Arnel's point of view Dahil gusto kong magpasikat kay Senyorita ay sumakay ako ng kabayo. Sinabi naman kasi ni Mommy na parang sumasakay lang ako ng kalabaw. Pagsakay ko palang ay agad na siyang tumakbo na hindi ko napaghandaan kaya nahulog ako at natapakan pa. Para akong naparalisado dahil hirap akong maigalaw ang aking katawan. Bilib ako sa lakas ni Mommy dahil nakayanan niyang buhatin ako at ipahiga sa mesa. Mukhang sanay na siyang gumamot kaya ilang saglit lang ay nabendahan at natalian ang nabali sa akin. Hiyang-hiya ako kay Senyorita at halatang inis ito sa akin. Saglit lang niya akong kinausap hanggang sa nauna na siyang natulog. "Mom, sa iisang kubo ba kami ni Senyorita?" "Oo anak, hindi ka naman pwede sa kubo ko. Hindi tayo magkakasya. Bakit ayaw mo siyang katabi?" Tanong ni

