Chapter Fifteen

1682 Words
Kasama ang lolo ni Bekket, sabay-sabay silang lumabas ng opisina nito. Pinagtitinginan sila ng mga empleyado habang papalabas hanggang sa pangunahing pinto ng gusali ng BC company. Agaw pansin ang porma ni Aning na simpleng t-shirt at jeans lang na hindi bumagay sa porma ni Bekket na naka-suits. Napansin ni Bekket ang kanyang mga empleyado na kakaiba ang mga tinging pinupukol kay Aning. Mga tingin na halatang pinabababa ang huli. Napalingon si Aning kay Bekket nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya at hinila palapit. Hindi na siya nagulat sa ginawa nito dahil kasama nila ang matanda. Magdududa ito kapag makitang parang hindi sila magkarelasyon. Patuloy ang hawak ni Bekket sa kamay ni Aning hanggang sa makasakay ng kotse. “Where is your Driver?” “I don’t need one, Lo,” sagot niya sa matanda. “Mas mabuting may driver ka para makapagpahinga ka saglit.” “Lo, i’m okay. And besides, ayokong mahawakan ng iba ang fave car ko,” pagdadahilan niya rito. Hindi na nagsalita pa ang kanyang lolo. Hinayaan na lamang siya nito sa kanyang gusto. At ibinaling na lamang kay Aning ang atensyon. “Iha . . .” “Yes, po?” “Kailan ka lilipat sa bahay ko?” “Po?!” Nagulat si Aning sa biglaan nitong tanong. “Ah, sorry sa pagmamdali ko. Gusto ko kasing magkaroon na ng apo sa tuhod kay Bekket. You know, i’m old already. I’m looking forward na magkaroon agad ng anak ang apo kong iyan.” Sabay nguso niya kay Bekket na nakatuon sa pagmamaneho. At dahil sa tanong niyang iyon kay Aning, nakagat ni Bekket ang labing nasugatan kanina. “Ouch!” daing nito nang mahina. “Lolo talaga . . .” palihim nitong bulong. “So, When iha?” tanong niya ulit kay Aning. “Ah . . . . hindi pa kasi kami kasal, Lolo. Kaya hindi ko po alam kung kailan.” “Oh! No problem. You can get married tomorrow or the next day.” “Po?!” panabay na sagot nina Aning at Bekket. “You love Bekket, right?” Sasabihin pa sana niya na hindi pero . . . “Yes! Ofcourse, Lo. I do. . . love him.” Sabay baling kay Bekket na nakaupo sa driver’s seat. “Okay. Ipapahanda ko na ang kasal n’yo sa secretary ko. Tatawagan ko siya mamaya para kontakin ang mga kilala naming wedding coordinator para ayusin ang lahat as soon as posible.” “Ye-yes po,” sagot na lamang niya. Hindi nagtagal ay narating nila ang mansyon ng mga Choi. Malaki ang bahay kaya mansyn na mansyon ang dating. Inalalayan ni Bekket ang kanyang lolo pababa ng kotse hanggang sa makapasok ng bahay. “Jenica, Laura, Moli . . ” tawag ng matanda sa kanilang mga katulong. Nag-atubiling lumapit naman ang mga ito sa kaniya. “Yes po, Director,” sabay-sabay na sagot naman ng mga ito sa kanya. “Please prepare our dinner and the guest room. Nandito ang asawa ni Bekket.” “Yes, Director!” At isa-isang kumilos ang lahat kahit na nagulat sa sinabi ng kanilang amo. Si Aning naman ay nahiya sa kanyang narinig. Asawa talaga ang pagpapakilala sa kanya ng lolo ni Bekket sa mga katulong. Hindi pa nga sila ikinakasal. “Iha . . .” “Yes, po?” Magalang niyang sagot. “Your going to stay here until tomorrow. Aakyat lang ako sa itaas at magpapahinga lang saglit,” sabi niya rito. “And Bekket . . .” “’Lo?” Maagap na sagot nito. “Tawagin mo ’ko kung nakahanda na ang dinner.” “Yes, po.” “Ahm . . . sandali lang po,” pigil ni Aning sa matanda nang akmang tatalikod sa kanila. “Yes? May kailangan ka? Puwede mong hingin sa mga kasambahay rito.” “Ah, ano kasi, ’Lo. Tama po ba ang narinig ko? Hanggang bukas po ako rito?” “Yes.” Sinabayan pa ng tango. “Eh, ’Lo. Nakakahiya po. Hindi pa po kami kasal ng apo n’yo.” “I know. Hindi ko naman sinabi na magsama kayo sa iisang kuwarto. I just said that you will stay here until tomorrow.” “Ah, may klase po ako. Hindi po ba nabanggit ni Bekket na nag-aaral pa po ako?” “He told me. Puwede ka niyang ihatid bukas nang maaga papuntang school mo. And Bekket, tawagan mo si Dome. Sabihin mo na bilhan kamo ng mga damit itong asawa mo at nang may masuot bukas. Sabihin mo na roon siya bumili sa kaibigan nating designer na may ari ng mall. At ipapahatid mo na rin rito. Okay?” “Yes, ’Lo.” “Okay, I'll go get some rest.” “Yes, ’Lo.” Tumalikod na ang matanda. Nagpaalalay na lamang ito sa ibang katulong paakyat sa kanyang kwarto. Nang makaalis ang Lolo ni Bekket bigla siyang hinila ni Aning “Aray,” daing niya saka bumaling sa dalaga. “Wala ka bang ibang alam na isagot sa lolo mo kundi . . . Yes Lo?” “Bakit ba?” “Bekket? Hindi ako puwedeng matulog dito.” “Bakit? Dahil ba sa hindi pa tayo kasal?” “Exactly!” “Sus! Ano ka ba? Sa guest room ka naman matutulog at hindi sa kuwarto ko.” “Kahit na. Ano na lang ang sasabihin ng nanay ko kapag nalaman niya na natulog ako sa bahay ng isang lalaki?” “Bakit? Sasabihin mo ba?” Natigilan si Aning. Bakit nga naman niya sasabihin? “Alam ba ng nanay mo na ikakasal ka na?” “Hi- Hindi. Mabibigla iyon at saka magagalit. Sasabihin no’n, nagmamadali ako. Tapos, pagagalitan ako kasi nga nag-aaral pa ’ko,” malungkot nitong saad. “Hayaan mo, sasabihin natin sa kanya pagkatapos ng kasal,” seryosong wika ni Bekket sa kaniya. Tila naibsan naman ang lungkot ni Aning sa sinabi ni Bekket sa kanya. Kahit papaano, may kasama siyang magpapaliwanag sa kanyang ina. Maya-maya . . . “Ah!” malakas niyang sigaw na ikinabigla naman ni Bekket. May nakita siyang bagay at itinuro ito. Isang bagay na gustong-gusto niyang makuha noon pa man. Isang limited edition ng sikat na sikat na boyband sa korea. ’Yun kasi ang isang side niya. Mahilig rin siya sa musika. “Ay! ” Si Bekket ay sumigaw rin at napaakyat sa itaas ng mesang nakalagay sa gilid saka napahawak sa dibdib. Ang buong akala niya kasi ay butiki. Takot na takot siya rito noon pa. Simula nang nahulog ito mismo sa kanyang bibig habang natutulog. Tumingin si Aning sa kaniya. Sa pagsigaw kasi ni Bekket ay may bigla siyang napansin. Nagkasalubong ang kanyang magkabilang kilay at kumunot ang noo. “Ano?” tanong ni Bekket na namilog pa ang mga mata. “Omg! Nagkamali yata ako ng pagsigaw. At mukhang narinig niya,” bulong ni Bekket dahil alam na niya ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang tingin ng dalaga sa kaniya. Titig na titig ang dalawa sa isa’t isa. Si Bekket na nanatili sa ibabaw ng mesa, at si Aning na nasa ibaba at nababakas ang isang katanungan sa mukha. “Ba-bakla ba siya? Bakit ganoon ang sigaw niya. At saka bakit kung makatayo, nasa itaas ang isang paa?” mga tanong ni Aning sa sarili. Ilang sandali pa, nagsimulang maglakad papuntang pintuan si Aning. Uuwi na siya. Nataranta si Bekket. “Shocks! Alam na yata niya.” “Uy! Sandali! Saan ka pupunta?” Tumalon pababa at saka hinabol niya ang dalaga na malapit na sa pintuan. Hinila niya ang kamay nito at pinaharap sa kaniya. “Bitiwan mo ’ko!” “Hey, let me explain please . . .” malumanay nitong pakiusap. “Explain what? Na bak-” Hindi na siya nakatapos sa pagsalita dahil biglang tinakpan ni Bekket ang kanyang bibig. Lumapit ito sa kanyang likod at saka niyakap siya nang mahigpit. “Mm . . .” “Please, let me explain,” pakiusap pa rin ni Bekket sa kaniya. Kinagat ni Aning ang kamay ni Bekket na nakatakip sa bibig niya. “Aw!” sigaw ni Bekket dahil sa ginawa ni Aning. Lalabas na sana ang dalaga nang biglang nakabawi si Bekket. Buong lakas niyang binuhat si Aning at umakyat ng hagdanan. “Ano ba? Bitawan mo ako!” “Huwag kang malikot, mahuhulog tayo,” diin niya. Nasa hagdan na kasi silang dalawa at buhat-buhat niya si Aning. “Bahala ka!” pagmamatigas pa rin ng dalaga “Hey! Mahuhulog nga tayo. At saka baka marinig tayo ni Lolo.” “Mabuti nga iyon!” Kahit na bakla si Bekket, ang taglay niyang lakas ay lalaki pa rin. Kaya naman nakaakyat sila ng hagdanan kahit na ganoon na lang ang pagpupumiglas ni Aning. Pumasok ng kuwarto at doon ibinagsak sa kama ang huli. “Uuwi na ’ko! Sinungaling ka!” singhal nito. “Bahala ka . . .” Hinayaan lang siya ni Bekket na bumangon at tinungo ang pintuan ng kwarto nito. Ini-lock na ni Bekket iyon matapos nilang pumasok. “Hmp!” inis niyang turan. Ngunit nahirapan siyang buksan ang pintuan. At kahit ano’ng bukas niya ay ayaw talaga. “Nakikita mo ba ’yang nasa itaas ng ulo mo? Hindi bubukas iyan kung hindi mukha ko ang nakikita niyan.” “Ano?” Kaya pala kusang bumukas ang pintuan kanina nang pumasok sila kahit na hindi sinusian ni Bekket. Mukha pala ng huli ang kailangang iharap sa bagay na iyon para bumukas. “Tumayo ka riyan!” Utos niya kay Bekket na nakahiga na sa kama at nakasandal sa headboard. “No!” mariin nitong tanggi. “Ang baklang ito!x Lumabas na sa bibig mismo ni Aning ang katagang iyon. “Kapag makalabas ako sa kuwartong ito, sasabihin ko talaga sa lolo mo!” Hindi siya pinansin ni Bekket. Sa halip, umayos ito sa paghiga at ipinikit ang mga mata. Pilit na makatulog sa kabila ng pag iingay ni Aning. Hindi na niya kailangang magkunwari sa dalaga. Alam na nito ang tunay niyang pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD