket.
Naramdaman ni Aning na may humahawak sa kanya kaya bigla na rin siya napahawak. Alam niya na si Bekket iyon dahil sa mabangong amoy nito.
Yumakap si Aning sa beywang ni Bekket. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap.
“Ugh . . .” daing ni Bekket dahil sa higpit na yakap ng dalaga “Ump,” Impit nitong sambit.
Si Dome naman ay tawang-tawa sa sitwasyon ng kaibigang boss. Nakayakap ang dalaga rito pero ’yung mga kamay ni Bekket ay nasa itaas at parang sumusuko.
Ganoon pa rin ang kanilang ayos hanggang sa 30th floor na. Yakap-yakap pa rin ni Aning si Bekket.
“A-Anya . . . Pu-pwede bang luwagan mo ’yong yakap mo? Hi-hindi ako makahinga,” wika niya sa dalaga.
“Mm! Bahala ka.” Palagay na palagay naman ang loob ni Aning sa taong kanyang niyayakap.
Sinulyapan ni Bekket si Dome. Si Dome na pinipigilan ang pagtawa. Umuubo na lamang para kahit papaano makahinga rin siya dahil sa pinipigilang tawa.
“Pst! Sige, tawa ka lang!” bulong ni Bekket sa sekretarya niya.
“Hay naku, girl. Kung totoong lalaki lang ako, kanina pa ’ko nag-take advantage sa ’yo.”
“Zu . . .” mahinang tawag ni Dome sa kanya.
“Ano?” mahina ring sagot ni Bekket kay Dome. Kapuwa nagbubulongan.
Sumenyas si Dome sa kanya.
“Ha? Ako?” Itinuro ni Bekket ang sarili at pagkatapos tinuro naman ang nakapikit at nakayakap pa ring si Aning sa kanya.
Sumenyas uli si Dome.
“Hindi! Ayoko!” pabulong na sagot pa rin ni Bekket na umiiling-iling pa.
Muling sumenyas si Dome. At sa huling senyas niya ay napilitang sumunod si Bekket sa kanya para mawala ang takot ni Aning sa mga oras na iyon.
Ibinaba ni Bekket ang dalawang kamay. Ang isa ay hinawakan si Aning sa beywang. At isa naman ay papuntang baba nito.
“Shocks . . . mauulit na naman ba ang nangyari noon?” bulong niya sa kanyang isipan.
Pagkatapos yumuko si Bekket. Hinawakan niya ang baba ni Aning at pagkatapos, hinalikan ito sa labi. Kailangan kaya gagawin niya.
Tumalikod si Dome sa dalawa. Ito ang nagsabi kay Bekket na halikan si Aning para mawala ang takot sa elevator. At nagtagumpay siya. Nawala ang panginginig nito at iminulat ang mga mata. Titig na titig kay Bekket si Aning habang sakop nito ang labi niya.
Hindi simpleng smack lang ang halik na iyon kundi tumagal hanggang nakarating ng 50th floor.
At nang huminto at bumukas na ang elevator . . .
“Ouch!” daing ni Bekket dahil kinagat ni Aning ang kanyang ibabang labi. Dahilan upang tumigil siya.
Hinawakan ni Bekket ang labi niya. Dumugo ito pagkatapos kagatin ni Aning. Nang bumukas ang elevator, dali-daling lumabas si Aning kasunod ang dalawang kasama.
“Bakit mo ’ko hinalikan!” singhal ng dalaga kay Bekket.
“Effective naman ’di ba? Nawala ’yung takot mo,” paliwanag niya.
“Oo nga." Sang-ayon ni Aning. “Eh, pero mali pa rin iyon. Binigla mo ’ko.”
“Aw . . .” muling daing ni Bekket habang ang ibabang bahagi ng kaniyang labi.
Nakonsensya si Aning sa kanyang ginawa kay Bekket. Hinila niya ito papuntang opisina ng huli at pinaupo sa sofa nang makapasok.
“Sorry . . . sorry. Dumugo na. Hayts, ikaw naman kasi. Kasalanan mo.” Halos nagkakandarapa sa kilos si Aning. Gusto niyang hawakan ang parte ng labi nitong may dugo.
Tumingin si Bekket sa kanya. Pagkatapos inutusan si Dome.
“Secretary Dome, pakikuha ng med ko.”
“Opo,” magalang nitong sagot.
“May meeting ka pa ’di ba? Naku naman. Paano ’to? Makikita nila iyan.”
“Malamang . . .”
“Grabe ka girl, masyado ka namang nanggigil sa halik ko,” anas nito sa kaniyang isip.
“heto na.” m Sabay abot ni Dome sa medicine kit na kinuha nito mula sa drawer.
“Ako na ang gagamot,” sabi ni Aning sa kaniya.
“Ako na. Kailangan ko nang bumalik sa meeting. Tiyak naghihintay na sila sa akin.” Inagaw ni Bekket ang bulak na nasa kamay ni Aning. “Dito ka na muna.” Tumayo na siya saka lumabas na.
Hinatid na lamang ng tingin ng dalaga si Bekket. Halata sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
“Napasobra yata ako, Secretary Dome. ’Di ba?”
“Mm . . . siguro nga.” Sabay tango nito.
Tinalikuran siya ni Dome at hinarap nito ang na-pending niyang mga trabaho kanina.