Clarabelle's point of view Nakangiti akong pinagmamasdan ang mag-ina, napagpasyahan ko na maligo na muna. May pinahiram naman na damit sa akin si tita, ang t-shirt niya ay para ko nang dress dahil ang tangkad niya. Parang mahigit na 6 ft siya mas matangkad pa siya kay Arnel. Ang akala ko ay magkasingtangkad sila pero nang akbayan ni Tita si Arnel ay mas matangkad pala ito. Hindi na ako nagpa-alam pa sa kanila. Hinayaan ko silang mag-usap , pumasok na ako sa maliit nilang banyo at mabilis na naligo. Paglabas ko ay nakita kong inaalayan ni Tita si Arnel na sumakay ng kabayo. "Parang kalabaw lang yan anak, nakita na kitang nakasakay ng kalabaw noong bata ka kaya madali nalang saiyo." Sigaw ni Tita. Agad akong lumapit kina kuya. " Kuya hindi n delikado kay Arnel na sumakay ng kabayo? hi

