Chapter Fourteen

1615 Words
Bumalik si Bekket sa meeting na may bahid ng dugo at sugat ang kanyang labi. Nagtaka pa nga ang board members dahil napansin nila ito pero hindi na lamang nila tinanong si Bekket. Pero hindi ito nakaligas sa lolo ng huli. “What happen to your lips, Bekket?” “Nothing, Lo. Nakagat ko lang po.” “I knew it!” biglang turan nito na luminawag pa ang mukha. “You knew what?” tanong ni Bekket. “She's here. I got to go!” excited nitong saad at saka biglang tumayo para iwanan ang meeting. “Haraboeji! She's in my office right now. And the last time you went to my office, nagkaproblema po kayo sa paa ninyo. Kaya please . . . stay,” pigil nito dahil alam niya na pupuntahan ng matanda si Aning. “Ayts! Si Lolo talaga. Nahulaan lang na nandito ang babaeng iyon, nagkankadarapa pa. Parang sila ang ikakasal, ah,” bulong ni Bekket sa kaniyang sarili. Alam niyang pabor ang lolo niya kay Aning. “Oh” Huminto naman ang lolo niya at piniling maupo na lang. Talaga naman kasing sumakit ’yung paa nito. “Okay.” Nagpatuloy ang meeting. Kahit medyo nahihirapan si Bekket na magsalita dahil sa hapdi ng kanyang labi, tiniis na lamang niya. “Shocks! Ang shakit,” sa isip niya. Hinawakan pa niya ang labing may sugat. “Okay, let’s end it here. Thank you everyone,” pagwakasa niya ng meeting. “Thank you, Mr. Choi and congratulations on your wedding,” bati ng mga ito sa kaniya. “Thank you,” tugon niya na nakangiti. Pagkatapos ng meeting, dumiretso si Bekket sa kaniyang opisina na nasa 50th floor. Samantalang si Aning naman ay tila nakonsensya sa kanyang ginawa. Nakaupo siya sa sofa at kinakagat-kagat ang kaniyang mga kuko sa daliri ng kamay niya. “Masakit pa kaya iyon?” tanong niya habang nag-alala kay Bekket. “Hays . . . bakit kasi kinagat mo si Bekket,” sabi pa niya sa sarili. Maya-maya ay bumukas ang pinto. At bigla siyang tumayo. “Tapos na ba ang meeting mo?” Kararating lang ni Bekket mula sa meeting.o “Oo.” Tinanguan lang siya nito. Pumasok ng banyo si Bekket. Nanalamin at tiningnan ang kanyang labi. “Shock! Ang hapdi. Eehh! Nakakairita ang bruhang iyon. Kung hindi lang kita kailangan, eh. Ouchh . . .” Napangiwi pa siya dahil sa sakit. “Bekket . . .” Nagulat naman ang huli sa paglitaw ni Aning sa kanyang tabi. Tinititigan siya nang mabuti lalong-lalo na sa kanyang labi. “Masakit pa ba?” Kagat-labi niyang tanong at akmang hahawakan ang labi ni Bekket. “Oh! Ano’ng gagawin mo?” pigil niya sa kamay ni Aning. Hinawakan pa ang kamay nito. “Titingnan ko lang naman.” “Titingnan ? Ganyan ka ba makatingin, pati kamay mo gumagalaw? May mata ba pati kamay mo?” “Tsk!” Binawi ni Aning ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Bekket. “Baka naman gusto mo lang hawakan ang kamay ko kaya pinigilan mo,” ganti niya rito. “Ewan ko sa iyo.” Iniwasan n’ya ang dalaga at lumabas ng banyo. “Sandali! Kailan ba tayo pupunta sa bahay mo?” Sinagot siya ni Bekket nang nakatalikod. “Ngayon na. Naghihintay na si Lolo sa iyo. Kanina ka pa niya gustong makita.” Inayos muna ang kanyang mesa saka inaya nang umalis ang dalaga. “Tara na.” Bago ito lumabas, ibinilin niya kay Dome ang opisina. “Ikaw na muna ang bahala rito. Aalis na kami.” “Yes, Mr. Choi,” tugon ni Dome sa kaniya. Matapos magpaalam, sumakay sila ulit ng elevator. “Eh . . .” Nababakas na naman sa mukha ni Aning ang takot. “Hayts . . . kaunti na lang masasabunutan ko na itong girl na ’to,” bulong ni Bekket sa sarili niya. “Puwede bang tibayan mo ’yang loob mo at tiisin mo na lang ang hilo sa loob,” Pakiusap niya sa dalaga. “Ha?” “Ayoko nang halikan ka noh!” prangka nitong saad sa dalaga. “Eh, bakit magpapahalik ba ulit ako sa iyo?” Sabay irap niya kay Bekket. “Ano’ng gagawin ko? Ayoko ring maghagdan papuntang second floor.” Ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator. “Tara na.” Hinawakan nito ang kamay ni Aning at hinila papunta sa loob ng elevator. “Ha?!” Namumula na si Aning. Bakit ba kasi takot na takot siyang sumakay rito. “Tara na.” Pagdating sa loob ay niyakap siya ni Bekket. Pinaharap niya ito sa kanya at hinawakan ang likod ng kanyang ulo. Pinasubsob sa dibdib niya. Animoy naging lakas niya laban sa malaking problemang hinaharap. Nalanghap ni Aning ang amoy ni Bekket. Masarap amoyin ang mabangong scents nito. Nakakarelaks sa pakiramdam. “Hm . . .” Nakapikit pa si Aning habang nialanghap ang amoy ni Bekket. “Ano’ng ginagawa ng babaeng ’to?” tanong nito sa kaniyang sarili. Napansin niya kasing dikit na dikit na ang mukha nito sa kaniyang dibdib. “A-Anya . . .” alanganin niyang sambit. “Hm . . .” Nakatuon pa rin ang pansin nito sa dibdib ni Bekket. “Ang bruhang ’to. Balak yatang ubusin ang bango ko,” Hindi niya mapigilan ang mainis sa dalaga. Ngunit isinarili na lamang niya ito. Sa tinuruang iyon ni Aning tila nawala ang kanyang pagkahilo na nadarama simula nang sumakay siya sa elevator. Ngunit hindi yata komportable si Bekket sa pang-aamoy ng dalaga sa kanya. “Eeew, ayaw pang tumigil oh!” naiinis niyang bulong sa sarili. “Eherm. Puwede bang . . . puwede bang huwag mong simutin ang amoy ko?” “Ha?” Tumingala si Aning sa kaniya at iminulat ang mga mata. Kitang kita ni Bekket ang kasimplehang taglay na ganda ni Aning. Malayo man ang kutis nito kay Bekket pero makinis rin ito kagaya niya. “Wow girl, ng ganda ng pisngi mo. Kutis artista. Ang suwerte ng magiging boylet mo,” palihim niyang puri sa dalaga. “Teka! Ako nga pala ang magiging asawa niya.” Patuloy lang na pinagmamasdan ni Bekket ang mukha ni Aning. Waring inaaral ang kabuuan nito. “Infairness, ang tangos din pala ng ilong mo, ha,” dagdag pa nito na hindi man lang naisantinig ang mga sinasabi. Hindi na namamalayan ni Bekket na unti-unti niyang hinahawakan ang ilong ni Aning. Simula sa parteng nasa pagitan ng mga mata nito pababa hanggang dulo. Si Aning naman ay tila naging estatwa lamang. Siya man ay inaaral ang mukha ng kaharap at tila ba may agad na naalala. “Parang ikaw siya . . .” sambit nito sa kanyang isipan. “Hahalikan mo na naman ba ako?” “Ha?” Nabigla si Bekket at dali-daling inalis ang kanyang kamay na nawili sa paghaplos sa mukha ng dalaga. “Ah, halika.” Isinubsob niyang muling ang mukha ng dalaga sa kanyang dibdib. “Mmm . . .” Bahagyang kumawala sa kanyang si Aning. “Bakit? Hindi ka na ba nahihilo?” tanong ni Bekket nang kumawala ito sa pagkakayakap niya. “Puwede bang huwag mong idiin ang mukha ko? Hindi ako makahinga.” “Ah, sorry. Halika. Yakap ka na uli sa akin, Yoebo.” “Yoebo? Hindi ako si Lolo mo noh!” “Hahaha . . . hindi naman pangalan ni Lolo iyon.” “Eh, ano’ng ibig sabihin ng Yoebo?” “Honey. ’Yun ’yung tawag sa taong mahal mo o mahal ko.” “Ganoon ba? Kaya pala gano’n na lang ako pagtawanan ng lolo mo. Akala ko kasi pangalan niya iyon,” Sabi niya. “Pero mali ka pa rin.” “Ha? Bakit naman?” pagtataka ni Bekket sa sinabi ng dalaga. “Hindi naman Yoebo ang tawag ko sa mahal ko.” Tila nag-isip ang si Bekket. “Eh, ano?” “Bekket!” sagot ni Aning sa kaniya. “Magiging asawa kita kaya ikaw na dapat mahalin ko. Hindi naman kasi peke ang pagiging mag-asawa natin kapag nakasal na tayo. Kaya bakit pa ako maghahanap ng iba, eh nadiyan ka na.” Natahimik si Bekket at nag isip ulit. “Aba, ang bruha. Hindi pa man, nahulog na yata sa akin,” bulong nito sa isip. “Oy! Paalala ko lang ha! Hindi tayo talo. Kaya baka masaktan ka lang.” “Bakit? Porke’t mayaman ka at mahirap lang ako? Kaya ba hindi tayo talo?” “Hindi naman sa ganoon. Kaya lang, ayoko pang mainlab ngayon,” pag-amin nito sa dalaga. Pero ang totoo, bakla siya at parehas silang dalawa na lalaki ang gusto. “Bahala ka. Wala akong pakialam kung ayaw mo pang mainlab. Basta ako, hindi na kita pakakawalan. Suwerte na ako sa iyo.” “Hala, seryoso ka ba?” “Ano sa tingin mo?” Tinaasan nito ng kilay si Bekket. Nagkatinginan ang dalawa at nananatiling magkayakap pa rin sa isa’t isa. “Hay naku, girl. Kung alam mo lang na bakla ako tiyak, mandidiri ka,” aniya sa isip. Nagulat si Bekket nang biglang tumawa si Aning. “Hahaha! Chour lang! Nagbibiro lang ako. Dalang-dala ka eh, noh?” “Aba . . . hindi ka na yata takot dito sa loob ng elevator, ah. Nagawa mo pang magbiro. Eh, kung huwag na lang kaya tayong lumabas dito at bumalik ulit sa opisina ko sa itaas.” “Joke nga lang iyon! Ikaw naman.” Muli siyang yumakap kay Bekket saka pumikit. Sa wakas, naramdaman na niyang bumukas ang elevator. Hudyat na nasa ikalawang palapag na sila. At sa Lolo ni Bekket ang tungo ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD